#NoGunsNoEntry Male

121K 3.1K 499
                                    

Zerah’s POV

 

We are having our tour for today. Kahapon lang kami dumating sa isla at ngayon ay inililibot kami ng mga lalaking naka-itim. Fuck. Is this some kind of a field trip? Habang naglalakad kami ay natanaw namin ang lugar kung saan pinagpapatay ang iba pa naming kasama kahapon.

“Demons. They are demons.” Luh? Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Seriously? Is she a model? Grabe, ang ganda niya kasi. Tomboy ata ang labas ng kahit na sinong babaeng makakakita dito eh. She is wearing a white crank top and a fitted army pants. May tattoo siya sa belly niya. It’s big kaso hindi kita ang kabuuan nito. Ang masasabi ko lang, nakadagdag sa appeal niya ang bad girl look.

Medyo nainis ako sa sinabi niya. Para kasing may halong pandidiri. So ano yan? Demonyo din tingin nya sa amin?

“As if you are a saint.” Sabi ko sabay dukot ng kaha ng sigarilyo sa may likurang bulsa ng bag ko. Sinindihan ko agad ito.Hinahanap-hanap na kasi ng katawan ko eh. Kaya siguro nakaka-adik ang mag-smoke.

“No, but I am a goddess.” Hindi na ako nagulat ng ilahad niya ang kamay niya. She is asking for a cigarette.

“Conceited bitch.” As always, hindi ko siya binigyan at tinignan ko lang siya mula ulo hanggang paa. Mukha namang sanay na ito sa cold treatment kaya naman nagkibit balikat na lamang ito at nagpakilala.

“Bea Goldberg.” pagpapakilala niya. American Blood I guess? Nagpakilala na rin iyong iba pero hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin. I guess old habits like this never die. I hate memorizing names as much as I hate bitter melon.

After wasting minutes, they are done. At gaya ng inaasahan, humarap sila sa akin na para bang inaantay nila akong magsabi ng pangalan.

“I see. You’re a bitch too.” Sabi nung Nea? Lea? Bea ata? Tsk. Basta. Sinabi niya iyon ng tumalikod ako para maglakad papalayo. Ayoko ng tinitira ako ng patalikod so humarap ako sa kaniya.

“Call me whatever you want. I don’t care. Don’t piss me off, Ms. USA.” I gave them my cold stare and went into the woods where those men who are supposed to tour us (not leave us) went.

Pagkatapos ng tour ay pinatawag kami sa isang pagpupulong. Nasa isang table kaming lahat at nasa harapan namin si Z. I wonder where is D? Bakit si Z lang na assistant ang nandito?

“Good Morning, girls!” ngiting-ngiting bati ni Z. Nagngitian naman ang iba sa kaniya. Napansin niya ata ng nakatingin lang ako at hindi nagbibigay ng ngiti o bumati man lang.

“Ms. Lorgueza, you have to smile paminsan-minsan. Smiling means caring.” nakangiti niyang sabi sa akin. I just gave him a bored cold look.

“I don’t care so I don’t smile.” balewalang sagot ko. Tumawa naman ng mahina si Bea sa ginawa ko. At napa-iling ang ibang mga kasama namin. Mukhang hindi naman ito dinibdib ni Z at nagtuloy lang siya sa pakay niya.

“We are dividing you all into pairs.” pagsisimula ni Z. Napatingin ako sa kaniya. “Sa lahat ng pagsubok ay kayong dalawa ang magkakampi. But then, you know that at the end, one girl will be released from the island. Ang ibig sabihin ay kapag kayo ng partner mo ay makarating sa dulo kayo rin ang maglalaban hanggang kamatayan, up until the end.”

Mahabang katahimikan ang nangyari. I am very sure that this silence doesn’t mean peace. This is the silence before war. A very bloody one.

“Any objections?” napatingin kaming lahat sa isang babaeng nagtaas ng kamay matapos magtanong ni Z.

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon