May shooting ba dito ng Transformers?

My God! Ang utak ko ngayon... masyadong imaginative.

"Who gave you the permission to touch her?" Ako ang napatalon sa tono ng bruskong nakaupo sa kotse. Nakabalik na kami sa harap niya pero ayokong tumingin sa kanya. "Now leave!" Kumaripas naman ng takbo ang dalawa na pwede nang sumabak sa WWE. Sinundan ko sila ng tingin, natutulala. Napahakbang ako palayo. Kinakabahan ako. Feeling ko ngayong gabi paglalamayan na ako. "Turn around." Napatalon ako paharap sa kanya dahil sa gulat. Nakatalikod kasi siya sa nag-iisang street light. Ang dilim.

Agad din naman akong natauhan at tiningnan siya nang masama. "Hoy, hindi mo ako utusan!" singhal ko sa kanya. Ngumisi siya. Napangiwi ako at ipinilig ang ulo. Humakbang din ako palapit. Hinablot ang hawak niyang pouch. "Bakla ka ba? Sa dinami-dami ng pwedeng ipanakaw mo, pink na pouch ko pa!"

Tumalon siya mula sa pagkakaupo sa unahan ng kotse niya. Nakatayo siya sa harap ko at napatanga ako dahil sa tangkad niya. Napanganga rin ako nang makilala ko siya. "G-Green?!"

Ngumisi siya. "It's Ryder! Ryder Loriete, Sweetheart."

Hinambalos ko sa kanya ang pouch. Bahala na kung masira. "Hayop ka talaga! Pinagtitripan mo na naman akong gago ka. Kelan ka ba magbabago, ha? Mamatay ka na sana!" Naaawa ako sa bag ko, mukhang nasira na yata sa lakas ng mga hampas ko.

Sorry, Grant.

Hinawakan niya ang siko ko't tumawa. Bwisit talaga ang hayop na 'to! "Bitiwan mo nga akong gago ka." Lalong lumakas ang tawa niya, mas dumilim ang paningin ko. Magiging kriminal yata ako ngayong gabi.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Xhai, napapamura ka pa rin sa tuwing nakikita mo ang kagwapuhan ko!" Nalaglag talaga ang panga ko. Halos masuka ako sa narinig. Hinawakan niya ang baba ko at itinulak pasara ang bunganga ko. "Easy, baka tumulo ang laway mo!"

Kailangan ko ng kutsilyo nang magilitan ko ang siraulong 'to.

"Ang lakas ng hangin!" sarkastikong turan ko.

"Alam ko, kaya nga hindi mo maiwasan ang matangay papunta sa akin." Kinagat ko ang labi sa sobrang panggigigil. Hayop talaga!

"Sinabi nang bitiwan mo ako!" Binitiwan niya naman ako at muling sumandal sa kotse niya. Tumatawa pa rin siya at may naalala ako sa tawa niya. Nanlaki rin ang mga mata. "I-Ikaw 'yon?" Hindi ko nilulubayan ng tingin ang plate number ng kotse niya. 'GRL 913', hinding-hindi ko makakalimutan ang numerong muntik na naming mabangga ni Brix kahapon. "Ano bang kalokohan ito, Green? Ano'ng ginagawa mo sa safe house kahapon?" Napalakas ang boses ko. Nagseryoso naman bigla ang mukha niya. "Ikaw 'yon, 'di ba? Ikaw ang humarang sa 'min ni Brix?" Ayoko na pala ng kutsilyo, gusto ko na ng baril para tiyak na matutuluyan ang mukong na 'to.

"Ano'ng pinagsasabi mo—"

"'Wag mo akong pinagloloko, Green. Ikaw 'yon!"

"Ako nga. Eh, ano naman?" Nakakalokong tanong niya. Inilagay pa ang dalawang kamay sa bulsa at nagkibit-balikat. Muli kong hinambalos sa kanya ang pouch pero hindi man lang siya natinag. "Napadaan lang ako doon. Assuming nito!" Umirap pa siya. Bakla ang pucha. God! Anger-booster ko talaga ang gagong 'to.

Green Ryder Loriete. Ang nag-iisang taong ipinapanalangin ko na sana hindi na lang isinilang sa mundo. Hindi ko nga alam kung kapatid ba talaga siya ni Grant dahil sobrang layo ng personality nilang dalawa. Kapag si Grant ang nakikita ko, halos mamatay ako sa kilig. Kapag si Green ang nakikita ko, halos makapatay ako sa inis. Punyemas!

