"Hoy hindi! Inlove inlove. Walang ganun dre" Tinitigan niya 'ko ng masama kaya alam kong wala na 'kong takas.

"Oo na, inlove nga yata ako." Pag-amin ko pero mas nagulat ako sa reaction niya.

"Sino? Sino yung maswerteng babaeng nagpatibok ng puso mo Gift!!" Ngiting ngiti siya pero may halong ngisi din.

"Si Night" Hinawakan niya ang ulo niya na parang nagiisip siya kung sino yun.

"Sino yun? Bakit hindi mo pinakilala samin? Napaface palm na lang ako sa sinabi niya.

"Siya yung babae noon sa PhilKor."

"Siya pa din? Eh bakit naman Night? Pangalan niya ba yun? Weird ah?

"Dahil kasing ganda ng mga bituin sa langit tuwing gabi yung mga mata niya, parang kumikislap. Ang gandang titigan."

"Inlove ka nga dre, ramdam na ramdam ko. Swerte niya dahil mahal mo siya" Seryosong saad niya.

"Hindi dre, mas swerte ako sa kanya."

From: Gabby Alcaraz

"Hi po kuya!!

Napabalikwas ako sa hinihigaan ko ng magchat siya sakin. Hindi ako pwedeng magkamali siya yung babae nung PhilKor si Night!!

To: Gabby Alcaraz

"Hello po!"

Hindi ko akalain na imemessage niya 'ko kaya nanginginig ako habang nagrereply sa kanya.

To: Gabby Alcaraz

"Good morning po! Ingat po God Bless!!

"Aba aba ano yan Gift, ang saya mo yata ngayon ah? Nanalo ka ba sa lotto ha?" Pangaasar ni Joker.

"Eh baka naman kasi kausap niya yung bebe niya." Bagot na bagot na sabi ni Alpha.

"Ay may bebe ka Gift!?" Sigaw naman ni joker.

"Ano ba, wala akong bebe. Sadyang masaya lang ako." Pagdedeny ko pero naningkit lang ang kanilang mga mata.

"Sabi mo eh. Nga pala gais, fanmeet na natin next week. Ready na ba kayo?" Pagiiba ng usapan ni Ace.

"Syempre medyo kabado pa din brad" Walang alinlangang sagot ni Alpha.

"Excited na kong makita ang mga Forone." Singit naman ni Jayson.

"Nakakasabik makita ang Alphanation ko" Ngiting ngiti sabi ni Jonas.

"Ako din nasasabik na 'kong makita ang Gifted."

"Sus, si Night lang gusto mong makita eh!" Pangaasar ni Joker. Ito talaga kahit kelan.

"Alam kong excited kayong lahat, pero kailangan wag masyado madistract sa mga bagay bagay. Focus tayo mga brothers ha?" Pagpapaalala samin ni Ace. Grabe maaasahan talaga siya kaya wala kaming reklamo nung siya ang naging leader.

To: Gabby Alcaraz

Kamusta naman po ang araw niyo ate?

Halos batukan ko na ang sarili ko sa tinawag ko sa kanya. Alangan naman tawagin ko siya sa pangalan?

From: Gabby Alcaraz

Her Fangirl FantasyWhere stories live. Discover now