“Is that Kaye?” Kunot noo kong tanong. Andito ako sa ilalim ng puno katabi ng classroom namin. Andaming nagtatakbuhan na mga bata at classmates ko.
Nakita kong may tinutulak si Diana, yung pinakamaattitude sa classroom namin. Napahiga yung bata sa damuhan dahil sa lakas ng tulak. May sumisigaw na batang lalaki at babae para bang pinipigilan si Diana. Nanlaki ang mata ko dahil si Kaye nga iyon kasama si Brent at Luisa! Hindi na ako nagabala pang magisip sumugod na ako kay Kaye.
“Kaye?! What happened? Anong ginawa niya sayo?” Sigaw ko habang papunta kay Kaye. Nilingon ako ni Kaye. Lalo nag init ang ulo dahil sa pulang pula niyang mukha at puno ng luha ang mukha niya.
“S-si Diana, kinuha n-niya uli yung baon k-ko!” Takot na sabi ni Kaye sa akin. Pinunasan ko ang mukha niya gamit ang kamay ko. Nagngingit ngit na ang mga ngipin ko dahil sa galit.
Tumayo ako at tinalikuran si Kaye. Pupuntahan ko yung bruhang maldita bwisit siya. Pagpasok ko sa classroom nakita kong tumatawa si Diana habang nilalagay niya ang pagkain ni Kaye sa malaki niyang bag.
“Diana! Bwisit ka! Kinuha mo na naman ang baon ni Kaye?! Ha?” Hindi ko alam kung mapuka na ang mukha dahik sa galit. Bumaling siya sa akin, hindi man lang nagulat sa sigaw ko.
“Oh? Anong problema mo ron? Pagkain mo ba yon? Kung makareact ka kala mo pera mo pinambili.” Natatawa niyang sabi. Hinawakan niya yung buhok niya at inikot ikot ang buhok gamit ang daliri.
Narinig kong may yapak na pumasok sa classroom namin. Nilingon ko siya, si Brent pala iyon, ang bilis ng hininga niya habang nakatingin ng masama kay Diana.
“Ano naman kung hindi namin pera iyon? Kaibigan namin iyon kaya ipagtatanggol namin!” Sigaw ni Brent. Pawis na pawis siya.
“Porket wala kang kaibigan, kaibigan namin ang ibubully mo?!” Galit na sigaw ko. Hindi lang ito ang unang pambubully niya kay Kaye. Halos sa isang linggo hindi mawawala ang pambubully niya sa kahit na sino.
“Ano ba?! Ang ingay nyo? Pwede ba tumahik kayo?!” Sigaw niya sabay kamot ng ulo. “Galit na galit? Nanay ka ba ni Kaye? Ikaw tatay ka ba ni Kaye? Mga bwisit!” sabi niya ng tinuturo kami.
“Huwag mo kaming ituro turo bruha ka! Matagal na akong nagtitimpi sayo! Ano wala na ba kayong pera kaya nangunguha ka na lang ng pagkain ng mga classmates namin?” sabi ko sabay ngisi. Nakita kong naiinis na siya sa akin. Sige lang, push mo yan. Hindi siya nagsalita.
“Akala ko ba ang mga Agoncillo ang pinakamayan dito sa atin? Ano walang wala na ba? Kawawa ka naman, Diana. You're getting poor na.” Nagmake face ako para mangasar. Tumawa ako nung inis na inis na siya.
“You know what? Daddy said stealing other people things is a sin! Kahit pagkain pa yan basta kinukuha mo ng walang paalam! So, sinner ka na niyan? Diana is a thief!” seryoso kong sabi sa kanya.
“I did not steal other people things! They insisted to give their food to me! So I'm not a sinner, Ada!” Galit niya rin sigaw.
“They insisted to give their food because your threatening them!” sigaw ko.
“Oh? How did you know? Tsaka huwag ka ngang pabida lagi, Ada! Nakakairita ka! Lahat na lang pinakekealaman mo! Ganyan ba turo sayo ng Daddy mo? Na laging makialam?” Maarte niyang sabi.
Uminit ang mukha dahil sa galit. Kinuyom ko ang mga kamay ko. Hinawakan ni Brent ang balikat ko pero inalis ko iyon.
“Huwag na huwag mong banggitin ang Daddy ko!” sigaw ko habang papalapit sa kanya. Hinila ko ang buhok niya gamit nag dalawang kamay. Ganon din ang ginawa niya sa akin. Masakit ang sambunot niya sakin pero alam kong mas masakit ang sambunot ko sakanya.
YOU ARE READING
Run Away
General FictionHindi mo alam ang nasa loob ng isip ng tao. Hindi mo alam habang tintignan ka iniisip ka na ng masama o mabuti. Hindi mo alam lahat ng taong nakapaligid sayo ay mapagkakatiwalaan mo. Dahil sa galit mo sa isang tao magagawa mo ang isang bagay na hind...
