Chapter 17

2.2K 41 0
                                    

“HOPE, wait!” tawag ni Tyler habang nagmamadali mag-suot ng damit, pero hindi na niya nagawang ibotones pa ang pang-itaas, hinabol na niya ang dalagang palabas ng silid hila ang de-gulong nitong luggage bag.

Naabutan niya ito sa ibaba ng hagdan. “Hope, bakit ka aalis? Akala ko ay nagkakaunawaan na tayo?”

Malambing ang ngiti siyang nilingon ng dalaga, hinawakan ang kanyang kamay. “Tulad ng nasabi ko na, nais ko lang talagang malaman ang katutuhanan.”

“Bakit kailangan pa? Di ba nasabi sa’yo na ng pinsan mo ang ugat ng naging problema? Bakit kailangan mo pang bumalik sa Pilipinas?”

Lumingon si Tyler sa sala kung saan tahimik na magkayap ang kanilang mga magulang, nakatalikod sa kanila pero sigurado siyang matamang nakikinig ang mga ito.

“Gusto kong malinawan sa mga nangyari, I won’t be able to fully move on if I don’t do so,” sagot naman ni Hope. Binitawan ang kamay niya at muling humawak sa handle ng bag.

Habang naglalakad si Hope palabas ng pintuan, nag-flash-back sa isipan ni Tyler ang pag-iwan sa kanya noon ni Britanny. Sinulong siya ng labis na kaba, pakiramdam niya ay tila ba ganoon na naman ang mangyayari, mawawala na naman ang babaeng minamahal at sa pagkakataong iyon ay aagawin ito ng nakaraan.

“Hope!” sigaw niya mabilis na humakbang palabas ng bahay kung saan natagpuan niyang nakapara na ng taxi ang dalaga. Hinawakan niya ang balikat nito. “Forget about your past, Hope. Stay here and marry me!”

Napamata sa kanya ang babaeng driver ng taxi tapos ay tumingin ito kay Hope. Nilingon naman siya ni Hope matapos ilapag sa backseat ang luggage bag. Ikinawit nito ang braso sa batok niya at mariin siyang hinalikan. “I have to go Ty, take care.” Sumakay si Hope sa taxi at ibinaba ang bintana. “Huwag kang mag-aalala babalik rin ako pagnalinaw ko na ang lahat. So, wait for me,”

“Hindi ko maipapangako ‘yan. Sa iyong pag-alis baka makatagpo ako ng iba!” banta niya pero nginitian lang siya ni Hope at pinag-drive ang driver.

“Hope...” pabulong nalang na tawag ni Tyler, tapos ay nagmamadali na siyang bumalik sa loob ng bahay.

Agad siyang sinalubong ng mga magulang.

“What happened?” tanong ina niya.

“Yeah, what’s going on?” segunda naman ni Samuel.

“I’m in love with Hope and I don’t want her to leave.”

“Oh my!” Napasinghap na itinatakip ng ina niya ang kamay sa bibig.

“What really? Napansin ko ang kahina-kanilang kilos ninyo pero hindi naisip na tama nga ako. Kailan pa ito nangyari?” tanong naman ng stepfather niya. Pagkatapos ay nagpaunahan na ang mga itong usisain siya.

“Mom, Sam. I’ll explain everything later right now I need the phone.”

“The phone? Are you not going to follow Hope?”

Tyler smirked. “Not now Mom, I have a naughty girl to purnished. And Mom, I might put that Agriculture course my dad wanted me to get so badly after all.”

Nagtatakang napatingin ang mommy niya kay Samuel.

“Now then, excuse me because I have a website to destroy,” wika niya habang naglalakad patungo sa kinaruruonan ng telepono.

*****

SA TAXI napansin ni Hope ang madalas na pagsulyap sa kanya ng babaeng driver sa rear view mirror ng sasakyan, tila may nais sabihin pero nag-aalangan.

I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]On viuen les histories. Descobreix ara