Chapter 1: Lucy "Freak" Gonzales

4.1K 168 15
                                    

Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3

Enjoy Reading!

LUCY GONZALES

She wept and tried to run away but he held her hand and pulled her back. He saw how he broke her, he saw the crack in her heart through her eyes but couldn't find the right excuses--

"So if you have any questions about your thesis, please approach me. Class Dismissed."

Napatigil ako sa pagsusulat ng draft para sa bago kong nobela. Pinagmasdan ko ang mga kaklase kong umalis at hinintay na ako nalang ang natitira sa room bago ko itago ang laptop at mga gamit ko.

"Ms. Gonzales, I have something to talk to you about." Sabi ng Prof ko. Sinuot ko ang bag ko at kinuha na rin ang mga libro ko pagkatapos ay lumapit sa kanya sa harapan. Kami nalang ang tao ngayon sa room.

"Why don't you try to make friends? Senior year ka na pero palagi ka nalang nahuhuli sa paglabas" sabi niya saakin.

"It's not like I want it to be" tahimik kong sabi habang tinitingnan ang mga libro na yakap-yakap ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng prof ko.

"You don't have to be the most beautiful person in the world to make friends you know," She said in a low voice "Hindi lahat nakabase sa panlabas na anyo, Lucy. You need to love yourself more."

I could, if it were that easy.

Hindi ako umimik at nanatiling nakatitig sa mga libro. I saw her move at the side of my eye.

"Nakuha ko na pala ang results ng Draft mo"

My head shot up. This time, I was interested. Nag ask ako ng favor sa guro ko kung pwede ba niyang ipacheck ang draft ko sa publishing company ng kaibigan niya. I didn't know that the results were that fast.

This time, nakafocus ako sa sasabihin niya. It's my very first draft at ito ang librong gusto kong isulat simula pa dati. I rubbed my hands together, kinakabahan ako sa sasabihin niya.

"She said your story was decent. Maganda din yung writing style mo," She looked at me seriously

"But there is nothing extraordinary about it. Their company invests in books that have something in them that makes it special--"

"But I put everything that I had in it. It has a piece of me, hindi pa ba special iyon?" disappointed kong sabi. Narinig ko muli ang pagbuntong hininga ng guro ko.

"She said that you just lack experience. Whether be it friendship or relationship, mas better kung alam mo kung an ang pakiramdam para ma convey mo yung feelings mo ng mas klaro. So that your feelings could reach your readers"

Napabuntong-hininga nalang ako. Inabot niya saakin ang draft at tiningnan ako ng malungkot. She looked down and shock passed by her eyes. mabilis ko na kinuha ang draft at binaba ang sleeves ko.

"Lucy, you--"

"Thank you po sa pagtulong niyo, mauuna na po ako" pilit kong sabi. Naglakad na ako palabas ng room nang tinawag niya ulit ako.

"If you need help for your thesis andito lang ako ha" She called out to me. Hindi ko siya pinansin. I've seen people like her, people pretending to care and when you actually need help. Wala sila.

Habang naglalakad sa Campus ay pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid ko. Friends were sitting down in the fields, may mga magjowang nag hahawakan ng kamay habang naglalakad, I saw football players smile habang pinag aagawan ang bola.

Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)Where stories live. Discover now