Prologue

103 5 7
                                    

Syndra

-:-

PATAGO akong lumabas sa aming tirahan, hating gabi na sa mga oras na ito at tamang tama dahil kabilugan ng buwan ngayon kung saan nagbibigyan ng liwanag ang kapaligiran, kitang-kita rin sa kalangitan ang mga kumikislap na mga bituin. Pero ang masilayan ang ganda ng kalangitan? Hindi talaga ito ang tunay kong binabalak dahil may pupuntahan kami ngayon ng matalik kong kaibigan.

"Handa ka na ba Synd? Pinaghintay mo pa talaga ako ng matagal ah." pagkalabas na pagkalabas ko ay bumungad kaagad sa akin si Alistar na ngayon ay nakasandal sa gilid ng pader ng aming bahay.

"Sigurado ka ba talaga sa nabalitaan mo Alistar? Dahil kung hindi ay babalik na lang ako sa mahimbing kong tulog at sa napakaganda kong panaginip." nababahala kong tanong sa kaniya.

Maaari kaming maparusahan ng kaharian sa gagawin naming ito pero hindi ko alam kung bakit ko sinasabayan ang kabaliwan ng kaibigan ko, at isa pa ay nasasakop na rin ako ng kyuryosidad dahil sa mga sabi-sabi nila sa akademiya kaninang umaga.

"Totoo nga, ano ba naman 'yan. Parang wala kang tiwala sa akin ah." napakamot na lamang ito ng kaniyang kulot na buhok at umalis sa pagkakasandal sa pader.

Nangangamba lang kasi talaga ako, pinagbabawalan na lumagpas ang mga Auradonians sa labas ng pinakamalaking pader na nagpapaikot sa buong siyudad. Hindi namin alam kung ano ang aming mararanasang paghihirap sa mga kamay ng Penals na nagbibigay ng parusa sa kung sino man ang lumalabag sa batas ng Auradon.

"Naniniwala ako sa kapangyarihan mo Synd, sana ay maniwala ka sa akin kahit sa ngayon lang." lumapit ito sa akin at nagkatitigan kami.

Tumango na lamang ako sa kaniya, sabay naming ipinalabas ni Alistar ang aming mga pakpak at nagbigay ito ng malakas na ihip ng hangin dahilan upang liparin ang mga tuyong dahon sa paligid namin.

Hinawakan niya ang kaniyang singsing na nakalagay sa kaniyang hintuturo habang ako ay hinawakan ang sariling kuwintas.

"Hogo!" pabulong na sigaw naming dalawa.

Mabilis kong naramdaman ang malakas na kapangyarihan at enerhiya habang unti-unting nag-iiba ang anyo namin, pinapaikutan kami ng kulay ube na usok at ilang segundo lang ay napuno na ng armor ang buo naming katawan at hinahawakan na rin namin ang espada na sumisimbolo ng Auradonian.

"Tara na, marami na tayong oras na sinasayang." hinawakan niya ako ulit sa kamay na hudyat para gamitin ko ang kakaiba kong kapangyarihan.

"Meinai!" bulong ko, umipekto naman kaagad ang aking kakaibang mahika. Ngayon ay hindi na kami makikita ng kung sino man, gayundin kay Alistar hanggat sa hawak-hawak niya ang kamay ko.

Nagsimula na kaming magkumpas ng aming pakpak hanggang sa umabot kami sa himpapawid, kitang-kita namin ang kabuuhan ng Auradon na puno ng mga ilaw. Hinihila ako ni Alistar at ramdam ko na mas bumibilis ang paglipad namin, ginamitan niya siguro ng kaniyang natural na kapangyarihan.

Ang bawat Auradonians ay may natural na kapangyarihan na nakabatay sa bawat kasarian, ang mga kalalakihan ay kayang magdagdag ng bilis sa kanilang kinikilos na kasing bilis ng kidlat, magteleport ngunit sa limitado lamang na distansiya, nakararamdam din sila ng panganib at makagagawa ng isang malaking proteksiyong hugis globo na kulay ube.

Ang natural na kapangyarihan naman naming mga kababaihan ay kaya naming kontrolin ang kahit ano mang bagay, makaiipon ng bilugang enerhiya sa aming mga palad na puwedeng ihagis sa mga kalaban at kaya rin naming gumawa ng katulad sa kalalakihan, ang malalaking proteksiyon na hugis globo na kulay ube.

Ang kulay ube ay sumisimbolo ng kapangyarihan ng bawat Auradonians at ang aming kapangyarihan ay limitado lamang batay sa aming enerhiya na taglay at kaya pa namin itong mapalakas o madagdagan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AURADON ACADEMY: School For Angel Of ProtectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon