"Wait! Lapag mo nga muna siya sa couch. Gonna take her a picture."

Napairap naman ako nang agad niyang ilabas ang kanyang phone. Nakailang shots pa siya bago niya tigilan ang anak ko.

"Alam mo minsan naiisip ko gusto muna magka anak, eh." Umingos siya sa aking tinuran at kinuha si baby sa couch. Baka malaglag pa.

"Bata pa ako. Kahit cute magkababy ay wala pa akong plano."

"Talaga lang ha? Puro pasarap ka lang muna, ano?" Tumawa siya sa pangaasar ko.

"Parang ikaw dati? Kaso may nakalusot lang kaya lumubo." Bwelta niya sabay nguso sa anak kong buhat buhat niya.

"Bwiset ka talaga. Amin na nga nang mabihisan ko na 'yan."

"Anyway punta tayo Dubai Beach bago ako umuwi ha?"

"Sige. Malapit lang din daw 'yon dito."

Nang makauwi si Kristine galing trabaho ay sinabi namin ang balak na pagpunta sa Tinaguang Paraiso next week. Pumayag naman siya at magpapaalam daw na aabsent sa araw na iyon.

Dalawang linggo lang naman si Vanessa dito kaya gustong gusto niyang puntahan.

Nang mag gabi ay kumatok si Vanessa sa aking kwarto. Busy kasi akong magpatulog sa maliit na 'to.

"Mommy-ing mommy ang dating."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinanong lang siya. "Why are you here?"

"I bought you this. Pagkatapos ko makausap sila Cloud." Then she showed me a white box. It's an Iphone X.

"Bakit mo naman ako binilhan?"

"Alam ko naman makakabili ka nito kaso wala kang choice kundi gamitin 'to lalo na kapag ako ang bumili." Inilapag niya sa kama ang Box saka humarap sa akin. "Para makausap lang rin kita ng sarili. Incase na wala sila Tita Agnes dito."

Tumango at ngumiti na lang ako sa kanya. Nagpaalam na siyang lumabas para makapag pahinga na rin.

Nang makatulog si Clea ay binuksan ko ang Iphone. Funny how I used to have gadgets before, but now I don't have even one.

Nakaunlocked na ito at may simcard na. Hindi na ako nagtaka. Nagconnect ako sa wifi rito at nag download ng ibang social apps.

I created another IG account and made it private. Tanging si Vanessa at Kristine lang ang finollow ko at iilang IG pages.

Nagiscroll ako ng makakita ng ads ng Zephyrus Band. Kaya naisipan kong istalk sila isa-isa. Ibang pangalan din naman ang Username ko.

Wala sa sariling napangiti ako ng makita ang story ni Cloud. Umuwi na ang parents niya kaya may handaan sa mansion. Nahagip din sa picture si Lola.

Sobrang namiss ko si Lola, ang tagal na ng huling nagkita kami. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang makita ang maliit na caption sa may ibaba.

'Wishing you're here'

Matunog akong napalunok bago ibinaba ang aking phone. Hindi ko mapigilang mag-assume na ako ang tinutukoy niya.

I missed them so much!

Tumabi ako kay Clea at pinugpog siya ng halik. "Alam kong magiging masaya sila kapag nakilala ka nila. Lalo na si Lola." I whispered and hugged this little baby.

Paririto't roon ang mga lakad namin dahil naghahanda kami sa pagpunta sa dubai beach na tinatawag nila. Aakyat pa kami sa bundok para makarating.

Buti na lang ay tulog pa si Clea kaya malaya akong nakakatulong. Nang matapos ay agad din kaming nagpahatid ng sasakyan, hindi na kaya akyatin ng sasakyan kaya nilakad na lang namin. Buti ay hindi masyadong malikot itong anak ko kaya hindi nakakapagod.

May iilang mga simpleng kabahayan pa kaming nadaanan bago makarating sa tinaguang paraiso.

"Ang ganda!" Bulalas ni Vanessa, agad na nilabas ang camera para kuhanan ng litrato.

"Ang hangin...." Ani ko at inikot ang aking paningin. Nakakamangha na may mga cave pa malapit dito. Pero manmade daw ito.

