[LABING PITONG KABANATA]

22 3 0
                                    

[LABING PITONG KABANATA]














Parang akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa nalaman,kaya pala hindi na siya nakaka punta dito simula nung gabing iyon ay dahil pala sa ikakasal na sya...napa sapo ang kamay ko sa puso ko na tila binuhusan ng asido dahil sa sakit na nararamdaman ko at hindi ko namalayang pumatak na pala ang aking luha pababa sa pisngi ko

T-teka

H-hindi pa huli ang lahat!nag madali akong lumabas ng kumbento at hindi na inintindi ang sinasabi ni sister Clarice..nag madali akong tumakbo patungong simbahan ng naka yapak lamang

Sa kasamaang palad ay napaka layo ng simbahan sa pinanggalingan ko kaya inikot ko ang mga mata ko kung may masasakyan ba 'ko ng makita kong may kalesa doon at wla yung kutsero kaya agad akong sumakay doon at ako na ang nagpa ano sa kabayo na tumakbo

"Hoy!"

Lumingon ako sa kutserong hinahabol ako "Pasensya na 'po!ibabalik ko din!"sabi ko..bahala na 'kung hindi ako marunong magpa takbo ng kabayo maabutan ko lamang si Lorenzo

Ewan ko pero yung luha ko talagang di mapigilang pumatak!at habang tumatakbo ang kabayo ay napa lingon ako sa isang puting kotse na maliit at may bulaklak ito sa harapan at sa loob nito ay nakita ko si Lorenzo kaya ng mauna ito saakin ay mas lalo ko pang binilisan

"LORENZO!"

Paulit-ulit ko siyang tinawag hanggang sa lumingon ito saakin ng napaka lamig na tingin..mas lalo pa akong naiyak kase sa mga tingin niya parang wala na siyang pake saakin pero pinag patuloy ko lang ang pag papatakbo sa kabayo

"LORENZO MAHAL KITAAAAA!MAHAL NA MAHAL KITA!"Sigaw ko pero mas lalo pang bumilis yung sasakyan nila at yung kabayo ay tumigil "Hoy!tumakbo ka naman!"pag mamapilit ko sa kabayong iyon pero wala!humiga lang yung kabayo na parang pagod na pagod kaya tumakbo nalang ako pero wala na,ang layo na niya

"LORENZOOOOOOOO!"

Sa gitna ng daan ay napa upo nalang ako at kasabay ng pag buhos ng malakas na ulan at pag dilim ng kalangitan ang pag iyak ko.

Sa bawat pag patak ng ulan sa balat ko ay mas lalo ko pang nararamdaman ang sakit dito sa puso ko...Hindi ko maiwasang mapa lingon sa kotse nila Lorenzo na papalayo na.

Sa sobrang lungkot at sakit ng nadaama ko ay hindi kona napansin na may sugat na ang talampakan ko..parang akong tinusukan ng sandamak-mak na karayum sa puso ko dahil ang taong mahal ko ay ikakasal na sa isang babae na kagalit ko

Napa yuko nalang ako habang ako ay umiiyak..wala na 'kong pake kung basang-basa na 'ko sa ulan..maski yung kabayo kanina eh ako ay iniwang nag iisa sa gitna ng kalsada na walang kahit anong tao ang dumadaan

Wala na,wala na ang lahat...hindi na nga ako makabalik nawala pa ang taong pinaka mamahal ko..

"KARINAAAAA!"

Sa gitna ng kalungkutan ay narinig ko ang aking pangalan na sinisigaw ng isang taong pamilyar ang boses..nilingon ko ito at sa pag lingon ko ay muling tumibok ang puso ko ng napaka bilis

"LORENZO!"

Tanaw ko siyang tumatakbo papalapit saakin kaya tumayo ako at tumakbo din palapit sa 'kaniya




- Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man
Nasaan ma'y ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, mmm
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko?



