Napansin ni Siana ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Kasunod ay ang marahas na pagbuntong-hininga.

"Whatever." Inis nitong sabi bago siya iniwan.

Napapairap na sinundan lamang ni Siana ng tingin ang lalaking papalayo. He's tall, hindi na siya magtataka kung maging isa man itong basketball player sa school nila. Pwede ring football player, pero ano bang pakialam niya? Player man ito o hindi'y wala naman siyang mapapala.

Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa school field. Marami-raming estudyante ang nakatambay. Pawang mga magkasintahan na sinusulit ang vacant period sa klase.

Tahimik na naupo si Siana sa bench na nasa gilid. Saglit na tumingala't pumikit para damhin ang nakakakalmang ihip ng hangin. Ilang sandali lamang ay marahan niyang inilabas ang cellphone mula sa bulsa at tahimik na naglaro ng online game.

It was an action game. Sometimes she wishes she could teleport in some place where she could flex her strength. Sa lugar kung saan pwede siyang makipaglaban.

Ah right. She used to be in the group of elite agents in town. Pero sa kasamaang-palad, napilitan siyang tumiwalag. Her reason; ayaw niyang madamay ang mga kasamahan sa ilang beses na muntikang pagpatay sa kaniya. A lot of death threats was sent to her house. Maging sa mga private emails niya ay binabaha siya niyon. Lalo siyang nabahala nang maging sa Sierra ay may nakalusot na spy. That time nabuo ang desisyon niyang umalis na lamang. Mahal niya ang trabaho, pero mas mahal niya ang mga kasamahan. She can face death without fear. But the thought of losing those people who truly cares for her, iyon ang hindi niya kaya.

"Nice game..."

Tumigil si Siana sa paglalaro nang biglang sumulpot ang boses na iyon. Inangat niya ang ulo't nilingon ang lalaking nasa kaniyang likuran.

"I'm Ryou."

Kumunot ang kaniyang noo't naningkit ang mga mata. "Did I ask for your name?"

He chuckled. "A loser, an outcast or just feeling misfit?"

Lalong tumalim ang titig ni Siana sa lalaki. Kahit alin sa tatlo ay pare-pareho lang naman para sa kaniya ang ibig sabihin niyon. Ipinamumukha pa talaga nitong mag-isa siya.

"Pissed off."

"You're alone and obviously need someone to talk to. Be grateful; instead of you paying me back from hurting me, I decided to just sit here and give you some company."

Napasimangot si Siana sa narinig. Hindi niya alam kung talagang bukal sa loob nito ang ginagawa o iniinsulto siya sa hindi maayos na paghingi ng sorry kanina.

"What do you want?"

She saw him smirked. Tahimik itong naupo sa dulo ng bench na kinauupuan niya. "Don't ever ask a stranger what they want. Hindi mo alam ang maaari nilang hilingin. Be careful with your choice of words next time."

Natahimik si Siana sa biglaang pagseseryoso ng lalaki. Maging ang titig nito'y tila nag-iba. Mapanganib at sumisigaw ng awtorisasyon. She wonder, kung paano nitong nagagawa iyon.

Mabilis niyang iniwas ang tingin. Pinatay saglit ang cellphone at kaagad na tumayo para umalis.

"You're graduating, pero hanggang ngayon wala ka pa ring kaibigan."

Mariing naikuyom ni Siana ang kamao. Para siyang sinampal nang marinig ang sinabi ng lalaki. She has friends! No-they were her friends. She thought they were.

"I can be your friend."

"I don't need one." Mariin niyang sagot bago tuluyang naglakad palayo. Wala siyang panahon para magpalamon sa galit. Nakalipas na ang mga iyon. Maayos na siya.

Code name: X [A Psycho's Gameplay]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon