PROLOGUE

16 4 0
                                    

"Ikaw?" Manginig nginig na sambit ng babae

"Hindi mo inakala hindi ba?" Tugon ng lalaking may nakaplaster na malademonyong ngiti
"Hindi ka makapaniwala" humalakhak ang lalaki. "Tandaan mo hindi dahil naging mabait ang isang tao ay pagkakatiwalaan mo na."
Umiiling iling ito

"Kaydami ko ng ipinahiwatig sa'yo, huwag kang magtiwala hindi ba?" Pinagmamasdan ng demonyong lalake ang babaeng halos wala ng makapitan sa sobrang panghihina

"Tinuring kitang kaibigan!" tumulo ang luha ng babae at umusbong kinikimkim na galit nito. "Ni minsan ay hindi kita pinagbintangan!" Sumagi sa isip niya ang mga ala-alang kasama niya ang lalake.

Sa bawat misyon at imbestigasyon, sa paghahanap ng "serial killer" na pumapatay at nagiiwan ng pepermint candy bilang palayandaan na siya ang pumatay.

Ang pumatay sa mga magulang niya, ang humahabol sa buhay niya, ang matagal na niyang hinahanap, kasama lang pala niya?

"Ang sarap niyong pagmasdan, paikot-ikot kayo, ang mga palatandaan ay iniwan ko na nga lang basta-basta, hindi niyo man lang napansin. Tss" humakbang ang lalaki patungo sa babae

"D-diyan ka lang!" Sigaw ng babaeng umaatras palayo

"Bakit? Natatakot kana? Hindi ba't sabi mo kapag kaharap mo na ang pumatay sa mga magulang mo ay papatayin mo rin" ginalaw ng lalaki ang kanyang ulo pakaliwa at pakanan

"Andito na ko, hindi ka ba masaya sa regalo ko? Ang lagi niyong hinahanap sa bawat kasong nahahawakan ay nandito na sa harap mo. Ano? Patayin mo na ko!"

Nais na ng babaeng tumakbo at lumayo, dahil alam niyang nanganganib ang buhay niya. Gusto niyang patayin ang lalaking nasa harapan ngunit hindi niya kaya, ang masasaya nilang alalang magkakasama ang pumasok sa isip niua sa tuwing pinipihit kiya ang baril.

Pumalatak ang lalaki na naging aanhi ng pagbalik niya sa wisyo. "Hindi mo kaya, tama ba?" Humalakhak ito na para bang demonyo "Hindi mo kaya dahil hanggang ngayon tinuturin mo akong kaibigan" umiling iling ito.

Kinuha ng lalaki s abulsa ang isang baril. Nanlaki ang mga mata ng babae

"Pinagbigyan na kita, dapat ay ipunutok mo na. Nasayang ang pagkakataon. Laro lang sakin ang lahat, hindi ako nagturin ng kaibigan ni isa sa inyo."

Inangat ng lalaki ang baril at itinutok sakanya.
Ngumiting muli ang binata. Kinasa ang baril

"Happy Birthday, Grace."

BANG*

Tell Me What You Saw  Where stories live. Discover now