Chapter 5

6.5K 393 134
                                    


When i wake up this morning sobrang gaang ng pakiramdam ko, parang walang problema sa mundo. Kaya masigla akong bumangon at nag-inat inat. I could even heard my bones crashing down as i breath the cool breeze of the upcoming winter. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil sa excitement na makakita ng mga nyebe at makagawa ng snowman. Well yes, i may sound funny pero lahat naman siguro tayo may childish side.

Beside I'm still young, kaya I'm enjoying my life in every way possible. Sinusubukan ko rin makipagsocialize sa ibang tao pero hanggat maari ay hindi sa mga bampira dahil hindi parin ako kumportable sa kanila, syempre hindi kasali si Erik don.

Bigla akong napatigil ng ilang segundo sa paghinga ng pumasok sa isip ko si Siena. Sa huling pagkakatanda ko, she invited me in her house to celebrate her birthday. After that wala na akong matandaan, parang blangko ang utak ko at pakiramdam ko may hindi tama.

I don't even know kung paano ako nakauwi dito sa bahay...

Nagmamadali akong bumaba pagkatapos magbihis dahil baka malate ako sa school. I saw mom cooking in the kitchen with her favorite classical music. Kaya hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil she is enjoying herself peacefully. "Good morning Ma."

She turned to look at me with a smile. "Oh gising ka na pala Kali." Nagmamadali syang kumuha ng pinggan pagkaupo ko. "Kumain ka na."

Laging maasikaso si Mama sakin, ako parin ang priority nya bago magtrabaho. Kaya lagi akong tinutukso ni Erik na Mama's girl.

"Gigisingin na sana kita." Todo ngiti na sabi nya sakin habang nilalagyan ng pancake plato ko.

"Napasarap po tulog Ma kaya medyo tanghali na nagising." I told her while watching how fluffy the pancakes are kaya parang lalo ako nagutom. "Para kasing pagod na pagod ako." Nawalan ng kibo si Mama. "Ah Ma-paano po pala ako nakauwi?" Umangat ang mata ni Mama ngunit saglit lang nya akong pinagmasdan. "Sa pagkakaalala ko kasi pumunta ako sa party ni Siena then..."

"Hinatid ka ni Erik dito kagabi." Seryoso ang tono ni Mama but what funny is she couldn't look at me in the eye. I felt like she is hiding something from me, hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng takot. "Tinawagan sya ni Siena para ipasundo ka dahil nalasing ka."

My face grew hot in embarrassment. "Nalasing?"

Tumango tango si Mama at ibinalik ang paningin sa niluluto nya. "I was shock actually." Pag-amin nya "Hindi naman kita pinipigilan makisama sa mga kaibigan mo Kali, pero dapat maging responsable ka sa mga gagawin mo."

I honestly didn't know what to say dahil wala naman akong maalala. "I'm sorry."

"Ayaw ko lang mapahamak ka Kali lalo na may mga kasama tayo na ibang lahi." Mother took a deep breath with a concern look on her face. "Though hindi ko naman nilalahat pero may mga masasama at mapagsamantala paring bampira." A certain emotions flashes through her eyes and i could not distinguished it. "I don't want them to hurt you."

Medyo nagtaka ako sa sinabi ni Mama. "Hurt me?"

Pinatay ni Mama ang kalan at naupo sa harapan ko. We stared at each other for awhile. Alam ko na may gustong sabihin si Mama sakin. "Malapit na ang 18th birthday mo Kali." Pag-iiba nya sa topic at imbis na maging excited ay parang mas ramdam ko ang concern ni Mama. "Gusto mo ba magkaroon ng party? Or anything you want."

Napaisip naman ako. Actually, wala pa akong ideya kung ano ba ang dapat gawin sa 18th birthday ko dahil every year ay may konti kaming salo salo. Besides, I'm not into a party naman.

"Gaya nalang po siguro ng dati." Nakangiti ko na sagot. "Basta kasama ko kayo ni Papa."

"Well.." Kakamot kamot si Mama sa kilay nya. "It's your debut Kali. Minsan lang yan mangyayari lalo na sa mga babae na katulad natin." Nakangiting hinawakan nya ang kamay ko. "Just invite all your friends, ako na ang bahala sa party mo."

Crinamonte (lesbian)Where stories live. Discover now