Chapter 9

2.7K 222 24
                                    

"Sunduin kita mamaya Kali ha." Bulong ni Erik sakin habang naglalakad kami pauwi from school. Ang sarap sa pakiramdam na pagpawisan sa gitna ng napakalamig na panahon. "Magpaalam ka narin kay Tita."

"Eh paano kung hindi pumayag?" Kunot ang noo ko na tanong sa kaibigan ko. "Party ng mga upir yon Erik, malalagot ako."

"Hindi mo naman sasabihin ang totoo." Napahinto kami ni Erik sa tapat ng bahay namin at pinagmasdan nya ako ng maigi. "Hindi naman kita papabayaan Kali, kilala mo ako. Lahat gagawin ko para maprotektahan kita."

I feel conflicted. Sobrang protective nina Mama at Papa sakin. Ayaw nilang makikihalubilo ako sa mga Upir dahil nga lampitin ako ng disgrasya. Tapos ngayon ay ako pa mismo ang aattend sa party nila? Edi parang pinain ko ang aking sarili sa panganib diba?

But the look of Erik's face.... How can i deny him? Besides, nakaoo na ako sa kanya kagabi. Gosh, this vampire guy will be the death of me. Kung saan saan nya kasi ako dinadala at heto naman ako, hindi makatanggi

I looked down at my shoes. "Bahala na.." Bumuntong hininga ako. "Basta message nalang kita mamaya."

"Okay sige Kali." Ngumiti si Erik. "Sige na, pumasok ka na sa loob."

Kumaway ako kay Erik bago pumasok ng bahay. Agad akong sinalubong ng napakabangong hangin. Nakakagutom, nakakapaglaway. Sigurado akong napakasarap ng niluluto ni Mama.

"Ma.." Pagtawag ko sa kanya pero walang sumasagot. Kaya dumaretso ako sa kusina.

And there is my mother, happily cooking our dinner for tonight. May classic music din na maririnig. So i just stood there and silently watching her with a smile on my face. Masaya lang ako na wala ng sakit si Mama. Pero mas masaya siguro kung nandito na si Papa. Kailan kaya sya uuwi?

"Kanina ka pa ba?" Biglang nagsalita si Mama.

Natawa ako na may kasamang gulat. "Kadarating ko lang Ma.." Lumapit ako sa kanya para humalik. "Paano mo nalaman na nandito ako?"

"I just know Kali." Sabi ni Mama without looking at me. Sobrang focus nya kasi sa pagluluto. "Gutom ka na ba? Malapit na ito maluto.."

But I'm silent. Matagal na kasi akong nagtataka kay Mama. Malakas ang pakiramdam nya. Pero ang mas napansin ko ay parang hindi sya tumatanda unlike ni Papa. Kaya minsan napapaisip ako kung isa din ba syang....

"Kali.." Parang kidlat na biglang gumihit ang boses ni Mama sa utak ko.

Napatingin ako sa kanya. "Ma?"

"Magbihis ka na." Tumalikod si Mama para kumuha ng mga plato. "At kakain na tayo."

"Yes po." At nagpalit na ako ng damit. Napatingin ako sa bintana dahil bigla itong bumukas dahil sa hangin. Hindi ko narin ito sinara dahil naghihintay na si Mama at gutom narin ako.

Tahimik kami ni Mama habang kumakain. Sobrang sarap ng niluto nya kaya sobrang nabusog ako. Pero palihim ko din syang pinagmamasdan. The way she moves and noticed those little things.

"Kamusta ang school Kali?" Once again she interrupted my thoughts. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na nababasa nya ang isip ko.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "Nagpractical kami sa fencing Ma'." Ngumiti si Mama, that was her sport nung nag-aaral pa sya. "Muntik na akong manalo, kaso tinalo ako ni Fara."

Pinunasan ni Mama ang bibig nya. "That's okay Kali. As long as you give your best shot, you are still a winner." That's my mother though. Manalo o matalo man sa kahit anong bagay ay suportado nya ako. Kaya hindi ako natatakot mag-open up sa kanya because i know na maiintindihan nya ako. "Teka si Erik ba kamusta? Hindi ata napapadalaw ang kaibigan mo dito."

Crinamonte (lesbian)Where stories live. Discover now