Chapter 19; The Breaker

120 3 0
                                    


Hiro Dela Rosa Special Chapter

HIRO'S POV

Napangiti ako habang tinititigan ang company ko. Maraming nagtatangkilik ng mga producto ng kompanya ko.

Naglalakad ako ngayon sa Rizal park. Maganda ang tanawin dito. May mga kalesa, pero ayaw kong sumakay kase baka masira ko pa.

Pabayaan ko muna, papagawa din ako ng kalesa na hindi mababasag.

Naglalakad ako nang may makita akong batang pulubi. Nakatingjn siya sa isang stand ng pagkainan. Street foods ata yun.

Lumapit ako sakanya. Kumuha ako ng 500 sa wallet ko.

"Bata" pagtawag ko. Napalingon siya sakin na nakakubot ang noo.

"Anong pong kailangan niyo?" tanong niya.

Kinuha ko ang kamay niya pero lumayo siya.

"Chill wala akong gagawin sayo. Bibigay ko lang to" abot ko sakanya ng pera.

"Sabi ng ate ko wag daw ako makikipag-usap sa hindi ko kakilala."

Ngumiti ako.

"Hindi na ko makikipag-usap sayo, ibibigay ko lang to" tapos nilagay ko sa bulsa niya ang pera.

Naglakad na ako pabalik ng sasakyan ko nang may tumapik saken.

Napalingon ako. Isang babae. Maliit siya. Hanggang ibaba ng balikat ko siya.

"Hindi kami nanglilimos" tapos binigay niya sakin ang pera.

Napangisi ako.

"Yung kapatid mo, mukhang gutom na" sagot ko.

"Gagawa ako ng paraan para makakain kami pero ayaw na ayaw ko ang malimos" tugon niya at tinalikuran ko.

"Alam mo, napakataas mo. Alam mo nang magugutom ka, at ang kapatid mo pero mas pina-iiral mo ang pride mo. Sana naman naisip mo kung anong maitutulong ng ibibigay ko sainyo. Imbes na magpasalamat ka, nagalit ka pa" tugon ko.

Napahinto siya. Napatingin sakin ng seryoso.

"Bakit, kapag ba hindi kami makakakain ikaw yung magugutom, kapag hindi kami nakaligo ikaw yung magiging madungis? Hindi mo kami kilala. Kaya wala kang karapatang pagsalitaan kami" pagsabat niya pabalik.

Napailing iling lang ako. Pumunta pabalik sa kotse ko. Napahawak ako sa manibela.

"Aish"

Bumalik ako sa tindahan ng street foods. Bumuli ako at sinabi sa lalake na ibigay na lang to sa magkapatid.














Nandito ako ngayon sa grocery store. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa to. Kahit ganun na ang ginawa ng babae sakin gusto ko pa ding tumulong sakanila.

Napatingin ako sa mga gummy bears. Ito yung paborito kong kainin noong bata ako. Napaisip ako, nakakain na ba siya ng ganito?

Binayaran ko na yung mga pinamili ko at pumunta sa rizal park. Lumapit ako sa kinaroroonan nila. Nagulat ako nang agad lumapit sakin ang bata at niyakap ako.

"Salamat kuya mabait" tugon niya.

Ngumiti lang ako. Napatingin ako sa ate niya. Napaiwas siya ng tingin. Umupo yung bata na pangalan pala ay Jacob.

Masaya siya habang kumakain ng binili kong fast food. Habang ang ate niya naman ay kumakain na nahihiya.

Nagpaalam si Jacob na maglalaro lang siya. Iniligpit ko ang kainan niya at inilagay sa basurahan.

"Uhmm... salamat" saad ng nasa likod ko.

"Bhea nga pala" pag-abot niya ng kamay sakin.

Sandali kong tinitigan ang kamay niya.

"Hiro" saad ko.

"Pasensya na sa sinabi ko kahapon. Hindi talaga kami namamalimos. Pero salamat" nahihiyang tugon niya.

"Bakit"

Napalingon siya sakin.

"Huh?"

"Bakit kayo dito sa luneta natutulog, kumakain, or should I see nabubuhay. Asan ang mga magulang niyo?" tanong ko.

Napahinga siya ng malalim.

"Namatay na si papa. At nang namatay si papa, nakahanap ng bagong mapapangasawa si mama. Nagkaanak sila at si Jacob yun. Pero sa araw na pinanganak siya, iniwan niya sakin si Jacob at nagtanan sila ng asawa niya" saad niya. Hindi siya umiiyak pero nakikita kong malungkot siya.

"Sorry" saad ko.

"Bakit ka nag so-sorry? Hindi ka naman si mama" sabay tawa niya.

Napansin kong may dimple siya.

"May dimple ka pala?" Tanong ko.

Tumango siya.

Ang cute niyang ngumiti.














Araw araw ganun ang naging routine ko. Pumunta sa luneta. Si Bhea pala ay 26 years old. 3 taon ako mas matanda sakanya.

Pero alam niyo kung anong nakakagulat? Simula nang araw na yun nakikita ko siya sa panaginip.

Minsan habang nag me meeting kami sa kompanya ko, mapapangiti lang ako kakaisip sakanya. Tukso nga ng mga kasamahan ko. 'uy si sir inlababo'

Hindi ako umangal. Alam kong napamahal ako sa magkapatid na yun. Lalo na kay Bhea.

Gabi na at nakatulog na si Jacob. Umupo sa tabi ko si Bhea.

"Bhea, I have something to tell you..." kinakabahang tugon ko.

"Ano yun?" magiliw na tanong niya.

"Mahak Kita" tugon ko habang nakatitig sa mata niya.

Napaiwas siya ng tingin.

"Ano ba Hiro, hindi magandang biro yan" ngumiti siya.

"Hindi ako nagbibiro." seryosong tugon ko.

"Hindi pagmamahal ang awa Hiro. Naawa ka sakin. Hindi mo ko mahal" pag-iwas niya ng tingin.

"Bhea, naawa ako parati sa mga tao. Pero ni isa sakanila wala akong naramdamang pagmamahal" tugon ko.

"Hiro bakit? Bakit ako? Palaboy Lang ako dito sa luneta" tugon niya.

"Bhea, hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral. Wala kang magandang trabaho. Wala kang bahay o ari-arian. Pero hawak mo ang puso ko Bhea"

Napalingon siya.

"Minsan lang ako magmahal. Wawagasin ko na ito"

At pasimple kong dinampi ang labi ko sa labi niya. Inalayo ko ito pero hindi ko inalayo ang ulo ko.

"Mahilig akong makabasag ng bagay. Pero gagawin ko ang lahat para hindi ko maibasag ang puso mo. Ibigay mo lang sakin ito"

The Breaker,
Hiro Dela Rosa

7 Bad Guys And I Where stories live. Discover now