Sierra 42

91 2 2
                                    

Xandra's POV

Habang kumakain kami ay dinig ko pa rin ang mahihinang tawa ng mga babae sa naging reaksyon ko kanina, nais ko man silang suwayin ngunit ayokong isipin nila na apektado pa rin ako sa panga-aasar nila hanggang ngayon

Ipinag patuloy ko nalang ang pagkain ng tahimik dahil kailangan na din naman namin mag madali kasi kailangan pa namin puntahan si tanda sa kanyang office

Ramdam kung nagtataka ang mga lalake sa inaasal ng mga babae dahil palipat lipat ang tingin nila sa amin ngunit hindi sila nag tanong at nagpa tuloy lang sa pagkain kaya naman gaya ng aking inaasahan ay mabilis kaming natapos sa pagkain

After namin kumain ay nagpa lipas lamang kami ng ilang minuto para makapag pahinga at pumunta na kami sa office ni tanda

"What do you think H.m will say sa atin?" tanong ng nag-iisang conyo sa grupo na si Elyse

"wHaT dO yOu thInK hM wIlL sAY sA AtIn?" pangi inis ni Aiden dito na siya namang nagtagumpay dahil nainis naman talaga si Elyse

"Kuya oh, Aiden is mocking me" sumbong niya sa kanyang kambal ngunit tinawanan lamang siya nito

Malapit na umiyak si Elyse dahil namumula na ang ilong niya at patulo na ang kanyang mga luha dahil sa tinatawanan lang namin siya at ang kuya niya ay walang ginagawa upang ipag tanggol siya

"Ah, She's so kawawa, No one wants to kampi to her" pang-iinis pa lalo ni Aiden sakaniya at tulad ng unang pagkakataon ay nag tagumpay nanaman ito sa pang-inis sakaniya, paiyak na si Elyse ng biglang sumabat sa usapan ang knight in shining armor niya na si Kuya Zach

"Hey, that enough!" sabi niya na akala ko ay kakampihan niya ito at pagagalitan kami sa ginawa naming pang-aasar sakaniya, ngunit ang kasunod na sinabi nito ay ang siyang nakapag pa lakas ng yawa naming lahat "You'll make the baby cry, pikunin pa naman" asar niya dito na nakapag pa walk out kay Elyse

"Hahahahahahahaha Hahahahahahahahahaaha" tawa naming lahat at alam kung dinig na dinig pa din ni Elyse iyon kaya kita ko siyang nagpapadyak habang papunta sa office ni tanda

"Hey tama na, sundan na natin ang bata at baka manuyo pa ang isa dyan kapag nag tampo iyon ng tuluyan" sabi ko sa lahat at wala naman silang nagawa kaya itinigil nila ang kanilang tawanan at nag simula ng mag lakad papunta sa office ni tanda

Walang katok katok ay binuksan ni Fire ang pinto kaya naman bumungad samin ang hindi ko maintindihan na itsura ni tanda

"Ano pong kailangan niyo at ipinatawag niyo kami dito?" magalang na tanong ni Millie at sinang ayunan naman ng lahat

"Bago ko sabihin ang dahilan bakit ko kayo pinapunta dito, gusto ko lang kayong Batiin sa matagumpay na mission na ginawa niyo" sabi niya na nakapagpa ngiti sa lahat maliban saming dalawa ni Fire

"Napaka husay ninyo at natapos niyo ang inyong misyon ng tagumpay at mas maaga pa sa buwan na ibinigay namin sainyo, kaya sa sobrang tuwa ng hari at reyna, binigyan nila kayo ng permiso upang pumunta sa Mortal world sa loob ng mahigit dalawang linggo upang makapag pahinga" Sabi niya sa amin na nakapag pa talon sa akin sa aking inuupuan dahil ang tagal ko na din gustong makita sina Mommy and Daddy

"P-po, talaga po?" hindi makapaniwalang tanong ni Keiran kay tanda kaya napangiti si tanda sa inasal naming lahat

"Oo, utos ito ng hari at reyna kaya kayo na'y pumunta sa portal at pumunta na kayo sa mortal world dahil dalawang linggo lang ang oras na ibibigay namin sainyo, habang nasa mortal world kayo ay magsasanay ang bawat estudyante sa paparating na war kaya wag din kayo magpa kampante at maging mapag masid kayo sa inyong paligid" mahabang paliwanag sa amin ni tanda habang papunta kami sa portal

~~~~~~~~~~~~~
A/n paumanhin sa matagal na paguupdate. Sana kayo ay mag-enjoy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sierra Wonderland Academy (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon