Chapter 17; The Eater

132 4 0
                                    

Ran Santos Special Chapter


RAN'S POV

Papalabas na ako ng Hospital nang may makita akong machine. Biglang kumulo ang sikmura ko dahil naalala kong hindi pa pala ako nakapag agahan. Etong si Xyriel kasi panira. Pinapunta pa ako ng apartment niya para lang magluto para sakanya.

Agad akong lumapit doon at ihuhulog ko na ang pera ko pero may nauna sakin. Tinignan ko ang nauna sakin. Doctor ata siya dito. And kaibigan siya ata ni Kylie.

Naka coat ito at naka glasses. Nakapusod ang buhok na magulo. I think na kakagaling niya Lang sa operasyon.

"Excuse me miss"

Napalingon siya sakin.

"Ako ang naunang bumili nyan" tugon ko sabay turo ng gimbap na hawak niya. Yan din yung gusto ko pero yan din pala napili niya.

"So? Nauna kong kunin. Hindi ko naman kasalanan na nahuli ka" tugon niya at tinalikuran na ako.

Napanganga na lang ako. Na miss ko tuloy noong highschool at college pa kami. Isang hiling lang sa mga babae namin tinutugunan nila. Hayss.

Pumunta na lang ako ng mcdo at nag order lahat ng pagkain sa menu nila. Gulat pa nga ang staff na sinabi kong dine in na lang. Nagugutom ako at naiirita sa babae kanina.

Hindi ko siya maialis sa isip ko. Hindi siya kagandahan talaga. Maliit siyang babae na hanggang balikat ko lang. Tapos wala siyang ayos. Marami siyang tigyawat sa noo niyang mala airport. Pero, hindi ko alam bakit nag fa-flashback ang mukha niya sa isip ko.

Napailing lang ako. Inubos ko ang pagkain ko at natulog sa kinauupuan ko. Binarayan ko rin ito kaya wapakels ang mga crew.


Naglalakad ako nang may batang kumapit sa may pantalon ko. Umupo ako para makapantay siya.

"Kuya pogi, ang pogi niyo po"

"Alam ko" sabay suot ng shades ko at kumindat.

"Bagay po kayo ni ate ganda" sabay turo sa isang babae malapit sa tindahan. Tumayo ako at naglakad papalapit sakanya.

Mukhang kilala ko siya eh.....

"Ay teteng kabisote" sigaw niya nang makita ako.

Napakamot ako ng batok.

"Diba enteng yun? Enteng Kabhiesote"

Siya naman ang napaisip.

"Enteng kabisote yun ate ganda at ateng gwapo" saad ng batang lalake.

"Ateng gwapo?" takang tanong ko.

"Diba bakla ka po? Naka pink ka eh" napatingin ako sa outfit ko.

Pink na long sleeves ang suot ko eh.

"Eh ano naman kung pink?"

Napakunot ng noo ang bata.

"Sabi ni tatay wag daw akong mag susuot ng pink na mga suot. Kase pangbakla daw yun"

Biglang nang init ang ulo ko. Favourite color ko ang pink eh. Pag pink bakla agad? Pepektusan ko sana ang bata pero pinigilan ako ng babae.

AT CONFIRMED! SIYA NGA. Siya yung walangyang babaeng kumuha ng gimbap ko.

Napalingon ako sa bata at nakita kong tumatakbo na siya palayo. Napamura ako sa inis.

"Hoy pati bata papatulan mo?" inis na tanong niya.

"Kung sana pumapatol ako sa bata edi sana jowa ko yung grade six" inis na tugon ko.

Narinig ko namang tumawa siya.

7 Bad Guys And I Where stories live. Discover now