Naglalakad pa lamang kami papuntang department store ay rinig na namin ang usap-usapan ng iilang tao dito.

"May guesting daw mamaya." The girl with a black shirt near us. Tumili naman ang kasama nito.

"Nakalimutan ko 'yong pangalan pero sikat 'yon." she answered.

Bigla naman akong kinabahan. Ewan ko ba basta may naririnig akong 'sikat' agad na pumapasok sa isip ko ang Zephyrus Band, pero imposible naman siguro dahil sa mga nakalipas na buwan ay international na ang kumukuha sa kanila.

"Sakto 'ata tayo at mukhang may event dun banda sa dinaanan natin." ani ni Kristine. Nakikinig lamang si Vanessa sa amin na busy sa pangunguha ng mga essentials niya.

Kaya ba wala masyadong tao kanina sa parte na dinaanan namin dahil nandun lahat sa event na sinasabi nila?

Nang matapos kaming mamili ay kumain muna kami sa isang fast food.

"Jollibee na lang." Suhestyon ni Kristine.

Umupo na kami sa may window side. Glass ito kaya kita ang sa labas nitong fast food.

"Spaghetti and burger lang akin." Ani ko, at dahil si Tin ang nagsuggest kaya siya rin daw ang o-order sa counter.

Kinuha ko muna si Clea at pinangko sa akin dahil may iilang daan nang daan sa gilid.

"Hey! Baby, don't eat your fingers. Cleine, your baby might be hungry."

"Paabot nga ng mini bottle niya sa baba ng stroller, Van. Thank you." I immediately get it when she handed me the milk.

"Hindi ka nag breastfeed?"

"Ngayon ko lang siya binote. Nasa labas kasi." Tumango naman siya, sakto ang pagdating ni Kristine dala-dala ang drinks. To follow pa raw ang food namin.

Ilang minuto matapos ang pagdating ng aming pagkain ay napatingin kami sa iilan na nagtatakbuhan sa hallway ng Mall, iisang direksyon lang ang tinatakbo nila.

"What's with them?" I asked, curiously. They just shrugged and continued to eat.

"Kristine patulak naman ng stroller. Inaantok na 'to, eh. Bubuhatin ko na lang."

Nagtataka akong tumingin sa palikong hall nitong mall. Sobrang daming tao. May artista ba ro'n?

"Ano ba naman yan! Ang panget ng timing natin magMall ang gulo-gulo nila." Inis na Vanessa ang naririnig ko sa aking likod.

Napalingon naman kaming dalawa kay Kristine na may kausap na babae. Dala niya pa ang stroller ni Clea.

Huminto muna kami para hintayin siya. Naglulumikot na rin kasi itong anak ko. "You don't want to sleep, baby? Hmmm...." I whispered to my daughter.

Maya-maya kasi ang bukas ng mga mata niya sa mga tao kaya mas maganda ngang umuwi na kami. This mall became crowded.

"Tin, let's go?" Vanessa asked. Pumunta naman siya sa puwesto namin at nagpaalam.

"Silip lang ako saglit dun? Hintayin niyo ko, please." Ngumiti pa siya na akala mo talaga ay pagbabawalan.

Natawa naman ako saka pumayag. "Just a minute, ha? Para maiuwi ko na 'tong maliit." Tumango naman siya at mabilis na nagpalamon sa kumpol ng mga tao.

"Hanap tayo mauupuan." Inalalayan ako ni Vanessa papunta sa two or three seater bench na nasa gilid ng isang korean store.

Malaki din ang store na 'to, ha.

"Tulog na siya?" Vanessa then checked Clea. Pero ang maliit na bata ay iniikot lang ang mata sa paligid. Pinahiga ko siya sa aking bisig bago umupo ng padekwatro.

"Nahihirapan ka ba?" She asked randomly.

"Saan naman?"

"Sa pag aalaga kay Baby. Pero mukha ka pa rin namang fresh." I laughed at her statement.

"Fresh ka diyan. Napapagod din naman. Madalas pa puyat, pero okay lang. Ako naman magulang nito, eh."

Ngumiti siya at kinuha ang phone niya, kinuhanan ang paang parte ng anak ko. Pansin din sa picture na karga-karga siya.

"I'm so proud of you." She sweetly said and kissed Clea's forehead.

"Thank you. Anyway, let's go at baka dun naghihintay ang pinsan mo."

Tumayo na kami at bumalik sa kaninang pwesto namin. Buti na lang saktong tumatakbo si Kristine sa aming direksyon. Hindi maintindihan kung anong rekasyon mayroon siya.

"Shit! Dali, punta tayo dun!" Aligagang bungad niya sa amin nang makalapit siya.

"What happened to you?" Takang tanong ko at sinisipat ang mukha niya.

"Uuwi na tayo, Tin. Balikan mo na lang sa sunod 'yon." Hahatakin na sana siya ni Vanessa nang hinawakan niya ito sa braso.

"Hindi mo alam nandito si Kuya Louie!" Parehas kaming nagulat sa sinabi niya at nagkatinginan.

"Ano ka ba. Bakit naman sila mapapadpad dito?" Umiiling na sambit ng kaibigan ko.

"Sila 'yong grupo na maggi guest sa event doon! Pinagkakaguluhan na sila. Kaya tara na!"

Nanigas ako sa kinatatayuan habang pinapakinggan siya. P-paanong naririto sila? International tapos biglang dito maggi guest?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sobrang liit ba ng mundo namin at biglang nasa iisang lugar lang kami.

Napayakap ako ng mahigpit sa anak ko, tumingin ako kay Vanessa na may takot sa mata.

"No way...." I mouthed.

——————————————————

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon