Chapter 7

2.3K 42 1
                                    

LUKOT ang mukhang bumangon si Hope nang umagang iyon at hinanap ang tumutunog na cell phone.

Alas onse na nang umaga pero wala pa rin siyang ganang gumising. Wala naman siyang trabaho na dapat pasukan, o mga pasyente na kailangang asikasuhin. Kung tutuusin siya yata itong nangangailangan ng Doctor at nutritionist dahil sa napapabayaan na niya ang kanyang sarili, ngunit wala naman siyang ganang magpalusog, parang nawawalan na rin siya ng ganang mabuhay. Una, dahil sa pagpapakasal ni Joey kay Charity sa hindi pa rin niya malamang dahilan, pangalawa parang sumabog na nuclear bomb ang pagkakarinig niya mula sa labi ng babaeng buong buhay niyang kinilalang ina, na isa lang pala siyang anak sa labas ng ama.

Natagpuan niya ang cell phone na nakadugtong pa sa charger. Akmang sasagutin niya ang tumatawag nang tumigil ang pag-ring. Binuksan niya ang cell phone at nakitang hindi naka-register sa contacts niya ang numero, kung kaya hindi na rin siya nag-abalang mag-call-back sa tumawag.

Sinara nalang niyang muli ang cell phone at naglakad pabalik sa silid. Wala siya sa mood na makipag-usap kahit kanino, isa pa ay inaantok pa siya. Pero kaiidlip palang niya nang muling iyong mag-ring. Padabog na siyang bumaba sa kama at tinungo ang kinaroroonan ng cell phone, at nakadama ng pagkairita nang muli niyang mabasa ang numero na nag-missed call kanina. Binuksan niya ang cell phone at sinikap na magpakahinahon nang sagutin ang tawag.

“Hello?” aniya, pero nanatiling tahimik sa kabilang linya kung kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Hello? Sino ito? Kung hindi ka magsasalita puputulin ko na itong tawag mo.”

“Wait, Hope, I’m still thinking,”

“Huh?” Nagtatakang tiningnan niya ang cellphone na tila ba makikita roon ang tumatawag. Pamilyar sa kanya ang tinig ng lalaking nagsalita pero hindi niya eksaktong matandaan kung sino ito, dahil natural namang medyo nag-iiba ang tinig ng tao sa cell phone o telepono at isa pa sigurado siyang noon lang niya ito nakausap sa cellphone. “Who are you?” aniya na sinundan ng paghikab.

“Ouch! Hindi mo na ako naaalala? Ten nights ago we shared one bed, at nine days ago ay binasa mo ng luha ang polo ko na ngayon ay nasa sampayan pa. Masyado namang maikli ng memory bank mo.”

Pabulong na inulit niya ang mga sinabi ng lalaki. “Shared bed ten days ago and nine—” natigil ang pag-iisip niya at nawala ang katiting na antok ng ma-realize na si Tyler ang tumatawag. “Paano mong nalaman ang numero ko? I don’t remember giving it to you at lalong hindi ko naaalalang hiningi mo ito,” bagaman mababa ang tinig ay bakas sa tono niya ang pagsita sa binata.

“Hope, naman,” malumanay na balik ni Tyler. “Hindi naman ganoon kahirap malaman kung ano ang number mo o address, do I need to remind you, I’m your stepbrother?”

Papa! Salpok ang kilay na isip niya. “So, ibig mong sabihin ay tinanong mo ang number ko kay Papa at binigay naman niya sa’yo ganoon?” paniniguro niya.

“Hindi” mabilis nitong sagot na kinalalim ng kunot sa noo niya.

“Kung ganoon paano mong nakuha ang numero ko?”

Tumawa lang ito at umiwas sa pagsagot. “Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ako napatawag?”

“Oh right, bakit ka napatawag?”

Humalakhak na naman ito. Napaingos siya.

“Ano ba? Prank call ba ito? Sasara ko na talaga ‘tong cell phone!” nagbabantang wika niya at narinig na dahan-dahan namang tumigil sa katatawa ang kausap.

“Sorry, sorry. Nakakatawa ka kasing talaga, madali kang ma-distract palayo sa topic.”

Napasimangot siya. “O, paano mong nalaman ang number ko at bakit ka napatawag?”

I'm Not Gonna Cry (Filipino romance) [complete- to be edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon