Chapter One

3.3K 59 0
                                    

Nagtaka ang dalagang si Dennise nang makitang maraming tao sa grande ng kanilang resthouse sa Rancho Lazaro. Napatigil tuloy siya sa tangkang pagbaba. Maingay ang buong paligid dahil halos lahat ng tao roon ay sabay sabay na nagsasalita. Wala siyang maintindihan sa kahit na anong pinag-uusapan ng mga ito.

"Andiyan na si Mayor," anunsiyo ng isang naroon.

Natahimik ang lahat at napako ang mga mata niya sa bungad ng komedor. Pumasok mula roon si Mayor Lazaro. Ito ang kasalukuyang alkalde ng bayan ng San Luis.

He was her father and she was proud of him. Sikat siya sa buong skwelahan nila dahil anak siya ng Mayor. Everybody was praising her.

"Magandang umaga sa inyong lahat, mga minamahal kong kababayan." Bati ng kanyang ama sa lahat ng naroroon.

"Magandang umaga rin ho, Mayor." Sabay sabay na sagot ng mga tao.

"Ano bang maipaglilingkod ko--" Tumingala ito kaya nagtama ang kanilang mga mata. May ibinulong ito sa katabing bodyguard.

Nilapitan naman siya ng huli. "Ma'am  Dennise, bumalik na po raw kayo sa inyong kwarto sabi ni Mayor." Mahinang sabi ng bodyguard.

"Magbe-breakfast ako sa kitchen." Sagot niya.

"Pahahatiran ko nalang po kayo ng almusal sa kwarto n'yo Ma'am. Halina kayo."

"Pero--"

"Mapapagalitan po ako ni Mayor kapag hindi ko kayo napakiusapang bumalik as kwarto nyo ma'am." Putol nito sa sasabihin niya.

Napilitan siyang tumalima. Ayaw naman niyang mapagalitan ito dahil lang sa katigasan ng ulo niya. Dismayadong bumalik siya sa kwarto. Gusto sana niyang makinig sa sasabihin ng constituents ng kanyang ama. Gusto rin niyang marinig ang sasabihin nito bilang ama ng kanilang bayan. She was really proud of her father.

Ipinagmamalaki niya ang pamumuno nito sa kanilang bayan. Pero nililimitahan nito ang exposure niya sa mundong ginagalawan nito. Kahit minsan ay hindi siya pinayagan nitong sumama sa munisipyo. Kapag merong activities ang kanilang bayan ay hindi rin siya pinapasama nito. Bagay na hindi niya maintindihan dahil nag iisang anak siya at gusto niyang makibahagi sa mga gawain ng kanyang ama. She wanted him to know how proud she was to have him as her father. Gusto rin niyang malaman kung paano nito ginagampanan ang tungkulin nito bilang ama ng bayan nila.

But unfortunately, hindi ito ganoon ka open sa kanya. Masyado paraw siyang bata para maintindihan ang mga bagay-bagay. And he did not want to involve her in politics. Sa maraming pagkakataon ay pinaalam nito sa kanya iyon. At dahil bata pa siya, wala siyang lakas para igiit ang gusto niya.

Maybe in time, Dennise. She thought to convince herself.

-------

"Sure ka bang darating ka sa birthday party ko sa Sabado Den?"

"Ofcourse naman Mika. I wouldn't miss it for the world." Nakangiting sagot ni Dennise sa tanong ng bestfriend niya.

"Isasama mo ba si Tito Mike?" Tanong ulit ng kaibigan niya. She grinned.

"Kinausap ko na siya. Nangako siyang sasamahan niya ako sa party."

Noong isang araw pa niya sinabi sa kanyang ama ang tungkol sa party ng kanyang kaibigan. Pinilit niyang sumama ito sa kanya sa darating na Sabado. And the good news was : nagpapilit ito sa kanya.

"Matutuwa si Daddy kapag nalaman niyang darating ang Daddy mo Dennise. He's long been wanting to talk to tito Mike. Ilang beses siyang pumunta sa munisipyo pero masyado yatang busy ang daddy mo kaya hindi sila nagkaka usap." Masayang sabi ni Mika.

Healing Hearts (ON HOLD)Where stories live. Discover now