Sierra 40

449 22 19
                                    

Xandra's POV

"Simple lang ang ipapagawa ko sainyo, ang pag subok na kailangan niyong gawin ay..." Napaka seryosong sabi ng diyosa kaya hindi ko maiwasang kabahan dahil baka hindi namin malampasan ang gusto niyang ipagawa

"Ang pag subok na kailangan niyong gawin ay umuwi ng ligtas sa academy at protektahan ito hanggat kaya niyo" pagtutuloy nito na ikinabigla naming lahat dahil hindi naman namin inasahan na kay simple lang pala ng nais niyang ipagawa

"P-po?" di makapaniwalang tanong ni ate Wynter dahil sa totoo lang ay lahat naman kami ay nakaramdam ng pagtataka

"Yes you heard it right, iyon lang ang pag subok na nais kong ipagawa sainyo"  nakangiting sabi ng diyosa at isa isa niya kaming tinignan

"P-pero bakit po? Sa pagkaka alam po naming lahat ay hindi ganyan ka dali ang pag-subok na pinagagawa ninyo sa ibang tao kaya't hanggang ngayon ay wala pang nagtatagumpay na makuha ang Cuphea" mahabang sabi ko dala ng pagka gulat

"Dahil..."

*Flashback*
Third Person's POV

Pagka alis ng mga royalties upang makapunta sa kanilang tutulugan ay umalis na din ang Diyosa upang pumunta sa kanyang trono

Pagkarating niya sa kanyang trono ay ipinatawag niya ang kanyang kanang kamay dahil may isang bagay na bumabagabag sakanya

Ng dumating ang kanyang kanang kamay ay agad na siyang nagtanong upang malinawan na agad sa kung ano ang dapat niyang gawin

"Dapat ko pa ba silang bigyan ng pagsubok gayong napatunayan ko naman na napakalinis ng kanilang kalooban?" nalilitong tanong niya sa kanyang kanang kamay

"Mahal na diyosa hindi ako ang nararapat na sumagot sa inyong katanungan dahil ikaw lamang ang makakagawa at dapat masunod kung ano ang gusto mong dumating sakanila" sagot ng kanyang kanang kamay ng diyosa at yumuko na tanda ng kanyang pagalis

Naiwang nakatulala ang diyosa upang timbangin kung ano ba ang nais niyang gawin sa mga royalties at kung hindi niya ba pagsisisihan ang desisyun na gagawin niya

Ilang minuto lang ang lumipas ng makapag desisyon na siya at ang napili niya ay...

"Hindi ko na sila bibigyan ng napaka bigat na pag subok dahil nararamdaman ko naman na tunay ang kanilang intensyon at habang sila'y aking pinagmamasdan kanina ay makikita ko sa mukha nila, lalong lalo na siya ang determinasyon upang mapag tagumpayan ang misyon na ibinigay ko sakanila" saad ng diyosa habang nakatitig sa kawalan

*End of Flashback*

"Maya maya lang ay makukuha niyo na ang dapat ninyong makuha pero sa ngayon ay bibigyan ko muna kayo ng oras upang makita kung ano ang dapat ninyong makita sa lugar na ito" sabi ng diyosa sa amin at nakita ko ang saya sa mukha ng aking kasamahan dahil dito

Sabay sabay tumayo ang mga lalake at hinila nila ang mga babae sa kung saan pagka tapos mag salita ng diyosa kaya naman ngayon ay kami nalang dalawa ni Fire ang nakaupo at naiwang hindi makapaniwala dahil sa nangyari

Maya maya lamang ay tumayo na siya at tinignan ko lamang siya na may pagtataka sa aking mukha at mukha namang napansin niya iyon kaya

"Let's go, sulitin muna natin ang oras na ibinigay sa atin ng diyosa at pata na din masilayan natin ang nakabibighaning ganda ng lugar na ito" sabi niya at inilahad ang kanyang kamay na malugod ko namang tinanggap

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa aking nakikita at hindi ko mapigilan ang aking sarili na hawakan ang mga ibang bulaklak

Patuloy pa rin kami sa pagla lakad ng biglang nakakita ako ng isang kulay lilang bulaklak kaya naman lumapit ako doon at hahawakan ko na sana ito dahil sa lahat ng bulaklak ay ito lang ang naiiba kaya nakuha niya ang aking atensyon 

Sierra Wonderland Academy (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon