"Gusto ka nilang makita para mag pasalamat dahil niligtas mo sila. Kaya lumaban ka ha? Naalala mo ang Emperor? Kahit tulog ka nandito siya palagi para alagaan ka" sabi ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Sana gumaling kana, Eleena" sabi ko at niyakap siya. Future Empress si Eleena, isang napakataas na rango pero naging matalik na kaibigan ko narin siya at parang kapatid ko na rin.

"A-anne"

Napatigil naman ako at tinignan siya. Her eyes are still dull at nakatingin sa kawalan.

Tama ba yung narinig ko?

"Eleena?" Sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"Anne" sabi niya. Napaiyak naman ako sa saya. Naalala niya ako! Ibig bang sabihin gumagaling na siya? Agad akong lumabas at hinawakan ang kamay ni Alejandro.

"Sir, Si Eleena... Nagsasalita na siya!" sabi ko kaya lumaki namn ang mata niya. Pumasok siya agad at nilapitan si Eleena. Sinundan ko naman siya at umupo sa kama.

"Eleena, naalala mo ba  ang Emperor? Si Caspian?" sabi ko at tinignan si Alejandro. Naghihintay din siya sa sagot ni Eleena. Pero ilang sigundo ay tahimik lang siya.

Tumingin naman si Alejandro sakin.

"Pinag tritripan mo ba ako,Anne?" diin niyang sabi. Agad naman akong tumayo at hinarap siya.

"Di kita pinag tritripan. Totoo po ang sinasabi ko! Narinig kong sinabi niya ang pangalan ko!" sabi ko sakanya. Bumuntong hininga naman siya at tinignan ako. Nilingon ko naman si Eleena.

"Naalala mo ba si Emperor, Eleena?" Tanong ko sa kanya. Nagulat ako ng tumingin siya sakin.

"C-caspia-an" utal niyang sabi. Napasighap ako at  nagulat rin si Alejandro.

"His Majesty needs to know this" sabi niya at aalis na sana ng magsalita ulit si Eleena.

"Caspian" may tumulong luha sa mata niya. She's crying. Walang tigil ang mga luha niya. I wiped her tears.

"Shh...tahan na, Eleena" sabinko at niyakap siya.

"Caspian..." Ulit niyang sabi. Napansin kong umalis si Alejandro.

"The Emperor will be here in a minute" sabi ko at pinatahan siya pero patuloy parin ang pagtulo ng mga luha niya.

CASPIAN'S POV

Tanghali naring natapos ang meeting namin ni Roselia. Napasandal nalang ako sa upuan. Kailangan ko pang makita si Eleena ngayon.

"Good job" sabi ni Leo. Tinignan ko naman siya ng masama at ngumiti lang ang damo. May kumatok sa pintuan kaya binuksan ito ni Leo. It was Alejandro.

"What is it, Alejandro" sabi ko at pinikit ang mata ko.

"The Future Empress---" napatayo naman ako sa sinabi niya.

"What happen to her?" Aabi ko at nilapitan siya.

"You need to meet her, Caspian. You're the one who should witness it" sabi niya. Agad ko siyang nilagpasan at tumakbo papunta sa kwarto ni Eleena.

Sumunod naman sakin si Leo at Alejandro. Nakarating  ako sa kwarto niya at nakitang hawak hawak ni Anne ang kamay ni Eleena.

Is she crying?

"Eleena"

Agad akong lumapit sa kanya kaya umalis naman sa pagkakaupo si Anne. Nilingon ko siya at bumati naman si Anne.

"Tell me everything" sabi ko sa kanya.

"Narinig ko po siyang sinabi ang pangalan ko, pero ng binanggit niya ang pangalan nyo ay nagsimula siyang umiyak" paliwanag niya. Nilingon ko si Eleena. Patuloy paring tumutulo ang luha niya.

"Caspian.......C-caspian" sabi niya.

Eleena...

Niyakap ko siya ng mahigpit. I don't know why she's crying but I need to keep her calm.

"Shhh... It's okay, I'm here. Caspian is here so don't cry okay? It's breaking tearing heart apart." Sabi ko at napansin kong nawala ang hikbi niya. Tinignan ko siya at nakatulog na pala siya. Dahan dahan ko siyang hiniga at hinalikan ang noo niya.

"This is a good thing! It means she's improving Caspian" galak na sabi ni Leo. I look at her and carresed her cheeks.

I'm glad she's improving. I hope she recover soon.




DONE CHAPTER 26

PLEASE LIKE, COMMENT, and SHARE

Be My Empress (Completed) (UNDER REVISION)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