Chapter 39: Under Attack

916 45 1
                                    

Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3

Enjoy Reading!

LUCY GONZALES

Napaubo ako sa usok at dahan-dahan na minulat ang mga mata ko. I could unclearly see the surroundings. Masyadong makapal ang usok at may mga apoy na nagkakalat kahit saan. I could faintly hear screams and footsteps around me. 

Dahan-dahan akong tumayo at nilibot ang tingin  sa lounge. May malaking butas sa tabi ng fireplace, yung mga monitor ni Linus ay sira-sira at nakita ko ang batang lalaki na nakahiga sa gitna ng carpet at walang malay.

Lumapit ako sa kanya at napadaing nang makaramdam ng matinding sakit sa akin likod pero pinilit ko ang katawan ko at lumapit sa kanya. Kinarga ko siya at naglakad palabas ng lounge kung saan binati ako ng mga demigod na nagkakagulo.

Kitang-kita si Talos sa labas na nakikipagbakbakan sa mga taong nakakulay itim. I felt something in  the air kaya unconsciously akong napaatras and that's when a huge beat jumoed in the air and pinned down a nymph na naglaho ng parang bula.

The beast had gray fur and was thrice as big than I am. Dahan-dahan itong lumingon sa akin at nagkatinginan kami, it's fangs were enough to rip my head of with just one bite.

"No, no, no, no" bulong ko sa sarili at dahan-dahang naglakad paatras yakap-yakap ang bata na walang malay. Tumutulo ang laway ng malaking lobo habang dahan-dahang naglalakad palapit sa amin. 

Bigla itong tumalon kaya mabilis kong niyakap ng mahigpit ang bata at bumagsak sa sahig pero imbis na makaramdam ng sakt ay nakarinig lang ako ng isang malaking thump.

Nang binuksan ko ang mga mata ko, nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng Yukata ang nakapaibabaw sa itaas ng malaking lobo na nakahiga lang sa sahig. Tumayo siya at tumingin sa akin, nagulat ako nang makita ang mukha niya.

"Vetto" bulong ko. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang gising and even though he looked like he was sleepy, his moves were very much alive. Ngayon ko lang din nakita ang kanyang dami dahil palagi siyang nasa loob ng kanyang sleepy bag.

"The sleeping effect only lasts a minute. We need to leave" kalmado niyang sabi at inalalayan akong tumayo. "Lycaon and his wolves are here. We are outnumbered, we should retreat."

Some voice inside me whispered that I needed to go upstairs kaya sinunod ko ito at binigay ang bata sa kanya, gulat naman niya akong tiningnan.

"Unahin mo siya. He plays an important role here." seryoso kong sabi sa kanya at hinawakan ang dagger na nakastrap sa beywang ko. "May kailangan lang akong kunin sa itaas. Keep him safe for me please."

Tumakbo ako paakyat ng hagdan at lumingon sa kanya na nakatayo lang at nakatingin sa akin.

"Salamat" sabi ko sa kanya bago tuluyan na umakyat. Napayuko ako dahil sa mga nagliliparang kagamitan at tao na nakikipaglaban dito sa hallway sa second floor. 

I swiftly moved across the fights hanggang sa may naaninag akong tao na lumabas mula sa kwarto ko. Nakajeans ito at nakasuot ng itim na hoodie, based on the frame mukhang lalaki ito.

"Hoy!" malakas kong sigaw sa kanya. Napansin niya ako at tinago ang mukha niya gamit ang hood niya at mabilis na tumakbo palayo. 

Tumakbo ako para habulin siya nang may mapansin na nakabukas na kwarto at may makapal na usok na lumalabas dito.

 Hinabol ko siya hanggang sa nakarating kami sa emergency stairs sa likod ng mansyon papunta sa rooftop. He moved so fast at alam din niya kung nasaana ng pintuan papunta sa rooftop which was weird. Bago pa man siya makalabas ng pintuan ay nahawakan ko ang kanyang paa na nakapagpakita sa akin ng mga imahe.

Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon