Chapter 22 - Date in the house

13 1 0
                                    

Kevin's POV

Nakaupo na kami sa sala. SI Mitch naman ay namamangha sa mga nakita niya, Tuwang-tuwa ito, Syempre happy ako kasi nagustuhan niya ang surprise ko.

"Loves, grabe ka talaga! Sobra-sobra na to." sabi niya habang nakatingin sa kin.

"Lahat naman gagawin ko para maging masaya ka." Hinawakan ko ang pisngi niya.

"Thank you for making me the happiest girl in the world." kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit.

"Thank you for coming into my life. Thank you for making me a better person loves." She hugged me.

Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Yung feeling na alam mo na kontento na kayo kung ano man ang meron sa relasyon ninyo. Makita ninyo lang na masaya ang bawat isa ay wala ka ng mahihiling pa.

"Tama na nga. Masyado na tayong nagdadrama e." Bumitaw naman siya sa yakap.

"Haha. Sige na nga. Wait ka lang jan loves ha. May kukunin lang ako." tumayo ako at pumasok sa kwarto ko. Ibibigay ko sa kanya yung bear na binili ko kahapon. Actually dalawa to e. Tig-isa kami. May damit sila. Mitch and Kevin yung nakasulat. Agad naman akong lumabas sa kwarto dala ang mga bears.

"Anak natin oh." sabay taas ko sa dalawang bears.

"Hahaha. Bakit hindi ko alam na may anak na tayo? Naku loves ha." pabiro niyang sabi. Inabot ko naman sa kanya yung boy na Kevin yung nakasulat sa damit. "Aw. Ang cute naman nito." sabay hug niya sa bear.

"Tig-isa tayo ng anak. Akin tong si Mitch, sayo si Kevin."

"Thank you loves."

-

After namin magkwentuhan sa sala ay inaya ko na itong kumain. Iniupo niya sa tabi niya ang bear na si Kevin at ganun din ako. (Feeling lang. Haha) Napapalakpak pa ito.

"Alam ko naman na yan ang favorite mo e. Kaya ayan ang hinanda ko." Nilagyan ko ng baked mac ang plato niya.

"Asan nga pala sila Tita loves?"

"As usual, si papa at kuya nasa trabaho. Si mama naman nasa reunion." Tumango-tango lang ito.

Sandali kaming nanahimik dahil feel na feel naming kainin ang mga nakahanda sa lamesa. Si Loves super enjoy sa kinakain niyang baked mac at pizza. Natutuwa lang ako kasi kahit matakaw siya ay hindi siya tumataba.

-

Mitch's POV

Nakakasurprise yung ginawa ni Kevin. Grabe! A for effort. Kaya pala super hindi siya nagtetext sa akin kahapon kasi ito pala ginagawa niya. He never fail to surprise me. To make me happy.

"Lovessssssssss!" Sabay lagay ng chocolate icing sa mukha ko.

"Hahahaha. Ang cute mo!" Sabi naman nito na tawang-tawa sa akin.

"Akala mo ako lang ha! Ito para sayo!" Nilagyan ko rin siya ng icing sa mukha. Mas marami kesa sa akin.

"Hahahahaha!" Tawang-tawa ako sa expression ng face niya. Akala niya siguro di ako gaganti.

"Ang bad mo. Nakikita tayo ng mga anak natin oh!" Sabay turo sa dalawang bears.

Feel na feel niya na anak talaga namin tong dalawang teddy bears. Pag ayan nagsalita. Haha. Hindi pa rin kami natayo after naming kumain. Masyado akong nabusog sa kinain ko. Super favorite ko kasi to. Kahit araw-araw akong kumain ng mga to di ako magsasawa.

Love at First TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon