"Paano kaya nila kinayang magstay dito?"

"Oo nga girl samantalang pinag-aagawan na sila ng dalawang grupo."

"Hay nako lagi lang silang nakiki-epal noh."

"Ang kakapal din naman kasi talaga ng mukha ng mga yan."

Nainis ako sa sinabi nung pangatlo babae kaya hindi na ako nakapagpigil at nilapitan ito.

"Makapal? Tignan mo muna yang sarili mo bago ako. Wala ka namang binatbat." Mataray kong sabi sa kanya na halatang ikinainis nito.

"Woahhhh!" Sabay-sabay namang sabi ng mga kaibigan ko.

"HOY! Baguhan ka lang dito pero kung makaasta akala mo kung sino. Ano bang maipagmamalaki mo?" Tanong nung babae.

"Eh pokpok lang naman yan kaya siya gusto nila Fhen at DW." Singit ng isa kaya bigla na lang lumapit si Den sa kanya at sinampal.

"For your information, hindi kami ang unang lumapit sa mga yun. Kasalanan ba namin kung mas maganda kami kesa sa inyo? At kasalanan ba namin kung mas mukha kayong pokpok samin?" Muli namang napa 'woah!' sina Jho kasama na rin ang iba pang mga estudyanteng nakikinig.

"Bastos ka!" Hahawakan sana ako ng babae pero may humawak sa kamay nito.

"Slap her and I will show you the way to death." Malamig na sabi ng isang napakapamilyar na boses.

Hinarap ko siya at nakita ang seryosong mukha ni...

"Deanna." I whispered.

Bakit mo toh ginagawa?!

"Shh!" Pagpapatahimik niya sakin.

"B-bakit?! Siya naman ang nauna hindi kami!" Matapang na sabi niya pero nanginginig na ngayon ang mga babaeng nakasagutan namin.

"Nauna? Eh hindi naman marunong pumatol si Jema sa mga low class na katulad niyo!" Sagot ni Jho na ikinalaki ng mga mata ni Bea.

"Ang cool naman niyan bro." Rinig kong bulong ni TC kay BDL.

"Aysh just shut your mouth." Sagot lang ni BDL.

"S-sorry po. Hindi na po mauulit DW." Takot na sabi ng isa sa kasama niya.

"Tama po yun. Hindi na po namin sila guguluhin." Sang-ayon ng matapang na bruha.

"Sorry but I don't know how to apologize." Mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kanya kaya napaupo na yung babae.

"Dude that's enough." Pigil sa kanya ni TC pero hindi nagpatinag si Deanna kaya hinarap ko siya at pinakalma.

"Bitawan mo na. Hayaan mo ba sila." Sabi ko sa kanya. Sinunod naman niya ang sinabi ko pero seryoso pa rin ang tingin niya sa mga babae.

"Alis." Walang ganang utos ni Deanna kaya wala pang isang segundo ay nawala na saming harapan yung mga babae.

"A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Yumi.

"Malamang mag-aaral." Pilosopong sagot ni Jaycel at naglakad papunta sa room.

"Tss." Naiiling na sumunod si AV sa kanya kasama na rin ang ibang SV except kay Deanna.

"Leave us alone." She coldly said.

"Hindi namin iiwan si Jema." Sagot ni Den sabay hawak sa aking braso.

"Okay lang ako. Mauna na kayo." Inalis ko yung kamay niya at ngumiti.

"You sure?" Celine asked. Tipid lang akong tumango sa kanya kaya umalis na rin sila.

Gangsters of AteneoWhere stories live. Discover now