CHAPTER 1: THE TAPE MURDERER PART ONE

Start from the beginning
                                    

Yung kidnapper naman kasing iyon kundi ba naman siraulo mangingidnap pa isasama pa yung babae hindi nalang ung kotse.

Kinabig ko ang manubela at tinahak ang daan patungong Jollibee. Ang sarap ng chicken joy at peach mango pie, mga lima yung oorderin ko. Bumungisngis si Grace habang nagmamanehi papunta sa paborito niyang kainan.

"BOSS, sigurado bang ayos lang si Grace mamaya?" Tanong ni ezekiel sa "boss" nila kuntawagin na supervisor ng ahensiya nila

"Huwag mong maliitin ang batang iyon, zeke"

"Hindi ko ho minamliit pero sabi niyo kasi huwag siyang lumaban at sumama nalang sa kung sino mang kukuha sakanya." Kahit siya ay hindi makapaniwala sa plano ng boss nila

Nagaalala siya kay Grace dahil para ng kapatid niya ito dahil simula palang ay sila na ang magkasama dahil noong patayin ng "Dotted Murderer" ang magulang nito ay pinatay din nito ang nobya niya

Kaya rin sila nag aral at naging detective para mahuli ang mamatay tao na iyo. Pero sampung taon na ang nakalilipas ay hindi pa rin ito mahuli dahil hindi naman ito gumagawa ng bagong krimen

Masyadong matinik sa batas at magaling ang krimen na ginagawa nito, masyadong malinis.

"Nakamasid naman ang ibang pulis sakanya kaya ayos lang iyon. Naibigay mo ba sa kanya yung card" biglang tanong ng boss nila

"Oo" kapagkuwan ay nailing na natawa si zeke ng maalala ang reaksyon ni Grace nang inabot niya iyon

"Huling hapunan na raw ba niya." Parehas silang natawa ng boss niya, dahil Grace na grace nga naman ang gawing iyon.

Ang hilig magbiro, pero alam niyang natatakot din ito, pero hindi niya naman ito pababayaan.

"Si Grace talaga, dapat yata ay lagi ko siyang abutan ng ganon"

"Sinabi mo pa Lucas, kung nakita mo lang yung ngiti kanina"

Nagkatinginan sila ng "boss" aka Lucas at sabay na natatawang nagsalita ng sabay

"NGITING UUBUSIN ANG PAGKAIN SA JOLLIBEE!" Tumawatang sambit nila

Si Grace naman na nasa kainan na ay biglang nalang nagkati ang ilong. May nakakaalala siguro sa akin. Hay nako, Mama at Papa ayos lang po ako. Lingid sa kaalaman ng dalagit na na pinagtatawanan siya ng mga kaibigan niya.

"Nga pala Zeke, may bagong dating. Inilagay dito ni chief kanina" sambit ni Lucas habang pinagsasama-sama ang mga papeles sa mesa nito

Napaisip si Zeke, matagal tagal na rin simula ng makatanggap sila ng bagong miyembro. Tinatago kasi sa lahat ang trabaho nila.

Sa ahensyang ito ay binubuo ng iba't ibang grupo na mayroong iba-ibang parte na ginagampanan. Mayrong grupo para sa mga corrupt na politicians, grupo sa kidnapper kaso ay nasa bakasyon kaya sa amin napadpad ang kaso. Marami pang grupo bawat taon ay dumadami ang miyembro nila, samantalang sa amin ay hindi.

Hindi nababawasan at Hindi nadadagdagan. Rason nila kung bakit ayaw sumali? Ayaw pa raw nila mamatay.

Ang grupo namin ay ang nakaatas sa mga krimen ng pagpatay, kabilang na doon ang sa tinaguriang Dotted Murderer, lahat kasi ng pinapatay nito ay may tuldok sa sakong. Kung ilang tuldok ang naroon yoon ang bilang ng mga naging biktima nito.

Hindi maiiwasan na may mamatay sa grupo namin, marami na nga raw ang napatay kung hindi napaghigantihan, ay napagtripan lang na patayin.

Napailing-iling si Zeke, kapagkuwan ay tinanong kung sino ang bagong salta.

"Dimitri raw yung pangalan, abogado."
Napatingin siya kay Lucas para tignan kung nagbibiro ito.

"Bro, hindi natin kailangan ng abogado" paalala niya dahil mukhang nakalimutan nito ang protocol nila.

Tell Me What You Saw  Where stories live. Discover now