Two

1.3K 35 3
                                    


ELLE

Telephone bill, internet bill at credit card bill. Wala bang sulat mula sa'yo? O postcard man lang? Itong mga bills lang ang bagong batch ng sulat na nakuha ko mula sa mailbox mo sa baba.

Tanga. Ba't mo nga naman ako susulatan?

At isa pa, hindi mo naman ako kailangang sulatan. Hindi ka mahilig sumulat. Kapag meron kang gustong sabihin, lalo na kung importante, ay sinasabi mo sa mukha ko.

Sigurado akong masayang-masaya ka ngayon. At alam kong nakalimutan na ako. Ikaw kasi 'yung tipo na nakakalimot sa iba lalo na kung masaya. Hindi kita sinisisi dahil may karapatan kang unahin ang iyong sarili. Pero alam kong babawi ka rin. Hindi nga lang ngayon pero alam kong babawi ka.

Saang parte ng mundo ka ba ngayon? 

Bumuntong-hininga ako. Sana balang-araw ay marating ko ang mga lugar na napuntahan ko.

Bumukas ang pintuan ng elevator at pumasok ako. Habang nasa loob ako ay binabasa ko ang pangalan mo nasa labas ng mga envelopes.

I miss you. I miss you so much.

Hindi naman sa galit ako sa'yo. Nagtatampo lang. Kasi napag-usapan na natin 'to, di ba? Last month pa. Napaka-busy mo sa trabaho pero napag-usapan natin na makikipagkita ka sa akin this month for two weeks. 

Dapat ay magkasama tayo ngayon pero anong ginawa mo? Iniwan mo ako ulit. Umalis ka ng walang paalam.

Narating ko ang 22nd floor ng Zentro Tower. Tahimik ang hallway habang naglalakad ako patungo sa unit mo. Habang papalapit ay isinuksok ko sa aking kili-kili ang mga bills mo. It was a habit I had since I was a kid. Pinagtatawanan mo pa nga ako tuwing may sinusuksok ako sa kili-kili ko.

Nasa tapat na ako ng unit mo nang bumukas ang pinto ng kapitbahay mo. Lumabas mula roon ang isang gwapo lalaki.

Ano nga pala ang pangalan niya? Julio? Aurelio?

Basta may 'io' yon sa huli at pang matanda ang tunog.

"Hi, Elle," bati niya nang makita ako.

"H-hi!" Ang tangi kong sagot. Hindi ko siya maalala. Huwag mo akong sisihin. I'm really bad with names.

Lumapit siya sa akin. Lalo naman akong nailang. 

Hindi ko alam kung bakit pero naiilang ako kapag may lalaking lumalapit sa akin. Lalo na itong gwapo mong kapitbahay. Hindi ako sanay makatanggap ng atensyon mula sa mga lalaki.

"Bagay sa'yo ang bago mong hairstyle," sabi nito.

Ay, oo nga pala. Sinunod ko ang payo mo. Pinuntahan ko 'yung sinabi mong salon at nagpagupit ako. Kaya heto ako ngayon, bagong gupit. Long bob daw ang tawag sa gupit kong ito. Basta ang sinabi ko sa hairstylist na paikliin ang buhok ko. Nanghinayang din ako dahil malapit nang umabot sa bewang ang buhok ko. Pero sinabi mo dati na mukha akong matanda. May tiwala ako sa'yo kaya't nagpagupit na ako.

"Thank you," ang sagot ko sa kapitbahay mo.

"Wala pa rin bang tao sa loob?" Tanong niya sabay turo sa unit mo.

Siguro nga ay bagay sa akin ang bago kong gupit dahil kinakausap na ako nitong kapitbahay mo. O dahil alam niyang wala ka rito kaya't pakiramdam niya ay okay lang na makipag-flirt siya sa akin.

Sandali. Is he flirting with me? Baka imahinasyon ko lang.

Tinalikuran ko siya at in-enter ko ang keycode sa door lock ng condo unit mo. 011788. Nang maipasok ko 'yun ay bumukas ang pinto.

You & Me + Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon