Bintana

10 2 0
                                    

"Anak, makinig ka kay mama.. Huwag na huwag mong iiwanang bukas ang bintana sa kwarto mo lalo na sa tuwing alas dose ng madaling araw.." eto lagi ang bilin ni Mama sa akin tuwing gabi.

Sa tuwing Tinatanong ko kung bakit ang lagi niya lang sagot sa akin ay..

"Binilinan ko ang Papa mo dati na huwag niyang bubuksan ang bintana ng ganyang oras pero hindi siya nakinig... He died because he didn't listen to me.."

Dahil dito lagi kong dinodouble check ang bintana sa kwarto lalo na pag gabi.. Hindi ko alam kung totoo o hindi pero kung sa ganoong paraan na wala ang Papa ko, I should listen to my mom..

Nanunuod ako ng k-drama sa laptop ko, nasa episode 11 na din ako. Hindi ko namalayan ang oras, nang makaramdam ako ng gutom ay bumaba ako para kumain.

It's already 11:30 PM.. Kumain muna ako doon, siguro ay tulog na si Mama. Napa sarap ang Kain ko dahil sa paborito ko ang ulam.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na din ang pinagkainan ko.

Umakyat ako pabalik sa kwarto ko. Humahangin sa labas kaya naman parang sumasayaw ang kurtina sa aking bintana.

Bintana..

Bintana..

Bukas ang bintana..

Bukas ang bintana..

May parang kulog sa dibdib ko ng mapagtanto na bukas ang bintana..

'Kamatayan ko na din ba? Susunduin na ba ko ni Papa?' tanong ko sa isip ko..

Mas nanginig ako nang marinig ang isang malalim na paghinga na nag mumula sa labas ng bintana.

Humakbang ako ng isa..

Dalawa..

Tatlo..

Mas lumalalim ang paghinga na naririnig ko..

"Argh!"

Dinig ko ang hirap nito sa paghinga..

"S-sino ka?" lakas loob kong tanong.

Naninikip ang dibdib ko..

Nawala ang hingang naririnig ko..

Sobrang tahimik..

Nawala ang takot sa aking dibdib.

Baka ilusyon lang ito.

Tumalikod ako para bumalik sa aking kama..

"Mica.." tawag ng kung sino sa akin.. Isang malalim na boses.

Nakakakilabot..

Napalunok ako..

"S-sino ka ba?!" takot kong tanong..

Ayoko humarap..

Bakit ganito?

Bakit parang may kumokontrol sa aking katawan..

Napa tingin ako sa may bintana.

Isang tao.. Tao nga ba?

Isang lalaki.. May hawak sa kanyang kamay.. May kung ano sa kanyang bibig..

Ano ito?

"Micaa.." muling tawag nito.

Naiiyak ako.. Naninikip ang dibdib.

Lumalapit siya sa akin..

Eto na..

Malapit na..

Sisigaw na Sana ako kaya lang..

"Ahhh--.!!.."

Hinawakan nito ang bibig ko habang .. Umuubo? Nahihirapan huminga?

"Oy, Mica, kalma.. Ako lang to si Natoy na muntik ng mamatay sa mikmik.." sabi niya sa akin saka itinaas ng mikmik na hawak niya.. May straw pa sa bibig niya.

"Putaragis ka! Natoy!" binatukan ko nga ang jowa ko..

Oo, jowa ko si Natoy.. Pake niyo? Wala ka lang jowa eh..

"Aray naman, Mica.. Wag ka na magalit.. Ako lang 'to, si Natoy na mahal na mahal ka.."

The Truth Untold Where stories live. Discover now