Chapter 38: Trojan Horse

Start from the beginning
                                    

"It will take time. Lalo na kung malala ang pagtrato sa kanya sa pinaggalingan niya" sabi ni Thea.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. The kindest person in this mansyon, the person I trust the most here. She deserves happiness and freedom. Hindi mo aakalain na may ganoong nakaraan siya, she still chose to be kind and friendly with everyone. Unlike me, always hurting the people around me and shutting them out of my life.

Bigla kong naalala si Maia at si Jeremy. Kumusta na kaya sila? is Jeremy doing well with his practice? si Maia? okay lang kaya sila ng ama niya?

"Lucy, thank you." sabi ni Thea sa akin at nginitian ako.

"Thank you for giving us a chance. It might not be obvious but the people around here are scarred. They might act tough but they are more scared than anyone else in the organization. Alam ko rin na ganoon ka. You also have that same broken look in your eyes, just like the others."

"Aconitum is a bunch of broken people, trying to gain courage and find love and safety for each other. Without each other, we are weak. That is why having you arrive is the greatest gift. You are a special person with a special ability Lucy, your life matters and is important."

Lumapit siya sa akin ang hinawakan ang pisngi ko gamit ang maiinit niyang palad.

"Wala akong matutulong sa field. I am also not that powerful but I want to provide a home that they can always return to. After a long day in battle, my fire will heal their hearts and make them feel safe. And ngayon andito ka na rin, our little sunshine."

"Sunshine?" mahina kong bulong at napatingin sa sahig "how am I a sunshine? I always bring darkness to people around me. I always hurt them and I'm not as kind as you."

"Lucy you are kind." sabi niya "only your mind tells you otherwise. You saved us Lucy, and because of you, baka maabot namin ang matagal na naming pinapangarap."

"Bring Olympus down?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at yumuko.

"Bringing them down does not mean killing them. Yan ang sasabihin ng iba nating mga kasama dito, their hearts full of hatred and despair."

Dinala niya ang dalawa niyang kamay papunta sa puso niya at pumikit.

"Alam ko, nararamdaman ko. They just want to be acknowledged, to hear apology and bring justice to other demigods. They just want security and a happy life. After all, that's what we all want, no matter what price we have to pay, we'll do anything for happiness."

Natigilan ako sa sinabi niya. I couldn't be as kind as her. I couldn't bring myself to look at the other side of the coin. Hindi ko maiisip na ang isang masamang tao ay kulang lang ng atensyon at pagmamahal. I'm not as kind as she thinks I am and I am not that sunshine she hopes me to be.

I came here for a selfish reason. I came here not caring about them. I came here always thinking of escaping and abandoning them and yet, she still makes me feel this way.

"Tubig." 

Naputol ang pag-uusap namin ni Thea nang biglang magsalita ang bata. Nanlaki ang mga mata ni Thea at ngumiti.

"Sige kunan kita ng water. Food gusto mo 'yon?" malambing niyang tanong sa bata. Napatango naman ito agad.

"Sige, kuha lang ako ng damit na pwede kong ipabihis sa kanya" sabi ko. Tumango naman si Thea at sabay kaming lumabas ng lounge.

The mansyon was silent. Most of the staff went home at kakaunti lang ang natira, kasama na si Talos. Hindi na ako bumalik sa pagkakatulog dahil dalawang araw din naman na ang itinulog ko.

Pumasok ako sa kwarto para maghanap ng damit. Habang naghahanap, nakita ko ang shirt ni Deimos na nakahalo sa mga damit ko. 

Nasaan na kaya sila? kumusta na kaya sila? kailan kaya sila babalik? I mean, they left with saying anything ni hindi naman lag tumatawag. I wonder if Ares brought them to wars again, since nagalit si Zeus sa kanya.

I shook the thought off. Sigurado akong babalik din sila kinabukasan. It's not like they will abandon me here.

Bumaba na ako at bumalik sa lounge, hindi ko pa nakita si Thea so I thought busy pa sa pag-iinit ng pagkain.

Nakita ko ang bata na nakaupo at nakatitig pa rin sa apoy. Lumapit ako sa kanya at nginitian siya.

"Palit muna tayo ng damit ha?" tanong ko sa kanya. Kinarga ko siya pababa ng sofa at tinanggal ang nadumihan niyang damit.

Napasinghap ako nang makita kung ano ang nasa ilalim ng shirt na suot niya. Burn marks were on his body at sinasakop nito halos lahat ng katawan niya.

"Oh no" bulong ko sa sarili. My hands traced his scars and he flinched against my touch na para bang nasasaktan pa rin siya nito. 

I felt electricity run through my finger up to my mind and scenes from the past flashed.

Sa madilim na kanto umiiyak ang bata habang tinutusok-tusok siya ng mga batang mas nakakatandang mga bata sa kanya gamit kahoy na may apoy.

Another scene shot up, this time umiiyak ang bata dahil sa gutom and ended up praying to some sort of god, hindi ko marinig kung kanino but it might be his parent.

Another is scene is when he was sleeping in bed. May anino ng isang tao ang lumapit sa kanya kaya naalimpungatan siya. May idinikit itong isang maliit na sticker sa likod at itinapat ang kanyang daliri sa harapan ng kanyang bibig at ngumisi.

Nabalik ako sa realidad at napatitig sa bata na nagiiwas tingin sa akin. Pinatalikod ko siya at nakita ang itim na sticker na nakadikit sa likod niya. I had the urge kaya mabilis ko itong tinanggal at tinapon sa apoy kung saan nagliyab ito ng malakas.

 Hinawakan ko ang mga balikat niya at iniharap siya sa akin.

"Bata" mahina kong tawag sa kanya "sino ang bumisita sayo nung gabing iyon? ano ang sinabi niya sayo?"

Nagdalawang isip ang bata kung sasabihin niya at nagsimulang mamasa ang kanyang mga mata.

"Wa-wag kang mag-aalala, aalagaan ka namin dito. Just tell me darling, who was that man and what did he say to you?"

"Wo-woof woof" sabi niya. Kumunot ang noo ko, wala akong maintindihan.

"Sabihin mo, ano ang sinabi niya sayo?"

Kumunot ang noo niya at ngumuso at nag-isip. Di nagtagal ay biglang nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa akin.

"S-sabi niya kagabi. Sabi niya," 

Kagabi? so that memory from last night?

"Sabi niya, I found you Ano-Aco-Actum, Acotum" utal-utal niyang sabi na tila hindi niya masabi ang salita.

"I found you Aconitum" bulong ko sa sarili. Nanlaki ang mga mata ko, they were aware that we were going to save the boy and set out a trap!

Bago paman ako makatakbo at makalabas ng lounge para sigawan ang mga kasama ko nagkaroon ng malaking pagsabog sa gilid ng lounge at tumilapon ako at bumagsak sa pader hanggang sa nawalan ako ng malay.

Sht. Where are the twins when you need them.

--

END

Aaaahhh the end is near! And yes. There will be a book two of Pandora <3 The release date is still unknown but yeah! this is going to be a duology or trilogy hihi.

Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)Where stories live. Discover now