"May tatawagan lang ako," kinakabahang sagot ko.

Mas dumilim ang suot niyang ekspresyon kasabay nang pag-igting ng panga niya. "Sinong tatawagan mo?"

Hinaplos ko ang braso niya para pakalmahin siya, mukhang effective naman dahil nawala ang pagkakakunot ng noo niya.

"Tumawag sa akin si daddy, may kailangan lang kaming pag-usapan," paliwanag ko.

Tuluyan nang nawala ang bumabalot na galit sa mukha niya nang marinig ang paliwanag ko.

"You're going somewhere? I understand baby," mahinahong saad nito.

"Okay lang ba if pakibantayan muna si Pow Pow saglit? Tulog naman siya, at saka babalik din agad ako, promise," nangangakong sabi ko.

He smiled at me, tinaas niya ang baba ko gamit ang daliri bago ako halikan nang mariin sa labi.

"Take care, baby, I'll take care of Pow Pow here," nakangiti niyang sagot.

Sinuklian ko siya nang yakap. "Thank you, I gotta go ahead."

Tumakbo na ako papalabas ng Hospital, letse rin talaga ang matandang 'to, parang kabute na biglang susulpot.

Nang makalabas sa Hospital, humanao ako ng upuan sa labas at doon pinahinga ang katawan.

Agad kong tinawagan ang tatay ko na daig pa ang mga Hollywood actor sa yabang. Wala pang ilang segundo ay sinagot na niya.

"Ano, nahinga ka pa?" bungad ko nang sagutin niya ang tawag.

"What do you think of me?"

"Wala, akala ko kasi nasakal ka na sa sobrang asbag ng pagkatao mo." Ngumisi ako matapos sabihin 'yon.

"Acid, you have to listen carefully. I need to tell you something very important," seryoso niyang sabi sa kabilang linya.

Bagot na tumango ako kahit hindi niya naman ako nakikita.

"Sabihin mo na, pabitin ka pa."

"Your cousin, she's alive. And her mother is alive too, my sister. Alam kong hindi mo sila puwedeng makalimutan." Natigilan ako sa sinabi nito.

"E-Eerrah? And tita Isabella?" tanong ko.

"Yes, Isabella contacted me, she told me to keep an eye on Eerrah. Gusto niyang pabantayan ang pinsan mo sa akin, dahil alam niyang hindi ligtas si Eerrah sa kamay ng tatay nito," he answered.

Hinawakan ko ang ibabang labi. "Please, I don't want to get involve in this shit for a while, Stanley. May pinoproblema pa ako, but I can promise that I'll take care of Eerrah soon, kapag maayos na ang lagay ko. For now, handle it."

"I know, it just came to my mind suddenly that I should tell you about this. Ayokong sisiin mo ang sarili mo dahil akala mo ay patay na si Eerrah." Parang nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.

"Okay, I'll go now--"

"That child, he's suffering from Leukemia, right? I can help you with that," singit niya.

Nagtagis ang bagang ko. "Then what? After treating him, you'll train Pow Pow para maging ahente mo? No."

"You know me so well, Acid. Okay, I'll hang up now." Napanganga ako nang babaan niya ako ng tawag.

Napakakapal talaga ng pagmumukha niya, ako lang ang may karapatan na babaan siya ng tawag. Talaga nilihis niya ang usapan para makagawa ng paraan, walanghiya talaga ang lalaking 'yon.

Patayo na sana ako sa kinauupuan nang may umupong magandang babae sa tabi ko.

Nakabusangot ito habang may suot na headband sa ulo. Napatawa ako sa itsura nito, parang kaedad ko naman, pero parang bata ang itsura.

"Gusto mo piso?" pag-aalok ko.

Mas lumapad ang pagnguso nito. "Ayoko! Inaaway ako ng boyfriend ko, ayaw akong bilhan ng ice cream!"

Natatawang umiling ako. "Edi bumili ka ng bagong boyfriend."

Nakangusong umiling siya. "No, he's too handsome for me! I love him so much!"

Napangiti ako nang makita ang pagkinang ng mga mata niya, halatang inlove.

Parehas kaming nag-angat ng tingin nang may humablot sa kaniya.

"Maxreign, baby, please, talk to me." Shet, ang gwapo naman ng boyfriend nito.

Kung wala lang akong Third, dito na ako kakalampag. Pero sorry na lang, taken na.

"Bullet kasi! May kausap pa ako, e!" nagmamaktol na sabi ng babae at tinapunan pa ako ng tingin.

Lumipat ang tingin sa akin ng anghel, dahan dahan itong napangisi.

"Montevero, my brother is looking for you," nakangising sabi niya bago higitin ang magandang babae.

Napatulala na lang ako.

Ano raw? Bakit alam niya ang apelyido ko?

Lumingon ang dalaga sa akin at kumaway. "Bye! Ang cute mo, I am Maxreign!"

Naiiling na pinukpok ko ang ulo. Ang daming weird na tao sa mundo.

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now