At bago lumabas ng taxi sa international airport, may halong inggit nitong sinabi sa kanya. “I hope I’ll found a wonderful man who say say things like those to me.”

Nginitian ito ni Hope. “Yeah, I did find a wonderful man didn’t I?”

Nginitian rin siya ng babae. “If you ever come back, call me,” anito at may inilahad na calling card. “I’ll give you a free ride... to the church.”

Tumatawang tinanggap niya ang calling card. “You bet, I will!” wika niya bago umalis.

*****

PAGKATAPOS ng maraming oras na pagkakaupo sa loob ng eroplano, sa wakas ay lumanding na rin ito sa airport kung saan masigla siyang sinalubong ni Ara Grace.

“Ara, hindi mo na kailangang sunduin ako, pwede naman na ako ang dumalaw sa inyo sa Candelaria.”

“Okay lang Hope, hindi lang naman ikaw ang dahilan kung bakit ako narito sa Manila,”

“Okay...?” nakataas ang isang kilay na wika niya at hindi binalak na itanong rito kung ano ang dahilan na iyon, dahil nahalata niyang mukhang ayaw iyong pag-usapan ng pinsan. “Anyway, so, anong nangyari?”

“Halika na muna, mamaya ko na ikukuwento.” Ani Ara Grace, tinulungan siya sa mga dala.

Habang nasa bus sila patungo sa kanyang tahanan, saka ikinuwento sa kanya ni Ara Grace kung papaanong nitong natagpuan sa pamamagitan ng kaibigan nitong internet geek ang website kung saan nakapa-published ang mga naked pictures niya noong teenager pa siya. Mga pangyayaring hindi niya maalala dahil sa iyon ang naging resulta ng unang pagkalasing niya.

Ipinakita raw iyon ni Charity kay Joey habang siya ay nasa tiyahin niya at sinabing siya mismo ang naglagay ng mga larawang iyon sa internet. Bagay na kinagalit ni Joey at nagpakalasing. Sinamantala naman ni Charity ang pagkakataon at may nangyari sa mga ito. Pagkalipas ng ilang linggo ibinalita raw dito ni Charity ang pagbubuntis sa anak ng dating nobyo.

“That’s absurd! Bakit naman agad pinaniwalaan ni Joey na ako ang naglagay ng mga larawang ‘yon? Matagal ko nang sinunog ang mga ‘yon!”

Umismid si Ara. “The man is an idiot. At kung sino man ang naglagay ng mga larawan mo sa internet ay halatang may sariling kopya at kilala ni Charity.”

“I want to see that homepage, I filling a complain.”

“Too late, kanina lang bago ka dumating binisitahan ko ang site at nalamang naaresto ang mga nagmamay-ari nito.”

Lihim siyang napangiti. Alam niyang walang ibang may kagagawan niyon kundi si Tyler.

“Kung okay lang sa’yo gusto kong dumiretso sa dati naming bahay.”

Napatingin sa kanya si Ara Grace. “Bakit?”

“Gusto kong makausap si Charity.”

“Gusto mong awayin dahil sa pag-agaw niya kay Joey?”

“Hindi. Wala na sa akin ‘yun. Ikaw na nga ang may sabi, the man is an idiot!”

Nangiti si Ara Grace.

Nagpatuloy siya. “Fine, he got mad, pero hindi sapat ‘yun para basta nalang niyang paniwalaan na ako ang may gawa ng kinagalit niya. Dapat ay kinausap muna niya ako bago siya manghusga at magpakasal sa iba.”

“That’s right!” sang-ayon ni Ara. “Marami pa namang iba, aba, hindi lang siya ang lalaki.”

Hope smiled coyly. “Actually, I already found someone,”

“Talaga!” Excited siyang tiningnan ni Ara. “Kaya naman pala mukhang hindi ka lang okay, nagniningning pa. So, who’s the lucky man?”

“My stepbrother.”

Medyo napaurong si Ara Grace pero agad din namang nakabawi. “Well, you look happy, kaya masaya na rin ako para sayo.”

