Chapter Two

2.1K 66 2
                                    

Dumapa agad si Aly sa lupa pagkarinig pa lang niya sa unang bugso ng putok. Hinayaan na niyang kumalat ang mga sinibak niyang kahoy na ibebenta sana niya sa mga tindahan sa palengke ng San Luis.

Umalingawngaw ang sunud-sunod na putok sa paligid. Sigurado siyang hindi galing sa baril ng mangangaso ang putok. Nasa bukana na siya ng gubat malapit sa daan, wala ng hayop na mata-target doon. Sigurado siyang hindi rin galing sa riple o shotgun ang putok ng baril. Sa ilang buwang pananatili niya sa loob ng gubat mula sa masakit na trahedya na nangyari sa buhay niya, sanay na siya sa tunog ng baril ng mga mangangaso.

Niraratrat ng kung sino mang nagpapaputok ang target nito. Walang ibang maririnig sa paligid kundi nakabibinging putok ng mga baril. Parang tumigil sa pag inog ang mundo habang nakasubsob ang mukha niya sa lupa.

Umingit ang mga gulong sa daan kasabay ng pagtagal ng mga putok. Nakiramdam muna siya sa paligid. Nang masigurong wala na ang putok ng mga baril ay maingat siyang nagpatuloy sa paglalakad palabas ng gubat.

Ilang minutong nakiramdam muna siya sa paligid. Nakita niya sa daan ang tatlong magagarang sasakyan. Tadtad ng tama ng baril ang kaha ng sasakyan at nagkalat ang mga nakahandusay na katawan sa daan.

Parang masamang panaginip lang ang nakikita ni Aly. She looked around, she saw people standing, but she's sure ayaw ng mga ito ang tumulong. Nandun lang ang mga ito para maki-usyoso. Wala ni isa mang nagtangkang lumapit sa sasakyan. O natatakot ang mga itong lumapit sa pinagbabaril na sasakyan. She inhaled. Inipon niya ang lahat ng lakas meron siya. Isa isa niyang nilapitan ang mga nakahandusay na katawan. She checked if there's been anyone breathing. Kung may buhay pa. But no way she found some indications na may buhay pa sa mga ito.

Lumapit siya sa kotseng napapagitnaan ng dalawang malalaking sasakyan. Napatalon siya nang biglang bumukas ang pinto sa backseat.

Duguan ang dalagang sakay ng kotse. Nakalugmok sa kandungan nito ang isang malaking lalaki. Sa kabila ng dugo sa mukha nito, hindi maikakailang napakaganda ng dalaga. Ilang sandali siyang natulala sa pagkakatitig sa mukha nito.

"Help us... Please. . . Help us . . ." The woman pleaded before she passed out.

Saka lang siya natinag sa pagkakatitig dito.

"Tulong! Tulong! May buhay pa rito!" Pasigaw na sabi niya. Pilit niyang inaalis ang katawan ng lalaking nakadagan sa dalagita. Nang magtagumpay ay binuhat niya ang dalaga. "Tulong! Dalhin natin siya sa ospital!"

May ilang kalalakihan naman ang sumalubong sa kanya.

"Naku, anak pala ni Mayor ang dinale." Sabi ng isang matandang lalaki na unang nakalapit sa kanya.

"Naku, kawawa naman." Komento naman ng isa pang usisero.

"Anak ba talaga ni Mayor yan?"

"Humihinga pa ba?"

"Patay na ata eh."

Sabi ng mga ito. Marami ang tumingin sa mukha ng dalaga pero wala ni isa mang nagtangkang tulungan siyang buhatin ito.

"Wala bang tutulong sainyo?" Dismayadong tanong niya sa mga ito. Isa isa namang nagsilayo ang mga usisero

"Mahirap makialam dyan." Rinig niyang sabi ng isa.

"Baka bumalik yong nang ambang sa mga iyan."

"Baka may nagmamanman sa atin kung sino ang tutulong sa kanila, malagot pa kami." Sabi pa ng isang lalaki. Ngalingaling bulyawan niya ang mga ito. Kay lalaki ng katawan, pulos mga duwag! Sigaw niya sa isipan niya.

"Dito! Dito mo na isakay 'yan." Pasigaw na sabi ng driver ng tricycle na pumarada sa tapat niya. Mabilis ang kilos na sumakay siya sa tricycle.

"Sa pinakamalapit na ospital tayo." Sabi niya. At pinaharurot na nito ang tricycle.

Healing Hearts (ON HOLD)Where stories live. Discover now