[LABING WALONG KABANATA]

22 3 0
                                    

[LABING WALONG KABANATA]


















Kasalukuyan akong nag lilinis sa loob ng kumbento habang si Lorenzo ay nakikita kong nag lilinis sa garden..sa panahon ko bibihira nalang ang ganitong lalaki na napaka maginoo,mabait,hindi masungit,magalang,may respeto at may takot sa Diyos...siguro kung pinanganak siya sa panahon ko,hindi magiging hadlang ang oras saaming dalawa..

Naka stinyelas lamang siya habang nag wawalis sa garden..tanaw ko siya rito mula sa loob dahil sa mga bintanang naka bukas"karina,mag pahinga ka muna"napa lingon ako kay Marie

Inabutan niya ako ng mainit na kape,di pa kase 'ko nag kakape eh..actually gatas talaga iniinom ko not coffee but since na-stock ako dito edi no choice na 'ko...

Tumayo ako at ininom yung kape..napansin ko namang hindi niya kasama si Clara"Himala,hindi mo yata kasama si Clara"saad ko..ngumiti naman siya"Napag pasyahan ng kaniyang mga magulang na maikasal silang dalawa ni Armando"Wika niya na ikina tuwa ko.."Mabuti naman"tanging sinabi ko

Nagtaka naman ako ng hawakan ni Marie yung balikat ko at naka ngiti siyang tumitig saakin"Salamat saiyo karina,kung hindi dahil riyan sa walang preno mong bunganga eh hindi ikakasal ang dalawa"aniya na ikina ngiti ko..

"Ngunit ang inaalala ko ay kayong dalawa ni Lorenzo lalo pa't kagabi ay nag tungo rito ang kaniyang mamá at papá..mabuti na lamang ay naniwala sila sa itinuran ni Mother tere"Saad niya..huminga nalang ako ng malalim at tinanaw sa bintana si Lorenzo na ngayon ay nag didilig na

"Ano na plano niyong dalawa?"tanong niya.Lumingon ako sa kaniya at tumingin sa kaniya na tila sinasabing 'hindi ko alam marie'

Ano na nga ba plano naming dalawa?



Muli akong bumalik sa pag lilinis ng sahig nang lumisan na si Marie..

Habang ako ay nag lilinis eh sumasakit puson ko..shems!wag ngayon!wala akong napkin oh!

Napag pasyahan kong sa ibang lugar naman ako mag linis kaya tumayo na ako at dinampot ko yung balde,pati mga basahan at lumabas na kase sa hallway naman ako mag lilinis..

Ng nasa hallway na 'ko eh nakita ko namang nag iigip si Lorenzo..medyo na aawa ako sa kaniya kase tignan mo nag iigip sya ng tubig at panigurado akong mabigat yun kase dalawa yun tapos yung gamit niya eh dalawang balde na naka sabit sa magka bilang dulo ng kawayan



Nag umpisa na 'kong mag linis ng sahig...



Nasa kalagitnaan ako ng pag lilinis ng maubusan ako ng tubig sa balde kaya kinuha ko yung baldeng walang laman at sa pag lalakad ko ay nagulat ako ng yakapin ako patalikod ni lorenzo at sa pag yakap niya ay may ipinupulupit siyang tela sa likod ko na ikina kunat ng noo ko

"Ano ginagawa mo?"tanong ko sa kaniya..naramdaman ko ang kaniyang hininga sa leeg ko"mabuti pa siguro mag palit kana"pagka sabi niya nito ay bigla niya akong kinarga

"Hoy!ibaba mo nga ako--" "hindi maaari sa pagkat mayroon ka"pagka sabi niya nun ay namilog ang mga mata ko at naramdaman kong uminit ang pisngi ko..




NAKAKAHIYA




Agad niya akong binaba ng nasa kuwarto na kame..shems wala akong alam sa kung ano gagamitin ko!


Nakakahiya naman kung tatanungin ko pa siya diba?

"Mag palit kana"pagka sabi niya nito ay aalis na sana siya ng hawakan ko siya sa braso niya"P-paki tawag s-si Marie"utal kong sabi sa kaniya"sige"sabi niya ng may ngiti sa labi

The Untold Love Story (COMPLETE)Where stories live. Discover now