Chapter 2

2.7K 51 7
                                    

MAY BENDAHENG nakapalibot sa masakit na ulo ni Hope nang idilat niya ang mga mata, pero mas nanakit ang puso niya sa alala nang paglabas ni Charity sa loob ng silid ng fiancé niya, at ito ay walang ibang saplot kundi ang kumot na nakapalibot lang mula kilikili nito pababa.

“Paano nilang nagawa sa akin ‘to?” Umaagos ang luha sa mga matang tanong niya sa sarili.

Ano ba ang nagawa niya para pagtaksilan siya ng lalaking pakakasal na sa kanya? Saan siya nagkulang? At bakit ang kapatid pa niya ang pinili nito? At si Charity— alam niyang tulad ng kanilang ina ay malayo rin ang loob nito sa kanya ngunit hindi pa rin sapat na dahilan ‘yun para patulan nito ang lalaking nakatakdang pakasal sa kanya.

Hindi! Hindi ako papayag na walang nalalaman! Kailangan ko silang maka-usap ng personal. Baka naman prank joke lang nila ito sa akin.

Naupo siya sa kinahihigaang hospital bed at maingat na inalis ang karayom na nakaturok sa kaliwang braso. Bumaba siya sa kama at humakbang, hindi binigyang pansin ang matinding pagkahilo. Kumapit siya sa side table at muli sanang hahakbang nang mapasukan siya ng nurse.

“Oh my god! Doctor Regala, kailangan mong muling mahiga!” bulalas nito. Mabilis na lumapit sa kanya ang nurse para alalayan siyang bumalik sa kama ngunit nanlaban siya.

“Nurse, I’m okay! Doctor ako kaya alam ko.”

“No, you do not! Gynecologist ka, hindi neurologist,” balang ng matapang na nurse. “Ang sabi ni Doctor Wu, malakas daw ang pagkakatama ng ulo mo sa cemento. Mabuti nalang at hindi malala ang pagkakabagok mo pero kailangan mo daw magpahinga at hindi kikilos ng gaano—”

“Yes, I get it nurse,” malumanay ang tinig na awat niya sa babae at kusa na muling bumalik sa pagkakahiga. “Hanggang kailan daw akong naririto?”

“Ayun kay Doctor Wu, hanggang sa medyo humilom na daw ang sugat mo sa ulo.”

“Si Joey ba ang nagdala sa akin rito?”

“Opo, Doktora,” hindi makatingin ng tuwid sa kanyang wika ng nurse. Marahil ay alam na nito ang dahilan ng pagkawala ng malay niya na humantong sa pagkaka-ospital niya sa mismong pinagtatrabahuan.

Alam ng maraming trabahador sa loob ng ospital na nakatakda na silang ikasal ni Joey sa susunod na dalawang buwan, at sa kilos na pinakikita ng nurse ay sigurado siyang alam na rin nito ang tungkol kay Charity.

Hindi na niya tinanong pa ang babae, hinayaan nalang niya itong tapusin ang ginagawa.

*****

KAHIT papaano ay nakahinga ng maluwang si Hope nang sa wakas ay binigyan na siya ng permission ni Doctor Wu na lumabas ng ospital. Gayunpaman na extend ang bakasyon niya dahil sa hindi siya pinayagan ng ospital na bumalik sa trabaho, subalit may palagay siyang nag-aalala lang ang hospital director na hindi niya magagampanan ang tungkulin dahil sa mental state niya.

Sa dalawang araw na pagkaka-confine niya sa loob ng ospital wala isa man sa ina o kapatid niya ang dumalaw para kumustahin man lang siya, pati si Joey ay hindi rin siya sinipot.

Gulong-gulo ang isip na umuwi siya sa condo, nagbihis at tumungo sa bahay kung saan sila lumaking magkapatid kasama ang kanilang mga magulang, na hanggang sa kasalukuyan ay siya pa ring tahanan ng ina at kapatid pero hindi na nang kanilang ama.

*****

PAGKAPARADA ni Hope ng kotse sa garahe, dumiretso siya kaagad papasok sa dating tahanan. Hindi niya pinansin kung bakit maraming tao sa labas ng hardin, inuna niyang hinanap ang ina at kapatid na kanyang natagpuan na masayang nag-uusap sa loob ng malaking silid ni Charity.

