"At h'wag na h'wag ka nang magpapakita sa'king gago ka! Pare-pareho lang kayo ng kaibigan mo! Magsama kayo!"
And then that's it. I stormed out of the room, not bothering to listen to their poor attempt to stop me. I noticed how the staffs gave me their fearful stares. They looked terrified. At nang sinasalubong ko ang mga tingin nila ay kusa na silang umiiwas. I'm pretty sure they heard everything.
But the hell I care.
"Isang malaking gago ang boss niyo," Nakangiti ko pang anunsiyo bago tuluyang lumabas.
I gathered up some fresh air right after heading outside. I feel so much better. See? I just needed to let it all out.
Satisfied by what I did, I rode the bike
on the way home. Pero bago 'yon ay tumungo muna ako sa isang convenience store para bumili ng alak. At eto na nga't kakauwi ko lang. Mag-isa ulit sa kwarto.
I stared at my phone. Walang kahit anong text o tawag do'n mula sa kanya. I smiled bitterly. Glad he's cooperating. Baka paulanan ko siya ng mura sa oras na tumawag siya.
Nag-iwas ako ng tingin bago lumagok mula sa beer can. Nagtagal ang tingin ko sa kawalan.
'Huling beses,' sabi ko sa sarili ko. 'Pangako, ito ang huling beses na maglalasing ako dahil kay Ike.'
A tear slowly fell down and I just let it.
Ito rin ang huling beses na iiyakan ko siya.
Napatawa pa 'ko nang kaunti kahit patuloy na sa pagbagsak ang mga luha. I wiped my cheeks using the back of my hand.
Tangina niya. Tangina niya talaga.
~*~
"Hello, Bee! What's up?" masigla kong bati matapos sagutin ang tawag.
"Leche kang bruha ka!" pambungad niya. Nailayo ko tuloy nang wala sa oras ang phone dahil sa matinis niyang boses. "Anong 'what's up'?! Jusko, Galeley! Ilang araw mong hindi pinansin mga text at tawag namin! Ang sabi mo lang h'wag kang bisitahin at kausapin! E, malay ba namin kung napa'no ka na?! Naku, bibigwasan kita kapag nagkita tayo, ta'mo!"
I bit my lip to stop myself from laughing. Baka mas magalit siya kung tumawa pa 'ko.
"Hoy, si Gal ba 'yan?" Rinig ko si Cam sa kabilang linya. "Akin na nga! Kausapin ko!"
May iilang kaluskos akong narinig bago muling nagsalita si Bee.
"Uy, wow sizt, teka lang naman-" Bee tried to say but Camille must have snatched the phone from him already dahil ang boses niya na ang sumalubong sa tenga ko.
"OMG, Gal! Ano na? Kamusta ka, girl?" As usual, ang lakas pa rin niyang magsalita. "Nag-alala kami sa'yo, MIA ka bigla! Ano? nag soul-searching ka? Hinanap mo sarili mo? Ganern? Ba't wala ka man lang pics sa IG, ha?"
This time, natawa na 'ko. Gosh. I missed them. Mag-iisang linggo pa lang naman na hindi ko sila nakakausap pero parang nakalimutan ko na kung gaano sila kaingay. Good thing, magkasama sila ngayon. Gumagala siguro.
E, si Care kaya kasama rin nila? 'Di pa 'ko nakakapag-apologize tungkol sa ginawa ko ro'n sa office ng jowa niya, e.
Huminga ako nang malalim.
"Hindi, nagstay lang ako ro'n sa bahay ng lola ko. Bumisita lang sandali."
Totoo 'yon. Narealize ko kasi na ayokong magmukmok na lang sa bahay kaya ayon. Mas mabuti na rin kasi at least, do'n kina lola, hindi ako mag-isa most of the time. At nando'n din mga bata kong pinsan. They kept me busy while I was there. The busier, the better. Kasi halos hindi dumadaan sa isip ko si Ike.
YOU ARE READING
24 Hours Challenge: EX EDITION
ChickLit[COMPLETED] Ike Sonja Claveria is Galeley's "Ex", and a few weeks before summer ends, Gal is tasked to do this challenge: Be Ike's girl for a whole day. Yes. Twenty-four hours, just like what you see on YouTube. Doing groceries, watching a movie, s...
XII. Snippets
Start from the beginning