Sa bawat tapak ko sa lupa ay hindi kona ininda pa ang sakit nito at tila bumabagal ang ikot ng aming mundo sa bawat takbo naking dalawa



-Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko


Habang kami ay papalapit na sa isat-isa ay lalo akong na nanabik na siya ay mahagkan kona

Hanggang sa kami ay nag kalapit na at agad na niyakap ang isat-isa kahit umuulan na...

-Ang nakalipas
Ay ibabalik natin, mmm
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko
Kahit maputi na ang buhok ko


Tila wala ng bukas ang aming pag yayakapan ng napaka higpit at dinama namin ang bawat init ng sandali..

Maya-maya pa ay kumalas na kame sa pag yayakapan at yinawakan niya ang aking pisngi at bakas sa mga mata naming dalawa ang galak sa puso..."Lorenzo,Mahal kita...Mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga"sabi ko sa kaniya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay na naka hawak sa pisngi ko

"Ako din karina,mahal na mahal kita"Pagka sabi niya nito ay hinalikan niya ang aking noo at dinama ko ito..agad ko naman siyang niyakap at ganoon din siya.

Sa mga oras na ito ramdam ko ang pagka sabik ng aming puso sa isat-isa hanggang sa tumila na ang ulan kasabay ng pagdampi ng aming maiinit na labi sa isat-isa



Maya-maya pa ay kumalas na kameng dalawa sa pag hahalikan.."Tara na"naka ngiti niyang sabi pero ng mag lalakad na siya ay agad ko siyang pinigilan at kunat noo akong tumingin sa kaniya"E-eh p-pano si Eva?"tanong ko

Tumingin siya paa ko at nagulat ako ng kargahin niya ako ng pa bridal style at binigyan niya ako ng smack kiss "ikaw ang mahal ko,hindi siya"sabi niya na may ngiti sa labi na ikina pula ng pisngi ko..shems yung ngiti niya!


"Eh bakit mo ako binubuhat?"Tanong ko habang nag lalakad na siyanang karga karga ako"Hindi ko hahayaang madumiyan,magalusan o maimpeksyon ang talampakan ng espesiyal na babae sa buhay ko"sabi niya ng may ngiting nakaka akit..hindi siya naka tingin saakin habang sinasabi niya iyon pero alam kong ako ang babaeng iyon...

Minsan na lamang akong sumaya ng ganito kaya hindi kona ito palalampasin pa...



Inuwi niya ako sa kumbento at ng pag pasok namin ay sumalubong saamin si Mother tere

"Maryosep!karina,Lorenzo!"bakas sa mukha ni mother tere ang pagka gulat at taka...agad niya kameng pinapasok sa loob habang si lorenzo ay hindi pa ako binababa hanggang sa makarating kame sa kuwarto ko at ini-upo ako ni lorenzo sa upuan habang si Mother tere ay pinupunasan ako..tumayo naman si lorenzo at kumuha ng basang bimpo sa cr then pag balik niya ay may dala na siyang basang bimpo at marahan niya itong ipinunas sa dalawa kong paa na may sugat at madumi..

"Kayo talaga..ikaw lorenzo,bakit hindi ka nagtungo sa simbahan?hindi ba't ngayon ang--" "Mother Tere,hindi ko po nais na makasal sa babaeng hindi ko naman iniibig"pag puputol ni lorenzo sa sinabi ni Mother Tere...lumingon naman si lorenzo saakin habang pinupunasan niya ang paa ko

"Lorenzo,alam mong labag ito sa loob ng iyong papá"ani ni Mother Tere..tama si Mother Tere

"Sige..rito muna kayong dalawa,ngunit"lumingon si Mother tere kay Lorenzo na ngayon ay naka ngiting muli"ngunit,hindi kayo mag sasama sa iisang kuwarto"pahabol ni Mother tere

"Pangako po mother tere,tutulong po ako dito"Masayang sabi ni Lorenzo... Parang kameng mg asawa nito kaso bukod kaame ng kuwarto..LOL!

The Untold Love Story (COMPLETE)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz