Chapter 10

2.2K 186 14
                                    

"Kali?" Nag-aalalang tawag ni Erik sakin habang nakaupo kami sa roof top ng school. Dito kami dumaretso after naming umalis ng party. I just couldn't stand there anymore. "Okay ka lang ba?"

Nakatingin lang ako sa nagkikislapang bituin sa langit at ineenjoy ang malamig na hangin. Kahit sobrang nakakarelax ang paligid pero nangingibabaw parin sakin ang takot.

"Hindi ko alam Erik." Pabuntong hininga ko na sagot. "Nahihirapan parin akong isipin kung ano ba ang nangyari kanina. Bakit may dugo sa mata ko? Bakit naging abo yung Upir?" Nilingon ko ang kaibigan ko who listens to me eagerly. "What does it mean?"

Hindi agad nakasagot si Erik. He even look more conflicted than me. "Sana alam ko kung paano sasagutin ang mga tanong mo Kali." Sobrang dark ng mga purple nyang mata na ngayon ko lang nakita. "Para alam ko kung paano ka tutulungan."

Kumuyom ang mga kamay ko sa pinaghalo halong emosyon. "Or baka may sakit ako? Baka may mali sakin."

"Kali..." Erik whispered gently to comfort me sabay hawak sa nanlalamig kong kamay. "Wala kang sakit okay? At lalong lalo na walang mali sayo."

"Pero paano mo ipapaliwanag ang nangyari sa party?" Tanong ko sa kanya pero hindi sya nakasagot kaya lalo akong pinanghinaan ng loob. "My gosh." Napasabunot ako sa buhok ko. I wanted to hurt myself baka sakaling magising ako sa bangungot na to. "Nakapatay ako ng Upir.." Bigla akong naiyak dahil sa takot. "Siguradong mapaparusahan ako..."

"Kali...." Pag-awat nya sakin. "How sure are you na nakapatay ka nga? Nakita mo ba? Hindi naman diba? Baka umalis lang sya nang manglaban ka."

This time we are both in denial.

Natahimik ako dahil hindi ko alam ang sasabihin. How i really wish na tama ang sinasabi ni Erik.

Tumayo ako at naglakad palapit sa pinakadulo ng roof top ng school. Tinanaw ko ang nagkikislapang ilaw na nanggagaling sa mga sasakyan mula sa baba. Malakas ang hangin na nagpapagalaw sakin na tila kahit anong oras ay pwede akong tangayin ng hangin.

"Teka kali." Napatayo din si Erik sa ginawa ko. "Anong ginagawa mo? Huminahon ka."

"Don't worry, gusto ko lang magrelax." Pumikit ako habang ninanamnam ang lamig ng hangin na bumabalot sa katawan ko. It feels so good. And for some odd reason, i see Max's beautiful face behind my eyelids that give me peace in my heart. "Max.."

I wish you were here.

I know it's weird but I'm craving for her presence right now. But I also know it's wrong to think that way dahil isa syang Crinamonte. Dapat nga ay iwasan ko sya at kung sino pa mang Upir aside from Erik and Fara.

But maybe Erik is right. What if umalis nga ang Upir na nais manakit sakin dahil natakot nang magsisigaw ako? Imposible din naman kasi na may super powers ako gaya ng mga Upir. Isa lang akong ordinaryong tao.

Siguro kakausapin ko nalang si Mama about sa dugo na lumabas sa mga mata ko since isa syang doctor. Baka matulungan nya ako lalo na sa panahon ngayon na maraming nagsulputang bagong sakit.

"Gusto mo bang lumabas tayo bukas?" Pag-aaya ni Erik habang nagmamaneho sya ng sasakyan pauwi. "Pasyal lang tayo, unwind, kain."

Nakatingin ako sa labas ng bintana. Umuulan ng snow at sobrang lamig. My favorite season. "Saan naman tayo pupunta?"

"Anywhere you want Kali."

I could not help but look at him. Erik is still shirtless. Wala na syang extrang damit. Hindi din naman sya nilalamig dahil isa syang Upir. "Libre mo ba?"

"Oo naman Kali. Kahit ano pa yan." Natawa si Erik. Medyo bumabalik na kami sa normal as we both tried to forget what happened. "Mag-archery tayo gusto mo?"

Crinamonte (lesbian)Where stories live. Discover now