Chapter Nine

2.4K 70 24
                                    

Huminga ng malalim si Dennise bago humakbang palapit kay Aly. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya. Ganoon palagi amg nangyayari tuwing lalapit siya kay Alyssa.

Hindi niya maitindihan ang sarili niya. Dapat galit siya sa taong to kasi ininsulto siya nito kagabi. Pero wala eh. Kahit sandamakmak pa ata na rejections at pang iinsulto pa ang matanggap niya mula dito siya padin ang di nakakatiis. Sa huli, siya at siya padin ang lumalapit dito.

"Good morning." Bati niya rito.

"Good morning, Señorita." Pormal na sagot nito. Dumiretso ito ng tayo mula sa pagkakauklo nito sa gulong ng kotse. Nasa carport ito ang nililinis ang service niya.

Sinukuan narin niya ang kagustuhang Dennise nalang ang itawag nito sa kanya. Kahit anong pilit niya, kapag nag uusqp sila palaging may kakabit na Mam, madame, or Señorita ang tawag nito sa kanya.

"Escort me on our tribute to graduates." She said in a commanding tone.

"Sorry, Señorita pero----"

"I am not giving you a choice. Kaysa naman magpatayan ang mga suitors ko sa school kung sino ang magiging escort ko. Ikaw nalang para walang sabit. At saka para tigilan na nila ako." That was her excuse.

Pero totoo naman talaga. She was finding a nice way para tigilan siya ng mga nang aalok, lalung-lalo na ang LA Revilla na yun. Napansin naman niya ang pagkabalisa no Aly.

"May problema ba Alyssa?"

"Naka-oo na kasi ako kay Tricia na ako ang magiging escort niya sa gabing yun, mam."

"What?!" She hissed. Hindi niya alam na nag uusap pala ang dalawa. Bantay sarado niya si Alyssa kahit pa hindi sila parehas ng kurso. Paano siya nalusutan ng gagang Tricia na iyon?

"I am sorry, pero humabap nalang po kayo ng ibang escort."

"Paano ka naman nakausap ni Tricia?" Hindi nakatiis niyang tanong, akala niya talaga bantay sarado niya ito.

"Pumunta siya sa bahay ng kaklase ko nung gumagawa kami ng project. Doon niya ako inalok."

"Bakit mo tinanggap?" She asked again.

"Bakit naman hindi? Saka nagpaalam naman na ako kay Madame. Pumayag na siya." Kaswal paring sagot nito.

"Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?" She asked again. Di lang talaga matanggap ng ego niya. Di niya maisip na makasama ni Alyssa ang Triciang iyon.

"Hindi ko alam na kailangan pa pala akong magpaalam sainyo." Aly said. And note the sarcasm in each word she just said.

Bale-wala naman talaga siya dito. Alam niya na yun. Kumirot ang dibdib niya. Kahit anong gawin niya, wala talaga.

"Bawiin mo ang sinabi mo kay Tricia. Be my escort then."

"Naibigay ko na kay Tricia ang salita ko. Hindi ko na pwedeng bawiin yun." She looked at her and Aly did the same.

Matagal silang nagtitigan. Siya ang hindi nakatagal, kaya siya ang bumawi ng tingin.

"So hindi mo susundin ang utos ko?" She know she sounded lame, pero ano bang magagawa niya? Sa tagal nilang nagsama, ni minsan hindi ito umoo sa kanya.

"Madami ka naman pong pwedeng alukin na maging escort mo. Siguradong maraminh nakapila."

"Eh sa ikaw ang gusto ko!" She yelled.

"Hindi po ako nakapila sa gustong maging escort ninyo, Señorita." Tuwirang sabi nito at parang sinampal siya ng sampung beses sa sinabi nito.

"Ayokong magpaasa sa isa sa kanila para lang may maging escort ako." Katuwiran niya nalang. She needed to catch her ego na patuloy na inaapakan ni Aly.

Healing Hearts (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon