But now I'm back. Mas magaan na ang pakiramdam ko. At heto nga't sinagot ko na ang tawag nina Bee. Sa wakas! Dahil talagang araw-araw nila akong tinatawagan pero hindi ko talaga sinasagot.

"Ah, kaya pala," aniya. "Pero grabe ka naman! Ni hindi mo man lang kami ininform! Nakakainis ka! Alam mo ba'ng-"

She stopped mid-sentence. Naririnig kong may nagsasalita sa background. Camille's voice then sounded faint.

"Ha? Kausapin mo rin?" tanong niya sa kung sino. "O'sige, sige. Gal, kausapin ka daw ni Care."

My eyes widened.

"O-oy, teka!"

Nandyan pala siya?!

Before I can even get ready, Care's gentle voice already took over.

"Gal."

I went speechless for a split second. Well, this is sort of... awkward. Parang nung Saturday lang, inaway ko ang boyfriend niya.

I winced.

"H-Hi, Care."

Care rarely gets mad. 'Tsaka kung magalit man siya, halos hindi naman halata kasi ang galing niyang pumeke ng ngiti. Ewan ko lang ngayon. I mean, what if na-offend siya sa ginawa ko noong nakaraan?

"How are you?" she asked. Her voice was laced with genuine concern. Hmm. Parang hindi naman siya galit.

I shifted on my seat. I'm currently here in the living room of our house.

"Eto, ayos lang naman. Uhm," I paused. Tinitingnan ko kung ngayon ko na ba dapat i-bring up yung nangyari. In the end, I chose to just get on with it. "Care, sorry nga pala sa-"

"You don't have to," pagputol niya. "In fact, ako nga dapat humingi nang sorry sa'yo."

Napaawang nang kaunti ang labi ko. I didn't know what to say. Nang hindi makasagot ay nagpatuloy siya.

"Tresh told me everything. And yes, he was such an asshole. Kaya sorry talaga for that, Gal."

Still, I didn't answer. Iniisip ko pa kung ano ang dapat sabihin. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya ang dapat humingi ng tawad sa'kin, e. At isa pa, I'm a bit concerned, too. Baka nag-away sila ni Tresh. Oo, galit ako sa kanya pero ayoko namang madamay ang relasyon nila ni Care, 'no. Sure, may pagkagago siya. Pero to be fair, I can say na talagang iba naman ang pag-trato niya kay Care. He treats her like she's his queen. Sayang naman kung ako pa ang maging dahilan ng pagkakalabuan nilang dalawa. Edi dadagdag pa 'yon sa konsensya ko?

"Hoy, Kare-kare, naiiyak ka ba?" I heard Bee's voice. Do'n ako natauhan. Napakurap pa 'ko nang eksaktong narinig ang pagsinghot ni Care sa kabilang linya.

I instantly panicked.

"C-Care! Hoy, ano ka ba, h'wag kang umiyak!"

She chuckled a little. Sumapaw naman sina Cam.

"Ayonnnnn, wala na, naiyak na si carebear! Ano ginawa mo dyan, Gal?"

Mas lalo lang akong nataranta. Bwiset 'tong Camille na 'to! Nang-aasar pa!

"Care, trust me, hindi mo kailangang mag sorry! 'Tsaka, okay naman na 'ko, e. Promise!"

Eventually, sumagot din naman siya. Pero halata na talaga na umiiyak. Among the four of us, Care is definitely the most fragile and emotional. Kaya nag-iingat kami pag dating sa kanya.

24 Hours Challenge: EX EDITIONWhere stories live. Discover now