Napansin ko din na kanina pa tumitingin yung driver sa akin. I find it very creepy, I call Glenn because I'm having a bad feeling in the driver's glance.

Ring lang nang ring phone ni Glenn pero walang sumasagot. I tried to call him several times pero wala sumasagot.

Mas kinabahan ako nang makita ko ang madilim na daan, malayo sa daan papunta sa condo ng boyfriend ko.

"Manong, pakibalik na lang po ako, lagpas na po kasi sa pupuntahan ko.." Pilit kong tinatago ang kaba na nararamdaman ko ngayon.

The driver didn't listen to me instead the creepy smile appear on his lips.

I try to contact Glenn again, but there's no response from him.

Nanggigilid na ang luha ko dahil sa takot. Hininto ng driver yung taxi sa isang madilim na parte ng lugar na 'to. Sa parte na walang makakakita sa amin dito. Sa lugar na wala akong mahihingian ng tulong.

Hindi ko na napigilan yung luha ko nang pilit akong hinihila palabas nang taxi. I tried to fight but I'm to weak. Nanlalambot na ang mga tuhod ko dahil sa takot.

"M-manong, paalisin niyo na po ako.. Please po.. Please.." I said between my sobs.

"Manahimik ka dyan!" sigaw niya sa akin kaya naman mas naiyak ako sa takot.

"Please, manong, I.. I'll give you money please.. Aalis na po ako.." pilit kong hinahablot ang kamay ko pero malakas talaga siya.

"Sinabe na kasing manahimik eh!" sigaw niyang muli sa akin saka ako sinuntok sa aking sikmura. Dahil sa suntok na iyon ay nabitawan ko ang cake na hinanda ko para kay Glenn.

Nagdilim ang paningin ko dahil sa sakit ng suntok sa akin ng driver. Mas nanghina ako dahil doon.

'Glenn, love, please, save me.. Please Glenn..'
Pag tawag ko kay Glenn sa aking isip.

Binaboy nang driver ang katawan ko. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak, I'm too weak to fight, I tried to run away from him pero sinasaktan niya lang ako hanggang sa nawalan na lang ako ng lakas..

Ang tanging nagawa ko na lang ay humiling na sana ay dumating si Glenn para iligtas ako.

Matapos ang kahayupan na ginawa nang driver sa akin ay umalis na ito. Iyak lang ako nang iyak habang pinipilit na maiayos ang damit ko. Hinang hina ako habang sinusuot ko ang jacket ko para maitago ang damit kong sira na.

May nakita akong rumorondang Pulis di kalayuan sa kinaroroonan ko. Pinilit kong tumayo at kinawayan ang mga Pulis.

'Bakit ngayon lang kayo?' napatanong na lang ako sa isip ko. Walang lakas para magsalita. Tanging iyak at hikbi lang.

"Miss, anong nangyari sayo?" tanong sa akin nung isang Pulis pero iyak lang ang narinig nila sa akin, nanginginig pa rin sa takot.

"Ligtas ka na, Miss. Wag ka matakot.. Halika sa hospital para mapagamot ang mga sugat mo.." aya sa akin nung isa pa pero umiling lang ako.

Nung nasa sasakyan na kami ay pinakwento nila ang nangyari sa akin. Hindi pa rin maawat ang luha sa mga mata ko.

Tinanong nila kung saan ang bahay ko para maihatid ako pero ang sinabi kong address ay ang condo ni Glenn.

Nang makarating kami sa condominium ay bumaba na ako nang sasakyan.

"Sigurado ka bang dito ka na lang? Ayaw mo ba talagang pumunta sa hospital?" tanong ng Pulis na naghatid sa akin.

"H-hindi na po, ako na lang po ang g-gagamot sa mga sugat ko.." sagot ko sa kanila, tumango lang sila sa akin at umalis na din.

Sumakay ako sa elevator nang wala sa sarili.
Nang makarating ako sa floor nang unit ni Glenn ay pinuntahan ko agad ang unit niya, may sarili naman akong susi nang unit niya kaya naman madali na lang sa akin ang pumasok dito.

I didn't expect the scenario right now. A dress of a girl, a undergarment of a girl. Sa sala pa lang ay naririnig ko na ang mga tunog na gawa nang lalaking mahal ko.

