Chapter 17

683 31 2
                                    

I changed the book cover. Ok lang ba? Hehehe, reactions please. Ikakasaya ko po yun :--)

- - - - - - -

Chapter 17

"Don't you get it Krisy? I like you." napabuntong hininga naman siya. "Gusto kita." at hinalikan niya ako ulit.

Mas lalo niyang idiniin yung paghalik niya sa labi ko. Gusto kong makawala pero hinigpitan niya yung pagkahawak sa braso ko. Tinulak ko siya ng malakas. Hinabol ko yung hininga ko. Maraming pumasok sa utak ko, di ko alam kung magagalit ba ako or mag-cecelebrate. Litong-lito na ako.

"Kai..." mahinang sabi ko.

Litong-lito na yung utak ko at wala akong choice kundi iwanan siyang nakatayo doon. Habang naglalakad ako eh di ko naman maiwasang di mahawakan yung labi ko. Yung first kiss ko. Kai. Gusto niya daw ako. Bumilis ulet yung pagtibok ng puso ko.

Pagdating ko ng bahay eh dumating na pala si Papa. Binati niya ako pero dumiretso lang ako sa kwarto ko. Tumalon ako patungko sa kama ko. Napahawak ako sa dibdib ko, unti-unting bumibilis yung tibok ng puso ko. Napahawak din ako sa labi ko. Di parin ako makapaniwala na hinalikan ako ni Kai.

Napaayos naman ako ng upo nung biglang kumatok sa pintuan si Papa. Inayos ko yung buhok ko at binuksan yung pinto. Napansin ko naman na naka-uniform pa si Papa, agad ko naman siyang niyakap. Nirurub naman niya yung kamay niya against my back.

"Anong nangyare anak?" nalaman ko na nag-alala para sa'kin si Papa. Sa tono pa lang ng boses niya.

Umiling naman ako at pinatagalan yung pag-yakap sa kanya.

"Kumain ka na ba? Ipagluluto kita."

Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti. Dahan-dahan ko siyang binigyan ng thumbs up at nag-thumbs up din siya. Habang hinihintay ko siyang matapos magluto eh pumasok ako ulet sa kwarto ko. Humiga ako ulet sa kama at bumuntong hininga.

Kai Kim. Ano ba tong ginagawa mo sa'kin? Pinapalito mo ako eh. Nagpapanggap lang tayong dalawa pero bakit nililito mo tong puso ko. Gusto din ba kita? Oh my gosh, no! It can't be. I can't fall inlove. Aaaaahhhh!!!!! Di ko na alam.

Nagpagulong-gulong na lang ako sa kama ko kasi litong-lito na yung utak ko.

Hinawakan ko yun labi ko ulet. Di ko naman namalayan na may kurba na bumuo sa labi ko.

***

Pag-gising ko eh diretso akong naligo at nagbihis ng uniform ko. Pagkatapos eh kumain na ako ng agahan, dinalian ko naman yung pagkain ko at nagtoothbrush na din. Kinuha ko yung bag ko at sinuot na din yung sapatos ko.

"Pa, alis na po ako."

"Bakit ka aalis? Sabado ngayon."

Nabitawan ko yung bag ko at napaupo sa sahig. "EH BAKIT DI MO MAN SINABI SAKEEEEEEN? HUHUHU."

Kisses From KaiWhere stories live. Discover now