“Malaki na itong silid mo para sa inyong dalawa, kaya walang problema sa akin kung dumito nalang kayong mag-asawa matapos ang kasal,” wika ng ina nilang si Almida kay Charity.

“Kasal?” sabad ni Hope sa pag-uusap ng dalawa.

“It’s none of your business,” malamig ang tinig na balik ni Charity sa tanong niya, tumayo ito at humakbang palabas ng silid pero hinawakan niya ang braso nito.

“Charity kailangan nating mag-usap,” aniya sa mahinahong tinig.

“Well, wala akong interes na makipag-usap sa’yo.” Binaklas ni Charity ang braso bago muling nagsalita. “So, if you’ll excuse me, I have an engagement party to attend.” Pagkasabi niyon ay lubusan na siya nitong tinalikuran.

Hahabulin sana niya ang kapatid nang nagmamadali siyang harangin ng ina, tulad ng kapatid ay napaka-distansya ng paraan ng pagtingin nito sa kanya.

“Hope hayaan mo na ang anak ko, may party ngayon para sa kanya at sa fiancé niya kaya huwag kang gumawa ng eskandalo.”

“Anak mo? Ma’ baka nakakalimutan mo, anak mo rin ako!” Nagdaramdam na paalala niya sa inang inismiran lang ang tinuran niya. Sobrang sakit ang ganoong pagtrato sa kanya ng ina, iyon ang pangunahing dahilan kung bakit siya bumukod nang maaga.

“Ah basta, huwag mo nang gagambalain si Charity o ang nobyo niya dahil kung hindi ay ako ang makakalaban mo. Ikakasal na sila sa susunod na linggo at ayaw kung magkaroon sila ng anumang problema.”

“Ma’ papayagan mong magpakasal si Charity sa isang lalaki samantalang noong tatlong araw lang ay natagpuan ko siya sa silid kasama ni Joey!”

“So anong masama doon? Sila naman ang pakakasal ah,” walang paki-alam na sabi ng ina niya. Na tila bombang sumabog sa pandinig niya.

“He’s my fiancé Ma’!”

“Ano? Break na kayo at nang isang buwan pa sila nagpaplanong magpakasal ni Charity!”

“No, hindi kami break! At alam mo ‘yan Ma’ kung hindi man kami nagkita ni Joey ng matagal ay dahil sa dinalaw ko ang Tita Lay—

“Tama na! Wala akong paki-alam sa mga dahilan mo.” Iwinawasiwas ng ina ang kamay sa hangin, na parang wala talagang halaga ano man ang kanyang sinasabi para dito. “Kung gusto mong makadalo sa kasal, tumulong ka. Kung hindi, lumayas ka na!” Dugtong pa nito bago siya iniwang nakatunganga at namamanhid ang buong kalooban.

Noong mag-divorce ang magulang niya at umalis ang ama niya patungo sa Australia, si Joey lang ang tanging natirang takbuhan niya sa bawat sandali, masaya o malungkot man siya. Wala siyang naging kaibigan dahil si Joey ang naging sentro ng buhay niya, ngayong wala na ito at naagaw sa kanya ng walang iba kundi ng sarili niyang kapatid, ramdam niya ang pagbali-baligtad nang dumidilim niyang mundo.

*****

HINDI nga nagbibiro ang kanyang ina sa sinabi, para itong army na palaging naka-gwardya kay Joey at Charity. Walang oras na hindi ito nakabantay sa dalawa sa tuwing dadalaw siya.

Bakit? Bakit nila ako pinagmamalupitan? Anong nagawa kong kasalanan para pagdusahin nila ako ng ganito? Iyon ang mga katanungan na paulit-ulit na naglalaro sa isipan ni Hope, mga katanungang lumulusaw sa katinuhan ng kanyang isipan.

Hurt and extremely angry, Hope finally broke. She resigned from the hospital and like a robot with no feelings other than the insecurity deep inside herself, she help prepared the wedding, as she break herself more and more each passing day, until the wedding day arrived.

I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]Where stories live. Discover now