"No, Gal. Even if you say na okay ka na, hindi pa rin okay yung ginawa ni Tresh."

She has a point.

"But don't worry. Tresh and I will never be on speaking terms hangga't hindi siya humihingi nang tawad sa'yo in person."

Ikinagulat ko 'yon. So they really... fought? What the hell. This is only making me feel bad.

"That's not right. Naapektuhan ko pati ang relasyon niyo."

"No, you shouldn't feel guilty. You're one of my bestfriends and I don't want you getting hurt. This is the least I can do for you."

I suddenly felt my eyes sting. What she said warmed my heart so much. Jusko! Ano ba naman 'to!

"Pinapaiyak mo naman ako carebear, e!" reklamo ko, tumitingala upang mapigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. "Alam mo, bagay talaga sa'yo 'yang pangalan mo! Nagc-care ka sa lahat!"

Natawa siya ro'n habang rinig ko ulit sina Bee na kasama niya.

"Awww."

"Magpakita ka na sa'min, Galeley! Group hug tayo!"

That's how the rest of my morning went. Pagkatapos naming mag-drama ay nagkwentuhan na lang kami. Niyaya pa nila akong humabol sa café kung saan sila tumatambay pero humindi ako. Next time na lang. Pagod din kasi ako sa byahe. Kakauwi ko lang galing kina lola.

After our long conversation, I took a bath. Plano kong bumawi na lang muna nang tulog. 'Yun nga ang ginawa ko. As usual, ako nanaman mag-isa rito sa bahay dahil weekday ngayon. Isa talaga 'to sa downside ng buhay ko. Dalawa lang kami ni papa tapos wala pa siya rito madalas.

Around 4pm, nagising ako dahil sa tunog ng doorbell. Imposibleng si papa dahil may sarili naman 'yong susi. Baka sina Bee?

Aba, 'yung mga bruhang 'yun! 'Di pa nakuntento sa magdamag naming kwentuhan kanina!

I went out of my room, still sleepy. Halos humihikab pa 'ko nang buksan ang pinto.

My yawn came into a pause when I saw who it is. Agad akong nainis.

"Anong ginagawa mo dito?"

I spoke with a hint of attitude kasi talagang sa simpleng pagtingin ko pa lang sa mukha niya, naiinis na 'ko!

He sighed.

"Nandito ako para mag sorry."

I put on a very sarcastic smile and held the doorknob.

"Too late," Nakangiti ko pa ring sabi at umaktong isasara na ang pinto. He used his hand to stop me.

"Gal naman."

Hindi ko siya pinansin. He's a lot stronger than me kaya nahihirapan akong isara nang tuluyan ang lecheng pinto na 'to!

In the end, I gave up. Asar ko na lang siyang hinarap.

"Admit it, Tresh. Hindi mo naman gagawin 'to kung hindi dahil kay Care! H'wag na tayong magplastikan!"

Kumunot ang noo niya.

"Of course, not. Kusa akong pumunta rito."

So what?

I rolled my eyes, refusing to break my walls down. Gano'n na rin naman 'yun. Motivated pa rin siyang gawin 'to para kausapin siya ulit ni Carebear.

"I don't wanna hear it."

I attempted to close the door again pero pinigilan niya nanaman. I tried harder. Halos buong lakas ko na ang ginagamit ko at epektibo naman 'yon dahil parang mas nage-exert na rin ng effort si Tresh. Pero sa totoo lang, mukha kaming tanga.

24 Hours Challenge: EX EDITIONWhere stories live. Discover now