#NoGunsNoEntry The One

102K 3.1K 887
                                    

Hindi ko talaga alam kung seryoso sila D and Z sa sinabi nila. Patayin ang isa’t-isa? Pero, hindi ba pwedeng sama-sama kaming pumasa?

Nang kumuha bigla si Bea ng mahabang katana sa may pader at tumayo gamit ang postura ng sino mang makikipaglaban ay doon ako nakumbinsi. Okay, fine. Hindi ito joke. Geh. Push nila tong killing spree na ito.

Umiwas muna kami sa mga pag-atake ng mga babae. Hindi naman ito mahirap gawin kasi parang wala sila sa sarili nila. Para bang gumagalaw lang sila pero hindi nila iniisip ang ginagawa nila.

“Are they android robots?” tanong ni Bea kasabay ng pagtalon nito upang iwasan ang tira ng espada ng isang babae at agad na umikot sa ere sabay sipa sa baba ng kalaban. Agad na tumalsik papalayo ang kalaban.

“How should I know? Gawa ko ba sila? And robots don’t bleed.” sabi ko sa kaniya ng pinatamaan ko ng palakol ang pa ang kalaban ko. Tanggal ang daliri niyan g sabay-sabay pero ang nakakapagtaka ay hindi man lamang ito umaray.

Hala. Ano iyon kagat lang ng langgam for her? Aba ay mandhid pa ito sa mga taong mandhid na nandiyan sa tabi-tabi. Iyong tipong nagpaparamdam ka na tapos wala pa din. Tangina. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. Ano ba naman ito?

“Eww! Are you even aware that these color will make you look fat?” Damn. Batuhin ko kaya ng palakol si Bea? Pakialam ba niya kung trip ng kalaban niyang magsuot ng color black with horizontal stripes?

“This is your punishment for violating my fashion sense!” sabi ni Bea sabay wasiwas sa katana na agad tumama sa pang ang kalaban. Hati ang pisngi nito. Halos maghiwalay ang panga at ang upper part ng bibig nito.

“Damn. Ang baboy mo!” sigaw ko sa kaniya dahil tumalsik ang dugo ng kalaban niya sa damit ko. Pucha. Magmamantsa ito eh. Kaya kaya ng Tide ito?

Dahil busy ako sa pagsaway kay Bea ay hindi ko namalayan ang sipang tumama sa mukha ko. Agad na tumalsik ako at nagpa-ikot-ikot ako sa ere bago tuluyan bumagsak. Fuck. Sakit ha.

Hindi ako nag-aksaya pa ng oras at tumayo kaagad. Isang matalim na titig ang ipinukol ko sa kalaban ko.

“No one is allowed to interrupt me, bitch. Pakyu with hardcore feelings!” sabay ng pagsigaw ko na iyon ay sinipa ko ang palakol na nakalapag sa semento. Agad ko itong sinalo at buong puwersako itong ihinagis sa kalaban ko.

---

“Nice moves.” napapangiti si D habang pinapanuod ang dalawang babaeng dominante sa pakikipaglaban sa ibang mga babae.

“They are monsters.” sabi naman ni Z na nakatitig din sa CCTV monitor na nakakonekta sa camera sa loob ng silid. Namamangha sila sa dalawa. Para bang naglalaro lamang ang mga ito ng playstation kung makatira sa kalaban.

“We are making monsters here.” sabi ni D na ipinagkibit balikat lang ni Z. Habang naka-upo ay hindi niya maiwasan talaga ang mapatitig sa tattoo sa likod ni D na naaninag na ngayon dahil nagpalit si D ng damit na mas manipis. Medyo may kainitan kasi sa loob ng CCTV room upang hindi manigas ang mga wires ng computer lalo na at umuulan ng napakalakas na snow sa labas. They are making the temperature favourable for those equipments.

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon