13

178 8 0
                                    

Third Person's POV

Nang maayos na nila ang kanya-kanya nilang gamit ay nagbihis agad sila ng pang swimming.

*knock-knock*

"Cath tapos ka na bang magbihis?" tanong ni Rom na naghihintay sa labas ng kwarto ni Cath.

"Oo wait lang" at bumukas kasabay nun ang paglabas ni Cath.

"Tara kanina pa sila naghihintay sa pool" saad ni Rom sabay hila kay Cath papunta sa pool.

Nang makarating sila dun ay agad hinananap ng mata ni Cath si Dev at napansin ito ni Rom kaya napa ngisi ito.

"Kung si Dev ang hinahanap mo, sasabihin kong wala pa siya. Mamaya pa daw siya bababa sabi ni butler Dave" nakangising saad ni Rom kaya namula si Cath.

"H-huh? Di k-ko siya hinahanap nu" tanggi ni Cath at mabilis na naglakad papalapit sa barkada na tumatambay sa tabi ng pool.

"*whistle* ang sexy kahit naka see-through ka ha" tukso ni Dale kaya mas lalong namula si Cath, nakatanggap naman ng batok ni Dale sa kapatid.

"Wag ka ngang ganya, mapapagkamalan kang manyak eh"usal ni Dian, ngumuso naman si Dale.

"Tara babe swimming na tayo" biglang sabi ni John habang hinihila si Arria sa pool.

"Dahan-dahan John baka madapa tayo, di halatang excited ka rin nu" natatawang saad ng nobya niya pero ngumisi lang si John bago yakapin si Arria sabay talon sa pool.

"Ahh-John!!" inis na aigaw ni Arria ng maka-ahon at maka alis sa pagkakayakap ni John.

"Opss sorry babe haha" natatawang paumanhin ni John pero inirapan lang siya ni Arria.

"Canon ball!!" biglang sigaw ni Dale at tunalon sa pool.

"Dale!!" sigaw nina Dian at Dzane ng biglang maglikha ng malakas na alon ang pagtalon niya sa pool.

"What did I miss?" biglang sulpot ni Dev dala-dala ang isang tray na may lamang pagkain na ginawa niya.

"DEV!!" masayang sigaw ng tatlong magkakapatid at mabilis na pumunta kay Dev pero pinigilan sila nito.

"Easy, may dala akong pagkain" natatawang saad ni Dev kaya napanguso ang tatlo.

"Arria bumalik ka na sa boyfriend baka magtampo yan" biro ni Dev pero inirapan lang siya ni Arria kaya nagtaka si Dev at napatingin kay John.

"What did you do?" tanong nito pero nagkibit balikat lang si John.

"Niyakap niya lang naman si Ate at biglang tumalon sa pool, alam mo naman na ayaw niya sa lahat yung bigla lang tatalon sa pool  dahil baka malunod siya, di pa naman yan marunong lumangoy" paliwanag ni Dian kaya naka tikim si John ng masamang tingin kay Dev na nagbigay kilabot sa binata.

"Ayusin mo" mouth ni Dev kay John kaya napatango ito at umahon sa pool para lapitan ang nobya. Naglakad naman si Dev papalapit sa pwesto nina Cath at Rom na kanina pa nag-uusap.

"Hey" malambing na saad nito sabay lapag ng pagkain sa mesa ng dalawa.

"Buti naman nandito ka na, may isang tao kasi dito kanina ka pa hinahanap" biro ni Rom pero pinalakihan siya ng mata ni Cath.

"Sino naman?" nagtatakang tanong ni Dev.

"Sino pa ba? Edi si- ARAYY!" biglang daing nito ng makaramdam ito ng kurot sa tagiliran

"Huh? May problema ba Rom?" nag-aalalang saad ni Dev pero ngumiti lang si Rom kay Dev ng pilit habang palihim na binigyan ng masamang tingin si Cath.

Twisted FateWhere stories live. Discover now