Chapter 21: Vacation
Lina Alexandria Reign PoV~
I am here at my condo, preparing my things for vacation. Yes, magbabakasyon ako-------- kami pala ni Alessandro, kasama namin sina Ethan, Stephen, Luke at Daniel. Isang buwan ng nanliligaw sa akin si Alessandro. At walang araw na hindi niya ako pinapakilig. He always give me a white rose flowers and chocolate na may kasama pang card
Ng matapos na ako sa pag-aayos ay lumabas na ako sa kwarto dala ang isang maleta. Umupo naman ako sa long couch at hinihintay ko na lang si Alessandro. Napatingin naman ako sa wall clock and it's already 5:30 pm. Maaga kasi ako umuwi galing sa shop para makapaghanda ako sa pag-alis namin mamaya
Maya't-maya ay bumukas ang pintuan ng condo unit ko. Kaya napatingin ako sa gawi ng pintuan at bumungad sa akin si Alessandro, kaya tumayo ako at mabilis na nakalapit ako sa kanya. Niyakap ko naman siya at naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin pabalik
Alam na ni Alessandro ang password ng condo unit ko. Binigay ko sa kanya
"Are you ready baby?" Tanong nito sa akin
"Yhup" Sagot ko sa kanya, popping the p word
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya
Hindi ko naman kasi alam kung saan kami pupunta. Basta sabi niya sa akin ay magbabakasyon kami
"You will know it baby when we get there" Sagot nito sa akin
Humiwalay naman ako sa yakap niya at tinignan ko siya habang naka-pout. Bigla naman akong hinalikan ni Alessandro, kaya hinampas ko siya sa dibdib niya
"Nanghahalik ka na naman Alessandro" Sabi ko sa kanya
"Your lips tempt me to kiss it" Nakangisi nitong sabi sa akin
"Hmp" Naibulas ko na lang na ikinatawa nito
Kinuha niya ang maleta ko at umalis na kami papunta sa AVK Airport
Ng makarating na kami sa AVK Airport Runway. Ay pinagbuksan kami ng pintuan ni Alessandro. Siya ang unang lumabas at inalalayan niya akong lumabas ng kotse
"Hi, Reign" Bati sa akin nina Ethan, Daniel at Stephen
"Hello" Nakangiti kung bati rin sa kanila
Tumango naman sa akin si Luke, kaya ngumiti akong tumango sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagyapos ni Alessandro sa bewang ko at hinila palapit sa kanya
"Possessive" Nakangising saad nina Daniel at Stephen
Nakangisi lang si Ethan, habang si Luke ay seryoso lang. Umakyat naman kami papasok sa private plane ni Alessandro. At umupo sa upuan na napili namin
Namangha naman ako sa sobrang ganda ng interior design sa loob ng private plane ni Alessandro. It's very luxurious
ESTÀS LLEGINT
The Mafia Boss Possession
FiccióAlessandro Von Knight and Lina Alexandria Reign Alvarez Love Story