“So, okay lang ba na samahan mo ako sa dating bahay namin?”

Bigla ay yumuko si Ara.

“Ara, what’s wrong?”

“Hope, Charity attempted suicide. Nasa ospital siya ngayon.”

“Ano? P-paano— no, kumusta na siya?”

“Hindi ako sigurado ang alam ko lang ay ligtas na siya.”

Nakahinga siya ng maluwang. “Let’s go to the hospital then,”

*****

“IYAN ANG SILID NI CHARITY,” turo ni Ara sa silid na may numerong 353. “Sige, mauna na ako.”

Tumango siya at at kinatok na ang silid na kinaroroonan ng kapatid.

Napahigpit ang kapit niya sa luggage bag nang masilayan ang mukha ni Almida na siyang nagbukas ng pinto.

“Anong ginagawa mo rito?” malamig ang tinig na tanong ng babae. But unlike before it doesn’t hurt her as much anymore.

“Gusto ko sanang makausap si Charity, Tita.” Wika niyang medyo diniinan ang huling kataga.

“I don’t think so Hope. Akala mo ay papayagan kitang apihin ang anak ko ngayong—”

“Mama, it’s okay,” mahinang wika ni Charity mula sa loob. May bendahe ang kaliwa nitong kamay.

Napalingon si Almida at kinontra ang sinabi ng anak ngunit ng huli ay ito pa rin ang natalo at iniwan silang magkapatid.

“Charity bakit mo ginawa ito?” salpok ang kilay na tanong niya, tinago ang awa sa kapatid, ngunit nang umiyak ito ay mabilis naman siyang naupo sa tabi ni Charity para lang tabigin nito.

Nagsalita si Charity. Ipininaliwanag nito na hindi ito nagdadalang tao at inamin rin nito na ito ang may kagagawan sa paglalagay ng mga larawan, at lahat nang iyon ay natuklasan ni Joey dahilan para iwanan ito ng lalaki.

Nagtagis ang ngipin ni Hope sa mga narinig, hindi malaman kung anong dapat na isipin. Hindi niya sasabihing wala siyang nararamdamang pagdaramdam para sa kapatid ngunit siguro ay sapat na ang paghihirap nito at si Joey... bumuntong hininga siya. It's no longer important, kahit na lihim pa niyang hilingin na sana ay kinausap siya nito ay pa rin nito mai-aalis na nasaktan nito ang damdamin niya. Nang huli ay pinili na lamang niyang manahimik, at patuloy na makinig sa kapatid bago tumayo sa kinauupuan. Hindi na niya muling tinangkang galawin si Charity pero ito ang kusang humagap sa kamay niya.

“Hope, kahit na ganito ang mga nangyari ay wala akong pinagsisisihan sa pag-agaw kay Joey sa’yo. I truly loved him.”

“That’s good to know.” Nilingon niya ang kapatid at ngumiti. “Sana ay matagpuan mo ang tunay na kaligayahan paglabas mo Charity.” Patapos ay kumawala na siya sa pagkakahawak nito.

Palabas na siya ng silid madinig ang muling pag-iyak ni Charity. Nabuksan na niya ang pintuan magsalita ito.

“Sana ay dalawin mo ako ulit, A-Ate.”

Saglit na tila itinulos sa kanyang kinatatayuan si Hope. All their life, iyon ang unang pagkakataon na tinawag siyang Ate ni Charity. Something she had hope to hear many times before.

“Hindi na siguro ako muling dadalaw, pero dalian mong magpagaling dahil bridesmaid ka sa kasal ko,” wika niya na hindi nililingon ang kapatid.

 “I won’t miss it for the world.”  Nasa tinig ang ngiting sagot nito sa kanya.

Tumango na lang siya at may ngiti sa labi at luha sa mga matang isinara ang pinto ng silid sa kanyang likuran

______________________________________________________

THANK YOU sa patuloy ninyong pagbabasa. Abangan po sana ninyo huling chapter na kasunod nito.

I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon