Napalingon naman sila sa gawi ko. Ng makita nila ako ay kita ko sa mga mata nila ang tuwa

"Reign" Sabay na saad nila sa pangalan ko

Napangiti naman ako at naglakad papalapit sa kanila

"Kamusta na kayo Sisters?" Tanong ko sa kanila

"Ok lang kami dito Reign. Ikaw kamusta ka naman? Hindi ka nakabisita nung isang linggo" Litanya ni Sister Rhea Mae Reynante

"Ok lang po ako Sister Rhea. Naging busy lang ako kaya hindi ako nakabisita dito" Sagot ko sa kanya

"Wag na wag mong papagurin ang sarili mo Reign. Baka magkasakit ka niyan. Ang bata-bata mo pa pero trabaho palagi ang inatupag mo. Mas mabuti kahit papaano ay magpahinga ka naman sa pagtatrabaho" Litanya ni Sister Rubilyn Sinagtala

"May plano nga po ako na kahit papaano ay magbabakasyon ako, kahit ilang araw lang" Sabi ko

"Mabuti yan Reign. Nga pala, palaging nagtatanong sa amin si Mike na kailan ka bibisita" Sabi sa akin ni Sister Pearl Nimfa

Napangiti naman ako. Mas naa-attached sa akin si Mike. Isa sa mga bata dito. Siguro dahil ako ang tumulong sa kanya nung muntik na siya mabugbog ng mga kalalakihan. Nagpupuyos ako ng galit ng makita ko yon. Ang lalakí na ng mga yon pero pumapatol pa sa bata. Mike it's just 8 years old. Tatlong buwan na siya dito sa ampunan. Katulad ng ibang bata, sa kalye ko rin nakita si Mike

"Nga pala Sisters, nasaan po yung baby na tinutukoy ni Mother Superior Divina?" Tanong ko sa kanila

"Naku~, oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan sabihin sayo tungkol sa baby. Mabuti na rin nasabi mo yan Reign. Nasa kwarto ko siya. Ako kasi ang naka-tuka na bantayan ang baby" Sagot sa akin ni Sister Mary Rose Marilag

"I want to see the baby, Sister Mary" Sabi ko sa kanya

"Sige-sige" Sabi nito sa akin

Binalingan naman ni Sister Mary, sila Sister Rhea, Sister Rubilyn and Sister Pearl

"Kayo muna dito mga Sister" Sabi ni Sister Mary sa kanilang tatlo

"Sige, ihatid muna si Reign kay baby" Sagot naman ni Sister Pearl

Kaya umalis na kami sa kusina ni Sister Mary at naglakad na papunta sa kwarto niya. Tag-iisa kasi sila ng mga kwarto. Sinandya ko talaga. Every room here is air-conditioning. Para hindi sila mainitian, especially in summer time. Mainit pa naman ang suot nila Sisters

Ng makarating na kami sa kwarto ni Sister Mary ay may nakita akong isang crib na kulay asul. Is it a baby boy?

Doon ko lang nakumpirma na lalaki ang baby ng makalapit kami sa crib

"The baby is so cute" Naibulas ko na lang

Unang kita ko pa lang ay masasabi mo talaga na may lahi ang bata. At masasabi ko lang na lalakíng gwapo ang baby na ito. Ako ang nahihinayang na iniwan siya ng magulang niya

"What is his name, Sister Mary?" Tanong ko habang nakatutok parin ang tingin ko sa baby

"Michael Aranda" Sagot sa akin ni Sister Mary

Hindi ko na hinawakan si baby Michael dahil sa tulog pa ito. Sobrang cute nga eh. Sarap pisilin ang pisngi nito. Mahina ko na lang hinaplos ang pisngi nito para hindi magising

"Let's go Sister Mary. Wag muna natin istorbohin si baby Michael. Pupuntahan ko pa ang mga bata" Paanyaya ko kay Sister Mary

"Mabuti pa nga na bisitahin muna sila Reign" Nakangiting sabi sa akin ni Sister Mary

Nakangiti naman akong tumango. At naglakad na nga kami palabas ng kwarto ni Sister Mary

"Sige Reign, babalik muna ako sa kusina" Sabi sa akin ni Sister Mary

Tumango naman ako bilang sagot. And with that, ay umalis na nga si Sister Mary pabalik sa kusina. Ako naman ay naglalakad papunta sa classroom ng mga bata

I also provide a classroom and library para makapag-aral sila. I even hired a teachers for them

Ng nasa harapan na ako ng nakasarado na pintuan ng classroom nila ay kumatok muna ako bago ko buksan ang pintuan. Nakita ko ang mga bata na nakatingin sa gawi ko kaya napangiti na lang ako. Ng makilala nila ako ay singbilis ni the flash na nakalapit sila sa akin. Mas lumawak ang ngiti ko ng makita sa mga mata nila ang kaligayahan ng makita ako

"Ate Reign, mabuti nakabisita ka. Alam mo bang sobra kitang nami-miss" Hinaplos ko naman ang buhok ni Mike

"Nandito na si Ate Reign, Mike. Dahil nami-miss din niya kayo" Nakangiti kung sabi sa kaniya

Mas lalo naman niya akong niyakap

"Ate Reign, may pasalubong po ba kayo?" Tanong sa akin ni Lala

"Oo Lala, may pasalubong ako sa inyo. Mamaya dadating na ang delivery ko para sa inyo" Sagot ko sa kanya

Mostly sa mga bata dito ay nakita ko sa kalye namamalimos. Naawa nga ako kaya sinama ko sila papunta dito para maging maayos ang buhay nila

Nung bata pa lang ako, naaawa na ako sa mga batang na sa kalye natutulog, namamalimos para makabili ng pagkain at ang mas malala ay wala na silang magulang. Kaya nag-promise ako sa sarili ko na magpapatayo ako ng ampunan para sa kanila

"Magandang umaga Ma'am Reign" Bati sa akin ni Teacher Gabby

"Good morning too Teacher Gabby" Bati ko rin sa kanya

"Nga pala. May surprise si Ate sa inyo" Sabi ko sa mga bata

"Ano po yon Ate Reign?" Sabay na tanong nila sa akin na kinatawa ko ng mahina

Hindi naman mga bata ang nandito. May teenager rin akong natutulungan. I think na sa garden ata ang mga yon. Hindi naman sila masyado madami. Mas marami talaga ang mga bata dito

"Sasabihin ko mamaya kapag nasa hapagkainan na tayo" Nakangiti kung sagot sa kanila

"Bumalik na kayo sa kinauupuan niyo at mag-aral ng maayos, ok" Sabi ko sa kanila

"Ok po" Sabay na sagot nila sa akin. And ku-cute talaga nila

Nagsibalikan naman sila sa kinauupuan nila. Binalingan ko naman si Teacher Gabby

"Pasensya na kung naka-istorbo ako sa klase niyo Teacher Gabby" Paghihingi ko ng pasensya sa kanya

"Ok lang yon Ma'am Reign. Alam kung namiss niyo sila at ganoon din sila sayo" Napangiti naman ako

"Sige po, ipagpatuloy niyo na ang klase niyo" Sabi ko sa kanya

At umalis na nga ako sa classroom nila at naglakad na papunta sa kusina para tulungan sila sa pagluluto

















💬
Hope you like it guys. Please, please vote and support. Thank you so much

The Mafia Boss PossessionWhere stories live. Discover now