6

290 13 0
                                    

Third Person's POV

Matapos ang nangyaring eksena sa cafeteria ay bumalik na ang mga estudyante pati narin sina Dev sa kani-kanilang classroom dahil mag-uumpisa na ulit ang klase. Di mapigilang magtaka ng ilang estudyante sa nangyari kanina dahil ngayon lang nila nakitang lumabas ang presidente sa SCO tuwing snack time at di lang iyon ngayon lang din nila nakitang ngumiti ito at masaya dahil nga tinuturing rin ang presidente nila na isa sa Ice Queen ng paaralan.

LUNCH TIME~

Tulad nga ng pinag-usapan ay sinundo ni Dev si Rom sa office nito.

*tok~tok*

"Pasok" rinig na sabi ni Rom kay Dev kaya pumasok naman ito. Nakita niyang abala parin si Rom sa mga papeles na binabasa nito.

"Mukhang naka-istorbo ata ako" saad ni Dev umiiling naman na napatingin si Rom kay Dev.

"Baliw, okay lang tsaka patapos na naman ako at diba ako ang nag-aya sayo," sabi ni Rom at inayos na ang mga papeles bago ito tumayo.

"Ba't ka ganyan?" biglaang tanong ni Dev kay Rom kaya nagtaka naman ang isa.

"I mean ba't ang bait mo sa akin, rinig ko kasi kanina bago ako makarating dito ay isa ka daw sa tinatawag nilang ice queen" naguguluhang sabi ni Dev, napatingin naman si Rom sakanya at ngumiti bago ito magsalita.

"I don't know, para kasing may humihila sa akin papunta sayo tsaka hindi ito ang unang beses na nagkita tayo, natatandaan mo ba ang babaeng nabangga at tumilapon lahat ng papel na dala nito habang papunta ka sa rooftop? Ako yun" nakangiting sabi ni Rom.

Flashback~

Nagmamadaling umakyat si Dev papunta sa rooftop dahil hinahabol na naman siya ni Dzane sa ginawa nitong kasalanan, di niya naman napansing ang babae palakad pabalik sa kwarto kung saan man ito papunta.

*bogsh*

Tumilapon lahat ng dala ng babae at sabay na natumba ang dalawa, agad namang tumayo si Dev at tutulungan sana ang babae kung hindi lang dumating si Dzane.

"SMITTTHHH!!" rinig niyang sigaw ni Dzane sa malayo.

"Oh shit, sorry, sorry talaga kahit gusto kong tumulong kailangan ko munang umalis may humahabol kasi sa akin kaya babye na muna!!" nagmamadaling sabi ni Dev at tumakbo paalis.

"Rude" mahinang sabi nalang ng babae

End of Flashback~

"Ohmyghad! Ikaw yun? Sorry sorry talaga, hinahabol kasi ako nun ni Dzane kaya magtatago sana ako sa rooftop, sorry talaga" paulit-ulit na paumanhin ni Dev habang yuko ng yuko kay Rom.

"Naku ano ka ba okay lang tsaka napatunayan mo naman sa akin na mabait ka" natatawang sabi ni Rom.

"Sorry talaga tsaka di kita nakilala kasi ang natatandaan ko lang nun ay babaeng naka eye-glasses at nakabrace pa" sabi ni Dev

"Well totoo namang naka eye-glasses pa ako at nakabrace ng mga araw nun pero nagbago na ako " paliwanag ni Rom kaya naman napatango nalang si Dev.

"Paano tara na?" tanong ni Dev habang nakalagad ang kamay kay Rom, ngumiti namang kinuha ni Rom ang kamay nito at sabay silang lumabas ng SC office.

Nagtataka namang tumingin ang nga estudyante sa dalawa, rinig na rinig ang mga bulungan ng mga ito.

' Ohmyghad!! Magkasama si Miss President at ang star player ng soccer team!'

'Ohmyghad si baby Dev!'

'Kahit kailan talaga ang hot ni Miss President'

'Ba't sila magkasama?'

Twisted FateWhere stories live. Discover now