Chapter Three

26 3 2
                                    

"OKAY, but you will have Pedro as your bodyguard," saad ni Dad at sumubo na ng pagkain. Nakita ko naman si Pedro na nasa likod na ni Dad na kanina'y walang tao.

Tatlo kami nila Mom sa hapag at gaya ng ibang mga gabi, maraming pagkaing nakahain. Mom said pasasalamat niya raw kasi maraming natatanggap na blessings araw-araw, kaya hindi ko na lang tinanong pa ng kung ano. At dahil hindi naman namin nauubos ang pagkain na imposible talagang mangyari, mga katulong at guards ang kumakain. Sa rami naming kasama rito sa bahay ay nauubos lagi ang mga nakahanda.

Maraming kompanya si Dad  kaya kilala siya bilang pinakamayamang business man dito sa Pilipinas. We have hotels, restaurants, malls, and many more. Maliliit o malalaki man 'yan, mayroon si Dad.

Si Mom naman ay mayroong flower shop sa labas ng village, ayaw sana ni Dad dahil kaya naman niya magtrabaho at i-provide lahat sa amin, kaso si Mom ang gusting magtrabaho kaya hindi na siya pinigilan ni Dad at pinatayuan na lang.

"Dad, bodyguard really? Baka pagtawanan ako ng mga friends ko." Hindi makapaniwalang ani ko sa sinabi ni Dad.

"This is for your own good, baby. Hindi naman magpapakita si Pedro, titingin lang siya mula sa malayo." Paliwanag nito na ikinatango ko na lang.

Since elementary may bodyguard ako hanggang highschool. Nitong college lang wala, dahil mahigpit naman ang security sa university, pero hatid sundo pa rin ako ng driver, na okay naman sa akin dahil hindi ako marunong mag-drive, ayaw ni Dad na matuto akong mag-drive at hindi ko na lang din pinilit.

"And twelve o'clock ay dapat nasa bahay ka na." Paalala pa ni Dad.

"Okay, Dad. Thank you!" Sabi ko at ngumiti ng malaki.

"Mag-iingat ka, Step. Ayokong mawala ka," sabi pa ni Mom na nakatingin sa akin. Tumango naman ako sa kanya.

Mom told me na may kakambal ako, kaso namatay iyon pagkapanganak niya sa amin. Hindi niya na nakita ang katawan at si Dad na lang ang nagpalibing no'n. Paglabas namin ni Mom sa hospital ay pinuntahan pa namin ang puntod bago makauwi. Taon-taon kaming dumadalaw sa kanya, doon na rin ako nag-ce-celebrate ng birthday. Pagkatapos ng araw sa sementeryo ay nagdadaos ng party si Dad to celebrate my birthday.

Lagi kong hinihiling kila Mom na magkaroon ng kapatid pero sa kasamaang palad, hindi na puwede. Hindi na puwedeng mabuntis si Mom, kaya wala na rin akong magawa.

Nang matapos kami kumain ay umakyat na ako sa itaas. Iniisip ko na kung ano ang piwedeng iregalo kay Alexis. Two days na lang kasi ay birthday niya na at hanggang ngayon wala akong maisip na ibigay. Habang nag-iisip ay tumunog ang phone ko, nang abutin ko iyon ay si Lex ang nakarehistro kaya sinagot ko agad ito.

"Hello, Lex?" Sagot ko sa tawag.

"Step? Are you free tomorrow? Naisip namin ni Chris na mag-shopping then bumili na rin ng gift for Alexis." Napangiti naman ako sa sinabi nito.

"Wah! Hulog ka talaga ng langit, Lex. Kanina ko pa iniisip ang ibibigay kay Alexis. And by the way, pinayagan ako nila Dad na pumunta, pero hanggang twelve lang."

"That's good. So tomorrow? After lunch, okay?"

Nang sumang-ayon ako ay pinatay na naman namin ang tawag. Nahiga ako sa aking kama at hindi pa nag-isip pa dahil wala na akong po-problemahin.

Kinabukasan ay wala kaming klase, kaya naman wala akong ginawa buong umaga. Pagdating naman ng tanghali ay kumain at nag-ayos lang ako.

"Kuya Ben, alis na po ako." Pagtawag ko ng pansin sa driver namin na nililinis ang isang sasakyan. Lumingon naman ito sa akin at ngumiti. Ibinigay niya ang panglinis sa isang guard na nandoon bago lumapit sa akin.

ALASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon