Chapter 33 - Unforgettable NY

5 0 0
                                    

Nakalipas ang mga araw na andito kami sa Batangas. Puro kwentuhan, kainan at gala ang ginawa namin. Sila Carlita dito rin magbabagong taon. Ganun na rin sila Jed at Kevin. Pati si Kuya Jeff. Ang saya lang kasi mas naenjoy ko ang Christmas ngayong taon kasi mas marami kami at may nadagdag sa pamilya namin. Ganun na rin ang new year, mas magiging memorable.

"Oh sino sasama sa akin sa bayan? Bibili ako ng mga paputok." tanong ni papa.

"Sasama po ako." sagot ni Kevin.

"Ako rin po sasama." sabat naman ni Jed.

So ayon. Sinama nga sila ni papa. Mga lalaki talaga. Ang mga gusto e no? Nagkakasundo talaga. So ayon, naiwan kami nila Carla. Syempre nagkwentuhan na lang kami.

"Hoy! Carlita! Umamin ka!" sabi ko sa kanya.

"Ha? Anong aaminin ko sayo?" pa-inosenteng tanong nito.

"Na may crush ka kay Jed no? Yieee." pinisil pisil ko pa ito sa beywang.

"Oy grabe ka! Wala no!" mahina niyang sabi pero namumula.

"Sus. E bakit ang pula mo?" pang-aasar ko dito.

"Porket namumula may crush na?" pa-bara niyang tanong sakin.

"Oo kasi kinikilig ka." balik ko dito.

Hindi naman inamin ni Carlita na may crush siya kay Jed. Bahala nga siya. Tutulungan ko pa naman siya. Haha.

Marami na rin kaming napagkwentuhan ni Carla. Yung mga boys naman (Papa, Jed and Loves) dumating after 2 hours.

-

"Grabe Janina! 2 days na lang another year na naman! Parang kelan lang!" sabi ni Carla. As usual, andito kami sa kubo. Kasama si Loves at Jed.

"Kaya nga e. Naku dapat makahanap ka na ng boyfriend baka sakaling makahabol pa next year. Gusto mo HANAP kita?" sabi ko.

"Naku. Ang love kusang dumarating yan. Hindi yan hinahanap." Carla.

"Ang corny ninyo namang dalawa!" sabi ni loves.

"Magpinsan e." natatawang sabi ni Jed. Namula naman si Carla.

-

"Carla, sino nga ulit yung crush mo?" pang-aasar ko dito. Napalaki naman ang mata niya dahil sa tanong ko.

"A---ahh. Si ano. Yung.. Si James. Yung kapitbahay natin dun sa manila." sabay nagfake smile siya at kumwaring kinilig.

"Ha? Si James? Diba kaaway mo yun? Asar na asar ka dun kasi bad breath? Baka naman si Je---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita.

"Oo, si James! Crush ko yun kahit ganun yun!" sabi niya.

"Yuck!" sabi nung dalawang boys.

Natawa naman ako sa reaction ng mga mukha nila. Haha! Daig pa ang mga babae.

"Iba pala ang taste nito ni Carla e. Ayos!" Sabi naman ni Jed.

"Bakit sino ba gusto mo para sa kanya?" Tanong ko.

"Hayy naku! Bahala nga kayo jan!" Aba nag-walkout si Ateng!

"Lagot ka pre. Nagalit ata si Carla." Sabi ni Loves.

"Hala, bakit ako lagot? Si Janina kaya yung nangangasar!"

Love at First TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon