T H E B E A T

21 9 2
                                    

THE BEAT : WARD 6

TALA

I know that all doctors value other people's lives, they help patients with their open heart and gives hope to the patient to embrace the world again.

Other people might see them as an angel who save patient's life, but how can you prove that all doctors are worth it to be your hero?

_____

Alexzha's POV

Hindi ko maitago ang ngiti ko habang isinasalansan ko ang mga gamit ko dito sa loob ng nurses room, masaya lang talaga akong makabalik sa trabaho ko matapos ang dalawang taon kong pa-chill-chill lang sa higaan.

Akala ko nga noon ay hindi na ako makakapagtrabaho dahil sa lagay ko, 2 years ago ay nagkaroon ako ng sakit na akala ko ay hindi ko malalampasan. Nai-stress ako sa isiping baka mamatay ako sa mababang edad at wala pang naipupundar ni isa o kahit pamilya.

But God gave me another—no, He gave me THIRD chance to embrace the world again, He used an instrument to treat me and those are the doctors.

Saka ko lamang na-realized kung bakit gustong-gusto ni daddy na kunin ko ang pagiging doctor. Dahil sa nangyari sa akin 2 years ago nakilala ko kung sino ang mga doktor sa buhay ng mga tao, sila ang itinalagang mga anghel para iligtas ang mga tao.

Kaya ngayon, I'm very happy that I have returned and I am one of them.

“Ow! I'm sorry!” paumanhin ko nang makabangga ako ng isang babae, pinulot ko ang nahulog kong pen na nasa bulsa ng uniform ko kanina. Nangunot ang noo ko nang mapansin ko ang panginginig ng kaniyang katawan. Hinawakan ko siya sa balikat at medyo napaigtad pa ito dahil sa ginawa ko, an'yare rito?

Para s'yang nakakita ng kung ano.

“A-Are you the o-one who will going to r-replace me?” Kunot-noo akong napatango sa tanong niya, bigla siyang napalinga sa paligid na tila balisa habang kinukutkot ang kuko n'ya. Hindi ko man alam kung anong nangyari sa kaniya ay parang masasabi ko kaagad na may pagka-trauma na siya. Para siyang may tinatago na hindi niya mailabas.

“Bakit po? May problema ba?” Hinablot niya ang pen na hawak ko at pumunit sa chart na hawak ko, papagalitan ko sana siya dahil sa ginawa n'ya pero mas lalong nangunot ang noo ko nang makita ang buong kalagayan niya.

May bahid ng dugo ang kaniyang kaliwang balikat at magulo rin ang buhok niya na parang kagagaling lamang sa hindi katagalang sabunutan. Gusto ko mang tanungin ay hindi ko na nagawa dahil mabilis niyang ibinigay ang papel na punit at ballpen ko.

Nagtataka na lamang akong tumingin sa kaniya habang papalayo sa akin, ano ba nangyari roon?

Pailing-iling akong naglakad habang ibinubulsa ang ballpen ko, hindi pa ako nakakarating sa nurse station ay sinilip ko na ang papel na ibinigay niya.

Wag kang pupunta sa Ward 6, it's unsafe there.

Kunot-noo ko itong itinupi at ibinulsa. Naupo ako sa tabi ng isa pang nurse nang hindi tinatanggal sa pagkakakunot ang noo ko. Ward 6? Anong mayro'n sa ward 6?

Tinanggal ko ang pangungunot ng noo ko nang ngitian ako ng isa sa mga nurse, hindi kaya nagpanggap lang na nurse 'yung nakasalubong ko? Pero mukhang nurse naman talaga siya.

Nauna nang tumayo ang mga ka-co-nurses ko, tinanguan ko lamang sila at ni-review ang chart ng mga patients na pupuntahan ko. Habang binabasa ko ang data sa chart ay may napansin akong batang maliit na dumaan sa harap ng nurse station.

Tiningnan ko ang oras sa relo ko at nangunot ang noo, night shift ako in-assigned ng hospital at nakakapagtaka lang na may bata pang gising ngayong alas-diyes na ng gabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Beat : Ward 6 TALAWhere stories live. Discover now