"Bahala ka sa buhay mo!" Tinalikuran ko siya pero hinablot niya ang hawak kong pouch at hinagis patalikod. Bumagsak sa loob ng kotse niya. Tumakbo ako para kunin pero agad sumarado ang bubong ng sasakyan bago ko pa makuha. "Green!" Hysterical na sigaw ko.

"Saan ka pupunta?" balewalang tanong niya na parang wala lang ang kanyang ginawa. Ikinuyom ko ang dalawang kamao at sunod-sunod na bumuga ng hangin. "Ano pa lang ginagawa mo dito?" Hinila niya ako at isinandal sa unahan ng green na kotse. Inangat niya ako at pinaupo sa sasakyan. Sinalakay ako ng nerbiyes. Bwisit. Ba't ako kinakabahan? "Hindi alam ni Grant na nandito ka, 'di ba?"

"Kuya!" singhal ko.

"Isang taon lang ang tanda niya sa 'kin," kibit-balikat niya. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Xhai. Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Pakialam mo ba?" asik ko. "Ano rin ba'ng ginagawa mo dito?" Umiwas ako ng tingin dahil sa titig niyang halos tunawin ako. Mahina talaga ako sa titigan. Hindi ako nakakatagal. Ang lapit pa niya sa 'kin. Naiinis ako!

"May katagpo ako." Itinukod niya ang dalawang palad sa magkabilaang side ko nang tinangka kong tumalon paalis sa kotse. Inilapit pa niya lalo ang mukha. Halos mapahiga na ako sa kakaiwas. "Kinakabahan ka sa 'kin?" Ngumisi siya. Ang yabang ng pisting 'to. Para siyang ipis, ang sarap niyang paloin ng tsinelas. Gusto ko na talagang pumatay ng pisti sa buhay ko.

"P-pwede ba, Green, kung may katagpo ka, doon ka sa kanya. Tantanan mo ako!"

Tumawa lang siya at hinawakan ang baba ko. Pinihit niya ang mukha ko paharap sa kanya. Nilinis ko ang lalamunan dahil halos ma-immune na ako sa bango ng hininga niya. Ba't ko ba pinupuri ang ipis na 'to? Ang laki rin nang pagkakahawig nila ni Grant sa isa't isa. Pero hindi ko pinahalatang naiilang ako sa sobrang lapit ng kanyang mukha. "L-Lumayo ka nga—"

"Are you sure you didn't recognize me, Xhai?" Ngumisi siya. Nalaglag ang panga ko't natulala. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko, namumutla na rin ako. No! Hindi siya 'yon! "Hindi mo naaalala? Kung gano'n, ipapaalala ko sa 'yo." Bago pa ako makabawi, nasakop na niya ang nakaawang kong bibig.

Nakapikit si Green habang hawak pa rin ang baba ko. Gumalaw ang labi niya. Biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari ng birthday ko. Namalayan kong nasa likod ko na ang isang kamay niya. Hinapit ako palapit sa kanyang katawan. Unti-unti akong pumikit, hindi ko alam kung bakit. Muli rin akong dumilat at kinagat ang labi niya nang mariin.

He cussed. Napabitiw siya. Napahawak sa labi niya. Tumalon ako sa kotse bago pa niya ako makorner ulit.

Gusto ko siyang sampalin, pero hindi niya deserve. Sinipa ko siya sa pagitan ng kanyang hita... dahil mas deserve niya.

Napatalon si Green. Napaupo pero muli ring tumayo habang hawak-hawak ng dalawang kamay ang bayag niya. Dapat lang 'yan sa kanya. Tumatalon-talon siya. Napangiwi naman ako sa aura ng kanyang mukha. Mukhang napalakas ang pagkakasipa ko. Tiningnan niya ako nang masama kaya napaurong ako. Lumapit siya. Mabilis akong tumalikod bago tumakbo papalayo. Kinakabahan.

"Xhaiden!" Hindi ko na siya nilingon. Siguradong lagot ako kapag nahuli niya ako. Mas masahol pa sa hayop talaga ang lalaking 'yan. He's a human pest.


In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Where stories live. Discover now