Wala masyadong tao rito dahil iilan lang ang may alam, libre lang rin ang makapunta dito. Nilapag na namin ang ibang pagkaing dala at nagpahinga saglit.

Naka yellow maxi dress lang naman ako at bikini ang suot kong undergarments, partner sa aking anak.

"She's so happy." I exclaimed while holding my jumpy baby. Tinatalon-talon niya ang binti niya sa aking hita habang hinahawakan ko siya sa ilalim ng kanyang kili-kili. Hinahangin din ang baby yellow dress na suot niya.

Iilan talaga sa mga damit namin ay customize ni Vanessa. Ano pa't designer siya kung hindi niya kami gagawan, noh.

Hinahayaan ko lang siyang tumalon talon nang makarinig ako ng 'click' ng camera.

"Ang gandang view." Ngiti sa amin ni Tita Agnes. Natawa ako ng kinuhanan niya rin kami ng picture.

"Tara na! Let's swim!" Hinubad niya ang dress niya at inilantad nito ang black two piece na suot niya sa ilalim.

Natatawa namang sumunod si Kristine na nakaone piece bikini.

"Go, Cleine. Show us what you got!" Sigaw ni Vanessa hindi kalayuan sa dalampasigan. Medyo mabato sa may tubig, kaya ingat lang talaga.

"Let's go, baby. Show Ninang your bikini." Nakangiting ani ko sa anak ko na hinalakhakan niya lang kahit hindi naiintindihan. Masyado namang masayahin ang anak ko na 'to.

Hinubad ko ang yellow dress namin at naiwan ang Matchy burgundy two piece namin. High cut ang bikini ko habang kay Clea naman ay shorts shorts.

"Ang sexy ni Clea! Mana sa mommy!" Hiyaw ni Kristine. Natawa naman ako at lumakad na papunta sa kanila.

"Careful, hija."

"Yes po, Auntie."

"My baby's scared!" Nilubog ko kasi ang isang paa niya sa tubig. 5 months old baby ba naman ipag beach ko agad.

Bumalik kami sa dalampasigan at tumingin na lang muna sa kanila. Nagoffer din si Auntie na siya na muna maghahawak kay Clea kaso tumangi ako dahil gusto ko pa buhatin ang anak ko.

May puno naman dito na pwedeng pagsilongan dahil tumataas na ang araw kaya doon na lang muna kami tumayo. Mahangin din naman kaya hindi masakit sa balat.

Umahon na sila Vanessa pero nakatayo pa rin kami dito dahil ang sarap ng hangin kaya medyo tumagal kami.

Natawa ako ng maramdaman na nakahiga na ang ulo ni Clea sa aking balikat, inihele ko na siya dahil inaantok na ito.

Bumalik na ako sa pwesto namin nang tuluyan nang nakatulog si Cleatrine. Sakto at inihahanda na nila ang lunch namin.

"Tara na at kakain." Auntie Agnes. Tumango naman ako at sinaluhan sila.

Nagsasandok pa lang sila ng pagkain kaya nagopen muna ako ng phone. Kumunot ang noo ko ng may notif sa'kin ang pagpost ni Vanessa.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang picture with caption of 'Girls in red.'

Ito 'yong nakasilong kami sa puno habang nakaharap sa dagat, kita dito ang tulog na si Clea.

"Vanessa! You posted a picture of us!"

May diin sa boses ko, kinakabahan ako sa mga paganito niya. Hindi man halata na ako iyan ay nanlamig pa rin ako.

My eyes widened again when I saw Jared's name in people who reacted to Vanessa's post.

There's a comment also that came from those four boys.

louie.F: What a sexy—I mean a beautiful view.

cloudisreal: Who's that?

vince.thegreat: ❤

v.j.cervantes: Wanna go there.

Nagtaka ako sa mga kanya-kanyang comments nila.

"Anong pinaggagagawa nila?" Naguguluhang tanong ni Vanessa na nakasilip sa phone ko. "Hindi naman halatang kayo, Cleine. Easy." She stated and let out a chuckle.

Why do I have this feeling.....

——————————————————

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon