Prologue

49 4 2
                                    

"CHEERS!!!!"



Sabay-sabay na sigaw ng mag-kakaibigang sina Kaye, Kathleen, Ellyssa,EJ, Joana at Crissa.


Kasalukuyan silang nasa garden ng bahay ngayon nila Kaye. Mag-o-overnight sila. Minsan nalang kasi sila mag bonding dahil busy sila sa pag-aaral nila ng kolehiyo. Magkaiba sila ng eskwelahang pinapasukan. Sila Kathleen, Kaye at Ellyssa ay sa HSU at sila Joana, Crissa at Ej naman ay sa WIU.

"Malalasing ba tayo neto?" tanong ni Ej

"Tangi-tangi ka talaga! Pano tayo malalasing ng juice?" sagot naman ni Crissa at pag-nguso lang naman ang naging tugon ni Ej

"Himala! Ngayon lang ulet natuloy ang overnight natin after 3 years" wika ni Joana at ininom ang hawak na baso ng juice

"Oo nga Haha, noong grade 11 pa yung last" Sabi naman ni Kathleen


"Eh sa ngayon lang tayo nagka-time na pwedeng mag bonding ehh, tyaka pala baka lumipat na kami sa tunay naming bahay, malapit na ata dumating yung may-ari neto" sabi naman ni Kaye na tinutukoy ang bahay na kung saan sila nag oover-night.

Hindi kasi ito sa kanila, pinatira lang sila dito para may mag-bantay habang nasa ibang bansa ang may-ari.

"Sayang naman.. saan na tayo mag oover-night neto sa sunod?" - tanong ni Ellyssa

"May susunod pa ba? Eh busy nga tayong lahat ehh" sabi naman ni Ej at inubos na ang kanyang inumin

"Meron yan! Wag kang Nega. Nagawa nga natin ngayon ehh" Sagot ni Kathleen
"Kila Joana tayo sa sunod" pahabol neto na kinagulat naman ni Joana


"Wow ha! Laki naman ng bahay namin, sa sobrang laki di kayo mag-kasya" sarcastic na pagkakasabi nito na ikinatawa naman nilang lahat

"Lalo na samin! Pag tumulog kayo dun pagkagising nyo katabi nyo na pusa" natatawang sabi ni Crissa at tumawa din sila


"Kila bebe Kath nalang tayo may aircon ang kwarto hahaha" - wika naman ni Ej



"Ewan ko lang kung papayag sila Mama at Papa, mag-paalam kayo kung gusto nyo" sagot naman ni Kathleen

"Hayysstt... Mag-aasawa nalang ako ng mayaman na may mansyon tapos dun tayo mag-overnight. Punta nalang kayo kahit kelan nyo gusto" - Ellyssa


"Yung 4M's sana" natatawang sabi Kaye

"4M's?" tanong ni Ej


"Matandang Mayaman Madaling Mamatay" sagot ni Kaye na ikinatawa naman ng lahat


"Pfft- haneppp! Hahahaha" - Kathleen


"Shede nadin hahahah, ikaw din Ej para dalawa ang pwede nating tuluyan" - Joana

"Mama Joana naman ihhh. Ayoko ng matanda hahahahaha layot na"-Ej


Nakagawian na nyang tawagin itong Mama, samantalang Mommy naman ang tawag ni Kaye kay Joana.

Sa katunayan, si Joana naman talaga ang pinaka-bata sa kanila, mas mukha lang itong matured lalo na sa pag-iisip kumpara sa panganay sa kanila na si Ej kaya tinatawag nila itong Mama o Mommy.

"Utasssss Hahhahaha"-natatawang sabi ni Crissa at humawak pa sa kanyang tiyan

"Bastos! Pasmado! HAHHAHAHAHA" - Kathleen


"Wews~~ ang sakit nyo sa tiyan.." - Crissa


"Speaking of asawa.. ano bang gusto nyong mapangasawa?" Tanong ni Joana na ikina-seryoso naman ng mga mukha nila at nag-isip.

MARRIED LIFE (A Dream Come True) - on going - Donde viven las historias. Descúbrelo ahora