Chapter Three

2.2K 45 3
                                    

Mabigat ang talukap ng mga mata ni Dennise nang dumilat siya. Puting puti ang buong paligid kahit saan siya tumingin.

Nasa langit naba ako? She thought. Mabilis niyang inalala kung ano ang nangyari. Napapikit ulit siya nang maalala niya ang sunud-sunod na pag alingawngaw ng mga putok ng baril. It was like she was actually hearing them right that moment.  And then she remembered the blood. It was so vivid that she could actually smell it. Napasigaw siya nang hindi na niya makayanan ang mga alaalang pumapasok sa isip niya.

"Dennise!"

Mabilis siyang dumilat. Ang nag aalalang mukha ng mommy niya ang una niyang nakita. Mabilis nitong kinuha ang kamay niyang nanginginig.

"Pinagbabaril ang sasakyan namin, Mommy. Sunud-sunod ang putok ng baril. It was deafening." Sabi niya sabay takip ng kamay sa dalawa niyang tenga. Parang nag-e-echo sa pandinig niya ang mga putok ng baril. Bigla niyang naalala si Manong Gil. "Mom, kumusta ang mga bodyguards ko? Si Manong Ric? Si Manong Gil?" Sunud-sunod niyang tanong.

Hindi agad nakasagot ang mama niya. Parang sinuntok siya sa sikmura. Sunud-sunod ang ginawa niyang pag iling. She could clearly sew the answer on her mother's face. Masyado itong transparent para itago sa kanya ang katotohanan.

"Anong nangyari kina Manong Gil, Mom? Si Manong Ric? Iyong mga nasa SUV? Naka confine rin ba sila dito sa ospital?" Tanong niya ulit. Maraminh pwedeng maging ibig sabihin ang lungkot na nasa mukha ng kanyang ina. So she needed to be sure.

"M-magpahinga ka muna hija. Makakasama saiyo ang mag isip sa ngayon.." umiling siya.

"I need to know what happened to them Mom. Dinaganan ako ni Manong Gil sa simula palang ng putukan. I don't know if the blood came from him or from my own body." Nanginginig niyang sabi.

"Dennise. . ."

"I need to know Mom, please..." paki usap niya. Napatango ang mama niya.

"Sasabihin ko sayo. Pero ipangako mong hindi ka mabibigla. That you'll remain calm. Isang buong araw ka nilang pinatulog dahil naghi-hysteria ka tuwing magigising ka." Siya naman ang tumango.

"I promise, Mom." Bumuntong hininga ito. Para siyang unti-unting pinapatay habang hinihintay ang sasabihin nito. Natakot siya sa posibleng marinig. But she also knew that she needed to hear the truth. Gaano mam kasakit iyon. Humigpit ang pagkalahawak nito sa kamay niya. "I-ikaw lang ang nakaligtas sa ambush Dennise." Mahinang sabi nito.

As if on cue, nag unahan sa pagpatak ang mga luha sa pisngi niya. Namanhid ang buong katawam niya.

"Den, anak."

"Manong Gil died protecting me, Mom. Hinarang niya iyong mga bala na para sa akin sana. Ganoon din si Manong Ric at ang lahat ng mga kasama ko. They all died to protect me." Mahigpit siyang niyakap ng mama niya.

"Sshh. Wala kang kasalanan sa nangyari, Dennise. It was their job to protect you. Hindi mo ginustong mangyari iyon sainyo. Ang mga kalaban ng daddy mo ang may kasalanan, so don't blame yourself, hija."

Humagulhol siya. Kahit anong pag-aalo ang gawin sa kanya ng mama niya, hindi niya alam kung paano niya dadalhin sa konsensiya niya ang nangyari. Sumalit sa isip niya ang masayahing mukha ng dalawang close-in bodyguards niya. Nasanay na siyang kasama ang mga ito sa lahat ng lakad niya. She could not believe they were gone. She did not even get the chance to say goodbye to them. Ni hindi siya nakapagpasalamat man lang sa tapat na paglilingkod nito sa kanya. Napailing siya sa realisasyong iyon. "Ni hindi man lang ako nakapag-thank you sa kanila." Umiiyak parin niyang sabi.

"Sshh.. wag mong sisihin ang sarili mo anak, wala kang kasalanan."

"Paano ang mga pamilya nila?"

Healing Hearts (ON HOLD)Where stories live. Discover now