Naglakad ako palapit sa kwarto ni Glenn, Hindi nakasarado iyon kaya naman kita ko na agad ang kawalang hiyaan ni Glenn..

At nang Best friend ko..

"Glenn?.. Avy?.." mahinang banggit ko sa pangalan ng dalawang tao na mahalaga sa akin.

Parehong natigil ang boyfriend at ang best friend ko sa ginagawa nila. Halata sa mga mata nila ang gulat na narito ako sa harap nila. Agad agad na nagbihis si Glenn matapos makabawi sa gulat saka ako hinila papunta sa sala.

"L-love, Elle.. A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin, iniwas ko ang tingin ko sa kanya saka napangiti na lang, nag-unahan muli ang luha sa mga mata ko..

Hinawakan niya ang kamay ko na may mga gasgas, hinawakan niya rin ang mukha ko at pinaharap sa kanya.

"What happened to you? Bakit may mga sugat ka?" hawak niya pa rin ang mukha ko, bakas sa kanya na nag-aalala siya sakin.

"I'm here to surprise you for our second anniversary, love.." nanginginig ang mga labi ko sa pag sagot. "Someone raped me, Glenn.. The taxi driver raped me.. Alam mo kung gaano kasakit yung magkaganon, Glenn.. Tapos eto.. Eto madadatnan ko? Wow.. What a great anniversary it is!" iyak pa rin ako nang iyak habang sinasabi sa kanya ang lahat.

"Bakit sa lahat nang babaeng pag papalit mo sakin yung kaibigan ko pa?! Why, Glenn?" niyakap ako ni Glenn, pilit na pinapakalma.

"Elle.. I'm sorry.." mahina ang boses ni Avy sa likod ni Glenn.

"Avy, I trusted you so much!" sumbat ko sa kaibigan ko..

"Elle, I'm sorry.. Hindi ko sinasadya 'to.." Napa tingin ako may Glenn nang sabihin niya sa akin ito.

"Tama na, Glenn.. Tama na.. Kung masaya ka sa kaibigan ko, then go, I'll set you free from now on.." I hold his face, I stare at his handsome face..

"Pero.. I just.. I just want to ask you, right now, Glenn.. Anong nangyari sa 'we belong together, you and I.. Always and forever' mo? Sabi mo dati I just need to call you, and you'll be there for me.. Kanina, ilang beses kitang tinawagan.. Wala kang sagot, wala ka, hindi ka dumating.." nanghihinang tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako na sagot sa mga tanong ko. Nakikita ko ang luha sa gilid nang mata ni Glenn habang tinatanong ko siya.

"Ang sakit sakit lang kasi, Glenn.. Bakit si Avy pa? Bakit ang best friend ko pa?"

"Sorry, Elle.. Sorry for this.. If I could go back the time, Elle, sasagutin ko ang tawag mo, pupuntahan kita para iligtas ka.. Sorry, Elle.." inaalis niya ang luha sa mga mata ko kahit patuloy yon sa pag agos.

"But you can't go back the time.. Harapin na lang natin na ikaw at ako, hanggang dito na lang tayo.. We don't really belong to each other.. Hindi tayo ang laan para sa isa't-isa, good bye, Love... Goodbye, Glenn.." dahan-dahan kong binitawan ang mukha ni Glenn maging ang kamay niya..

Susubukan ko din na tanggalin ka na sa puso ko, Glenn..

Umalis ako sa unit ni Glenn habang patuloy sa pag iyak. Umalis ako sa lugar ni Glenn habang dala ang sakit dahil sa nangyari sa buhay ko ngayong araw..

Dati akala ko kami na talaga.. We even made a promise na kami talaga, kahit na pag laruan kami nang tadhana pero hindi pala talaga lahat nang pangako ay kayang matupad.

Eto ang masakit sa lahat eh, yung naniwala kayo na kaya niyo ng tuparin ang mga pangako niyo sa isa't-isa pero ang totoo hanggang pangako lang kayo at hindi niyo kayang gawin...

May mga pangako na nakatakdang bigkasin pero Hindi kayang tuparin. May mga pangako na kayang sabihin pero hindi kayang gawin.

The Truth Untold Where stories live. Discover now